Kabanata 2
Nagising ako dahil sa lamig. Nakatulog pala ako. Anong oras na? Naka–uwi na ba siya? Agad dumapo ang mata ko sa orasan. Alas nuebe na pala ng umaga. Alas nuebe!? Dali–dali akong pumunta sa kusina at nagluto siguradong gutom na siya. Growl! Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi pala ako kumain kagabi. Ng matapos akong magluto ay pumunta na ako sa kwarto nya. Tok tok tok! Walang sumasagot kaya binuksan ko nalang. Walang tao. Nasa opisina na siguro sya. Bumaba na lang ako at kumain mag–isa sa kusina.
——————————————————————
Kring. Kring.
Nagising ako dahil sa ingay ng telepono. Tumayo na ako at sinagot ito.
"Hello?"
"Xrystal! Gosh friend. I'm back!" Pasigaw na bati nito kaya nilayo ko ng bahagya ang telepono. Aira Louisse Andrada, my bestfriend since childhood. Napakahyper nito at palaging nakasigaw. Nakabalik na pala sya. Nung 10 yrs old kasi kami ay nagmigrate ang pamilya nito sa Canada dahil sa trabaho ng ama nito.
"Kailan ka dumating?"
"Kahapon lang. Gala tayo. Namiss kita."
"Saan ba?"
"Dating gawi bes." Shopping na naman yan. Pag sinabi nyang dating gawi ay ang pagshopping nito hanggang mag gabi at ako na naman ang tagabuhat nito.
"Sige na. Magkita na lang tayo sa Starbucks."
"Sure. Bye besh! I love you!" Nagluto na lang ako ng pagkain ni Zach, dahil alam kung gagabihin kami ni Aira. Nagbihis na rin ako at umalis patungung Starbucks.