A/N: Pakinggan niyo yung song sa multimedia habang binabasa 'to para mas dama -.-
****
NIANA'S POV
"Bes!" Napatili ako nang makita ko ang bestfriend kong naka-upo sa hilera ng mga bleachers sa field, Si Ashlee.
"Ano na naman?" Iritado niyang singhal, habang hindi inaalis ang paningin sa binabasang libro.
"Eto naman! Hindi na nga tayo sabay nagbreakfast kanina sa dorm, tas ngayon susungitan mo pa ako! Hmmp!" Umarte akong naiinis at nagtatampo 'saka humalukipkip sa harapan niya.
"Hoy bes! Sabay tayong mag-lunch! Tara na!" Nang hindi siya natinag sa pagbabasa ng libro, hinila ko ang kanang braso niya at inalog alog siya. Napatingin naman siya ng masama sa akin kaya nagpanguso ako't nag-beautiful eyes para pagbigyan niya na ako ng tuluyan.
"Tss," Sininghalan niya lang ako't tumayo at inayos ang mga gamit.
"Yehey! Papayag karin naman pala eh! Pabebe!" Panunukso ko sa kanya, tinutusok tusok pa ang tagiliran niya.
"I'm tired, Niana. Please leave me alone." Tumingin siya sa mga mata ko nang deretso kaya alam kong totoo ang mga sinabi niya, pagod nga siya. Pero dahil makulit ako't pinaglihi sa kiti-kiti, tumalon talon ako sa harap niya habang hawak siya sa balikat.
Bahagya akong nagitla nang iniwakli niya ng marahas ang mga kamay ko't iritadong tinapunan ako ng tingin 'saka naglakad palayo. Pero dahil nga, MAKULIT AKO, sinundan ko siya at nagsisisigaw sa harap niyang kumain kami ng sabay. Pero siya? Blangko ang mukha't walang imik na deretso ang tingin sa nilalakaran na parang walang tao sa harapan niya.
Nang huminto ako sa tapat niya, napahinto din siya. Nangunot ang noo niya at napa-ismid.
"Sinabi kona sayong pagod ako, Niana! Leave me alone!" Galit na siya dahil tumataas na ang boses niya.
"Hindi ka ganyan pag pagod ka, Ashlee!" Sinigawan ko din siya pero hindi tulad ng sa kanya, pabiro ang sigaw ko't may halo pang halakhak.
"Nagbago na ako," Ang blangko niyang mukha kanina ay napalitan ng lungkot. Lungkot na hindi ko alam kung saan nanggaling.