"Nung Tinapos Natin Ang Lahat"
aestheticsnow
October 20, 2017Nakakatawa na parang kailan lang tayo pa
Nakakatawa na dati kamay mo ay hawak ko pa
Naaalala ko pa yung ngiti mo, pati yung tawa mo
Isama mo na din yung mga korni na joke moNaaalala ko pa kung paano mo sinasabi ang katagang "Mahal kita"
Naaalala ko parin kung paano mo ako hahagkan at sasabihing "mahalaga ka"
Naaalala ko ang lahat ng mga pangako mo
Mga pangako na iniwan mo nang naka pako.Naaalala ko pa ang mga rosas na iniyakan ko nang nalanta na
At kung paano mo sinabing "Okay lang yan, may darating pang iba."
Naalala ko pa kung paano mo ako isinayaw sa paborito kong kanta
Na mukhang ngayon ay kamumuhian ko na.Naaalala ko pa yung panahon na tatakbo tayo sa gitna ng ulan
Maliligo doon, at walang pakialam sa kawalan
Naaalala ko pa kung paano mo ako kantahan
Nung mga panahon na wala pa tayo sa ganitong hantungan.Naaalala ko kung paano tataas ang kilay mo
Kapag magsisinungaling ako at sasabihing "ayos lang ako."
Naaalala ko din kung paano ka magalit
At mukhang ngayon puno nalang ito ng paitNaaalala ko din kung paano mo ako iniwan
Kung paanong tayong dalawa ay nagkalabuan.
Naaalala ko pa kung paano mo nakalimutang maging tapat
Nung tinapos natin ang lahat.Naaalala ko pa kung paano mo ako ako tiningnan
Kung paanong yang mga mata mo ay hindi na ako kayang ipatahan.
Naaalala ko pa kung paano ka humawak sa kaniya.
Naaalala ko ang lahat, at pati ikaw din sana.Sana naaalala mo kung paano tumulas ang kolorete sa mukha ko
Sana naaalala mo kung paanong ako ay nagmaka-awa sayo
Sana naaalala mo kung paanong ako'y pinapatay mo
Habang sinusubukan ko pang buuin ang tayo.Naaalala ko pa iyon lahat
Noong tinapos natin ang lahat
Sinabi mo na "tama na, nagkamali na ako."
At sumagot na ako "Oo alam ko, at ikaw ay patatawarin ko."Ngunit sana sinabi mo
Na hindi pala iyon ang kailangan mo
Kalayaan pala ang nais mo
Kalayaan na mahalin ang saakin ay ipinalit moOo, naaalala ko pa lahat
Walang labis, walang kulang at tapat na tapat
Naaalala ko na hindi ako naging sapat
Kasi tinapos na natin ang lahat.
Ay mali, tinapos mo na ang lahat.