Can't try to ignore
Trying to run ahead of time.
Dali-dali na akong tumakbo, ano ba 'yan! medyo malayo pa naman 'yun dito. Pagkarating ko du'n agad na napatingin silang lahat sa'kin, ako na lang pala ang kulang pero buti na lang at hindi pa dumarating 'yung math club adviser namin.
At dahil nga na-late ako, ang bakanteng pwesto na lang na natitira ay ang katabing upuan ni Mr. Math Club President. No choice ako kaya tumabi na lang ako sa kanya, alangan naman sa sahig ako umupo. Okay lang, keri 'yan kasi nakatayo naman pala siya sa kalahati ng meeting.
Inantay lang namin si ma'am ng ilang minuto at nagsimula na 'yung meeting namin about sa mga activities na gagawin this month.
"I would like to propose this project with a theme: The Unsolved Truth of Mathematics."
Nagpresent na siya ng mga possible ideas and activities. Next monday kasi pagkatapos ng field trip, magsisimula na kaming mag-organize para sa Mathematics awareness month.
Discuss lang siya ng discuss pero grabe, bakit ganu'n parang 'di ako maka focus 'pag siya yung nagsasalita. Hindi ko naman kasalanan na parehas kami ng sinalihang club, ang genius niya kasi, tapos ako naman, matagal na talaga akong member ng math club.
Hindi ko talaga alam kung kailan nagsimula 'yung weird feeling. Kung hindi pa ako inasar nu'n ni Andee nang 'inggit ka noh', hindi ko pa mare-realize na lagi ko pala silang tinitignan sa paghaharutan, mostly 'yung sweet gestures niya ang napapansin ko, ang gentleman kasi.
Kala ko nga nu'ng una, dahil lang sa nahahagip ako ng sweetness nilang dalawa sa isa't isa, kaya napapatingin ako palagi. Pero sabi naman ni Andee ibang level na daw 'yung tingin ko kay Keith, hindi ko nga masyado ma-gets eh, ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito.
"Any more ideas and suggestions?" tapos na pala siya, wala man lang ako naintindihan.
"I think Ms. Pierre has something to say." Aba magaling! anong meron kay ma'am ngayon at ako 'yung tinawag niya, patay tayo diyan, hala sige isip!
I cleared my throat at naka focus na 'yung atensyon nilang lahat sa'kin. Nakakahiya nakatingin din siya, ang gwapo niya pa rin talaga kahit seryoso.
Sige daydream pa more, parang 'di sila nag-aantay ah, "I think that besides those competitions, we should also organize a fun festival. Let's consider the students who hate mathematics, let them realize that Math won't make their life miserable.So, I want to suggest that we should turn the quadrangle into a Mathematics festival, like for example, we should create different booth with mini-games. Some students who are good composers could perform on stage, their own math musical piece.
Just like the theme, the unsolved truth is that, If you can't solve an equation then make a solution. I mean if they will always conclude that math is very difficult for them, how will they find an answer if they will lead it first with a rejection."
Pumalakpak silang lahat sa sinabi ko, aba may sariling utak ata 'yung bibig ko. Napa-upo na lang ako, nakakatunaw kasi 'yung tingin niya.
"What a nice idea you have, Ms. Pierre!" tuwang-tuwa sinabi nung adviser namin.
Dahil sa sinabi ni Ma'am, napalingon si Mr. Pres. sa 'kin, "Thanks for your brilliant idea! We will surely consider it." Tapos ngumiti pa siya, mahihimatay na ata ako dito anytime.
So far, the meeting went smoothly, nung natapos na kami, unti-unti na nag-aalisan 'yung mga officers.
Pagkalabas ko, lumabas na din pala siya, so, ang lagay, magkasunod pa pala kami lumabas.
Lagot! Matutuwa na ba ako o dapat na akong kabahan? Kasi ba naman, makakasabay ko pa ata siya pabalik ng room. What to do?!
Plan A: Kung tumakbo kaya ako? Hindi, 'wag 'yun magmu-mukha naman akong baliw nu'n.
Plan B: Kung bumalik ulit kaya ako ng math club room? Ay! baka nandu'n pa si Ma'am tapos pagalitan pa 'ko.
Plan C: Look staright ahead, bilisan mo ang lakad at ignore everything. Tama, tama, 'yun na nga lang mas mukhang normal pa.Medyo isolated pa naman 'yung hallway ngayon. No choice nanaman ako kaya sige, act normal na lang, ayaw mo nu'n, chansing din 'to oh.
"Hey, Cassy!"
Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. 'Di ko namalayan na kasabay ko na pala siya maglakad, hala 'di ako na-inform. Kaya nilingon ko na lang siya at nginitian.
"I really like your suggestion earlier," sabi niya, ni Keith. Sayang kala ko pa naman 'I really like you'.
"Thank you!" Ayan na-switch tuloy ako sa pabebe mode, "I also like the theme this month," sabi ko.
"Thanks! Actually nagpatulong ako kay Lexi for that," sabi niya habang nakangiti sa kawalan.
Hays, si Alexia nanaman, binanggit niya lang tapos napangiti na agad siya. Ano kayang status nila? Wala naman kasing bali-balitang mag-on sila. Ang alam lang nung iba ay mag-MU daw, pero wala talagang tunay na nakakaalam bukod sa kanilang dalawa.
"Hey! Are you okay?" tanong ni Keith, saka lang nawala 'yung mga thoughts ko.
"Of course, I'll just go to the comfort room, mauna ka na sa classroom," tapos ngumiti ako at nagwave.
"Ah, okay." Pero bakit parang nalungkot siya. Hay nako ayan ka nanaman sa pagiging assuming! 'Wag ka masyado maging feeler!
Buti na lang nakakita ako ng CR, 'di ko na kinaya 'yung feels ko eh. Save by the CR lang ang peg! Hindi ko nga alam kung pulang-pula na 'ko kanina, kasi naman pawis na pawis ako ngayon oh.
Ang hirap naman niyang iwasan, kahit na gustong-gusto ko na magka-interaction kami, mahirap na rin 'no baka bigla na lang ako magconfess nang 'di oras. Isa pa 'tong nararamdaman ko eh, 'di ko ma-gets minsan.
BINABASA MO ANG
Now or Never (The Unspoken Truth)
RomanceLove. One word, four letters, yet it has a lot of meaning. Love can make you happy, but love can be a source of sadness. Love. I always feel it when I see you, I can feel it when I'm with you. Hurt. One word, four letters, yet it has a lot of mean...