26. Message from the Unknown

260 3 0
                                    

At niyakap ko siya nang sobrang higpit na parang Wala nang bukas at bigla na Lang siyang onti-onting kumakalas.. onti-onting lumalayo..

"LANCEE!!" hinabol ko siya.

"LANCE NAMAN PATI BA IKAW IIWAN MOKO..?" umiiyak kong pagpapatuloy na paghabol sa kanya hanggang sa nadapa ako at nakita na lang bigla si Ihra.

"Hello darling," she smiled devilishly as she slowly waved her hand.

*KRING KRIIINGGG*

PUTSPA NAPAKAPANGIT NA PANAGINIP LANG PALA.

Tumayo ako sa Kama at nadapa na lamang bigla.

Katangahan ko nga naman.

Binilisan ko nang maligo at nagbihis upang makapasok na.

Nang pagkababa ko ay agad kong nakita si Cloudy at si Lance na masayang naguusap.

"Oh kuya! Andyan na pala si ate! Good luck! Haha ingatan mo Yan ah!" masayang pangaasar ni Cloudy kay Lance.

"Magandang umaga, Mahal!" bati niya sa akin.

"Ooohhh Mahal pala ang tawagan nila.. kakikilig nga naman" nakangising sabi ni Cloudy.

"Hayst, tara na nga, pasok na tayo." pag-anyaya ko kay Lance.

"At ikaw Cloudy, pumasok ka na rin! Kapag nalate ka ewan ko lang kung ano mangyari sa grade mo. I-lock mo Yung bahay ah? Haha labyu"

Naglakad na kami ni Lance papuntang school.

Bigla niya akong inakbayan.

._. ano ba yan, ang bigat 😂

Nang makarating na kami sa classroom ay hinalikan niya ang aking pisngi.

Uminit na naman ito.

Pistiii, wag kang mamumula!

"Oh nagbablush ang Mahal ko oh." pang-aasar niya.

"Eh, pasok na nga tayo!" pagtataray ko.

Blah blah blah as usual ganun uli ang klase, matahimik pero boring. Lumipas na lang uli ang buong araw..

Hays 3:30 na pala pero ang galing, natiis kong hindi kumain ng lunch para lang sa pesteng physics na yan.

Natapos na uli ang klase at pinilit kong maghanap ng pagkain sa canteen. Kaso kung mamalasin nga naman, wala din! AAAAAHHH!!

Napaupo na lang ako sa lamesa na nakahalumbaba.

"Uy! Ayan pala si Mahal mo oh!" pagtuturo saken ng isang lalaki.

"Okay maiwanan ko muna kayo.." sabi muli nung lalaki.

"Mahal! Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Lance.

"Okay naman siguro." walang gana kong sagot.

"Bakit 'siguro'?"

"Hays Wala nang pagkain sa canteen Mahal." nalulungkot kong sabi.

"Pagkain? Bakit? Hindi ka pa kumakain ng lunch?" pagaalala niya.

"Hahaha oo. Ang galing ko noh.." matamlay kong sabi.

"Oh eto.. sa'yo nalang." iniabot niya sa akin ang isang pagkain.

"Nakoo, sa'yo yan." pagtatanggi ko.

"Eh, Mahal Naman eh, kahit na, Wala Kang kinain oh! Please naaa.." seryoso niyang sabi.

"Susubuan kitaaa?" nagpout niyang sabi.

"Loko, Hindi ako baby." natatawa kong sabi.

"Eh kasiii Kain naaa," pangungulit niya.

Hindi ko na rin natanggihan kaya kinain ko nalang din.

"Salamat ah? Life saver ka talaga!" niyakap ko siya.

"Siyempre, ayokong nagugutom Ang Mahal ko." pagtatapik niya sa ulo ko.

"Tara iuuwi na kita sa inyo." nakangiti niyang sabi.

Habang naglalakad at nagkwentuhan Lang kami tungkol sa mga bagay bagay at hindi namalayang andito na pala kami sa tapat ng bahay.

"Oh paano ba Yan.. pahinga ka kagad ah, huwag magpupuyat and I love youuuu" sabay yakap sa akin.

"Ikaw din, ingat palagi." nakangiti kong sabi.

"Ay weyt, bago ko tuluyang umalis.." sabay halik niya sa pisngi ko.

"Hahaha, sige okay na! Byee! I love you uli!" nakangiti niyang pagpapaalam.

Pumasok na ako sa kwarto ko nang biglang may nagtext.

Unknown: Hello.

Nireplyan ko.

Me: Hi? Sino ka? Paano mo nakuha Ang number ko?

Nagreply siyang muli.

Unknown: Ako si Yvan Crisostomo.

Me: Kilala ba kita?

Unknown: Nope. But I don't have any bad intentions, I just wanna tell you something that you should know. 

Me: What?

Unknown: You'll know someday at the right time. :)

That's mysterious huh.

Hindi ko na siya nireplyan at hindi namalayang nakatulog na pala ako.

Diary Ng Mga N.T.I.(Nagmahal Tapos Iniwan) {ONGOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon