Nang nasa tapat na ako ng bahay bumaba na ako agad at pumasok sa loobPagpasok ko sa loob binati ako ni Yaya Ninda kaya ngumiti nalang ako bilang sagot sa pagbati nya sa'kin. Pagkatapos nun pumasok na ako sa loob ng kwarto ko
Whoo. Makahiga na nga. Habang humihiga ako tinignan ko yung cellphone ko. At heto, kahit kailan wala talagang nakakaalala sa kin eh noh hinarap ko yung panda kong teddy bear. Naalala ko tuloy yung batang lalaking nagbigay neto sa'kin noon. Yung matabang, maitim na lalaki noong bata pa ako. Nasaan na kaya sya?
"Roooof" aww yung sitzu ko oh.
"Kenshin!" Sabi ko at binuhat ko siya. Pagkatapos inamoy ko sya "Hmmm, ang baho mo na. Papaliguan kita pagkatapos maligo ni Mamsy huh" sagi ko ng tumahol siya
"Good boy" bakit Kenshin? Si Ken ang crush ko eh
Kaya pumasok na ako sa CR at ofcourse tinatanggal ko ang mga saplot ko bago maligo
At naligo na ako
{FAST FORWARD}
Naligo na ako pagkalabas ko nakita ko si Kenshin
"Kanina mo pa hinihintay si Mamsy?" Sabi ko sakanya
"Roooof" sagot nya. Pero nagulat ako ng kinagat nya yung undies ko at itinakbo ito
"Kenshin!" Sigaw ko. Kaya hinabol ko siya. Naka-isip ako ng short cut ng naharangan ko si Kenshin at nakuha ko yung undies ko pero...
Nadapa ako. Awts ang sakit
Ng makatayo na ako napansin kong nakatingin silang lahat sakin kaya tinago ko yung undies ko sa likod ko. Ngumiti ako at nag-peace sign
Tinignan ko si Ken di sya makatingin sa kin si Ruru tinuloy nya yung pag-uusap nila ni Kuya at si Marx na titig na titig sa kin
What the. Sa tingin ko minamanyak na nya ako sa isip nya
"Glaiza!, pasok ka na sa kwarto mo. Magdamit ka nga!" Sigaw ni kuya kaya sinunod ko agad ito