The Proposal

1 0 0
                                    

"May, May... May!"

Napabangon ako mula sa pagkakatulog ng marinig ko si Jiro na kanina pa daw ako ginigising.
Kung hindi pa ata dumating tong best friend ko mamayang 10 pa ako magigising.

"O, alas siete pa ah. Bakit ba ang aga mo?" Tanong ko sa kanya. Naka gray syang v-neck shirt kaya halatang pagod sya dahil sa bakat parin ang pawis sa damit nya.

" Ahh, ano kase. Y-yung kapatid ko nagpapasama sakin sa mall pero kase m-may pupuntahan akong i-importante ngayon. Pwede mo ba syang samahan? Ipapahatid ko nalang kayo sa driver."

Yun na yun? Tatanggi pa sana ako kaso parang may importante talaga syang gagawin dahil base sa kilos nya parang kinakabahan sya na aligaga na ewan kaya pumayag na ako.

Umalis na rin sya agad. Sabi pa nya pagkatapos namin sa mall ay pumunta daw kami ni Joy (kapatid nya) sa coffee shop na lagi naming pinupuntahan. Ayaw naman nyang sabihin kung bakit basta kailangan daw nandun ako.

10 taon.

10 taon ko nang bestfriend si Jiro. Tandang tanda ko pa nung nagtransfer ako sa school nila nung 4th year kami. Para akong hangin lang sa kanilang magkakaklase. Habang nagtayawanan sila, ako nakikinig lang at nakikitawa paminsan minsan.
Makaraan ang ilang araw kinausap nya ako. Nagtaka ako noon. Yun pala dahil magpapatulong sya sa assignment. Doon ko lang nalaman na akala pala ng mga bago kong kaklase eh matalino ako dahil nga tahimik ako at nagpapanggap na nag aaral lagi. At dahil wala akong kaibigan tinuruan kita kahit di ko sure yung mga sinasabi ko. Buti nalang perfect yung assignment mo kaya lagi ka sakin nagpapaturo mula noon. At dahil doon ay naging magkaibigan na tayo. Napasama ako sa barkada nyo at naging close tayo. Nag BSBA karin nung college dahil sabi mo para magkasama parin tayo.

Marami na tayong pinagsamahan. Nag aaway tayo minsan. Namamakealam sa isa't isa. Pag nagkakaksakit ka mas nag aalala ako kesa sayo. Kung makaasta ako parang magulang mo ako at ganun karin sakin. Ang sarap lang sa pakiramdam na alam mong may nag aalala, nag aalaga at nagmamahal sayo. Paano nalang kung wala ka sa tabi ko. Pano kung di kita nakilala. Di ko alam kung paano ang buhay ko nun.
Sa sampung taon nating pagkakaibigan, di ko naiwasan na mas mapalapit sayo. At minahal kita kahit parang imposibleng mahalin mo rin ako.

"Ate May?"
Tawag ni Joy sakin. Nasa mall na kami ngayon at kumakain sa isang fastfood chain.
"Bakit? May bibilhin ka pa ba?" Tanong ko.
"Ahh, wala na. Uuwi na ba tayo?
"Hindi pa. Pinapapunta tayo ng kuya mo sa coffee shop diba?"

"Ay oo nga pala! Hmm.. Nakakaexcite."

"Ano yun?" Tanong ko dahil di ko masyadong narinig yung sinabi nya.

"W-wala. Hehe."

Mag aalas tres na ng umalis kami ni Joy sa mall. Gaya ng sinabi ni Jiro dumeretso na muna kami ni Joy sa coffee shop.

Pagkarating namin sa coffee shop, napatigil ako.

Nagulat,

Kinabahan

Nandito ang pamilya nya, mga kaibigan namin, at iba pang malalapit sa amin.

Naiiyak ako.

Di ako nakalakad.

Ngayon na ata yun.

Mula sa kinatatayuan ko, kita ko na ibang iba ang disenyo ng shop ngayon. Kahit nasal labas ako eh alam kong naghihiyawan ang mga tao na parang kinikilig.

Naiiyak ako.

Pumasok ako sa pinto...
Naistatwa na ako sa kinatatayuan ko.
Mga puting rosas ang sumalubong sakin. Nakangiti ang mga tao. Sa paanan ko ay red carpet na may mga petals ng puting rosas. Sa taas ay mga lobong puso na may nakakabit na larawan.

Sa dulo nakita ko si Jiro. Nakaluhod. Suot parin ang gray na t shirt na pinatungan ng itim na coat. Hawak hawak nya ang bouquet ng pulang rosas at isang maliit na kahon.

" Marami na tayong pinagsamahan. Nag aaway tayo minsan. Namamakealam sa isa't isa. Pag nagkakaksakit ka mas nag aalala ako kesa sayo. Kung makaasta ako parang magulang mo ako at ganun karin sakin. Ang sarap lang sa pakiramdam na alam mong may nag aalala, nag aalaga at nagmamahal sayo. Paano nalang kung wala ka sa tabi ko. Pano kung di kita nakilala. Di ko alam kung paano ang buhay ko nun.
10 taon na tayong magkasama. Sampung taon na kitang minamahal ngunit hindi ito titigil kahit ilang sampung taon pa ang dumaan." -Jiro

Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko ng mabasa sa sa pader ang mga salitang...

"Will you marry me?"




.
.

"YES!"

At nagtilian ang mga tao sa paligid.

Habang ako napaiyak nalang habang sinusuot nya ang sing sing sa daliri ng babaeng 10 na nyang pinakamamahal.

Tama.

Ngayon ang 10th anniversary nila ng girlfriend nya. At saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa. Sa isang dekada nilang pagsasama, ngayon nya lang naisipan na magpropose sa kanya.
Parang tumigil ang mundo ko ng makitang magkayakap sila at nakangiti.
Kita sa kanilang mga mata ang labis na tuwa.

Ikakasal na sila..

Si Jiro at sya...
Magiging masaya sa piling ng isa't isa.

Ako.
Masaya ako para sa kanila.
Pero hindi lahat ng masaya ay walang sakit na nadarama.

"Buti dumating ka!" Sabi ni Jiro. "Salamat sa palagi mong pagsuporta sa akin. Sa amin. Kaya napakalaking bagay na nandito ka. Kayong mga kaibigan ko. "

"I-I'm happy for you."

Umalis na ako...



My Best Friend's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon