Mystery Girl

95 1 0
                                    

Mystery Girl

Chapter 1

Isang buwan na ang nakakaraan simula ng mag umpisa ang pasukan. Kasama ko ngayon dito sa canteen si Migs, Charlie at Jan. Ang daming tao dahil 10 minutes late ang break ng Elementary sa aming mga High School. Kaya kailangan magtiis ng 10 minutes bago ka makakaupo sa canteen dahil halos lahat ng tables occupied ng mga Elem Students. Naglakad lakad na kami para maghanap ng pwede mapwestuhan ng may napansin akong grupo ng mga Elem Students na medyo may mga itsura. Meron isang babae doon na pagkakita ko palang sakanya agad ko na nagustuhan. Pero di ko pinahalata sa mga kasama ko na may natipuhan ako sa mga iyon. Napansin ako ni Migs na parang napahinto sa harap ng table ng mga babaeng ito agad niya akong tinawag.

“Evo ano ba! Halika na dito. May nakita na kami.” kaway niya sa akin papunta sa pwesto na nahanap nila.

“Ah—Oo nandiyan na.” agad akong nagising sa pagkakatulala ko sa babaeng nakita ko doon sa grupo na yun at agad na akong tumakbo sa mga kaibigan ko.

“Huy ano bang ginagawa mo dun sa harap ng mga Elem na yun?” tanong ni Migs.

“Wala. Akala ko kasi nasa tabi ko pa kayo. Iniwan niyo na pala ako dun.”

“Sus. If I know may natipuhan ka dun sa mga yun no?” pangiti niyang sabi sa akin.

“Ha? Wala ah. Ano ka ba ang babata pa ng mga yun no.” pakipot kong sabi sakanya.

“Kilala na kita no. Alam ko kung kailan ka may gusto o walang babae bro. Wag mo na akong lokohin pero maganda yung nandun sa gitna no?” paloko niya sabi sa akin.

“Ano ka ba. Akin yun no.” nabigla ako sa aking nasabi kaya natawa siya bigla.

“Sinasabi ko na nga ba eh!” tapik niya sa balikat ko.

“Ano kayang pangalan niya?” habang nakatingin ako sa direksyon kung saan ang table nila.

Habang nakatingin sakanila may tumapik sa likod ko ng malakas at nabigla ako. Si Faye pala. Ang kaibigan ko na 2nd year. Mabait siya, Matangkad at Maganda din. Pero di ko binalak ligawan to no. Haha. Agad siyang umupo sa tabi ko at kinausap ako.

“Oh ano alis tayo mamaya?” ngiti niyang sabi sa akin at sabay akbay.

“Ha? Eh—may gagawin kami mamaya eh.” pautal-utal kong sabi sakanya.

“HA?! Anong gagawi—“ pinutol ko ang sasabihin ni Jan at agad tingin ng masama sakanya.

“Ahh oo nga pala may gagawin nga pala kami.” sambit niya sabay kamot sa ulo at talikod mula sa pagkakaharap niya sa aming dalawa ni Faye.

“Ahh may gagawin pala ah. Sige aalis na ako. Baka nakakaistorbo ako sainyo.” sabi ni Faye at sabay tayo sa kinauupuan niya.

“Faye sanda—“ hinila ko ang kamay niya papabalik pero iniwas niya ito.

“Okay lang. May GAGAWIN kayo MAMAYA diba?” at talagang in-emphasize pa niya ang salitang GAGAWIN at MAMAYA. Away nanaman kaming dalawa nito at napakamot ako sa ulo ko.

“Sige mauuna na ako. Bye Jan, Bye Migs, Bye Charlie.” kaway niya sa mga ito.

Napatingin silang tatlo sa akin dahil alam nila na kapag aalis na si Faye sa amin lagi niya akong binebeso pero ngayon hindi na niya ako pinansin nung umalis siya. Nagtaka sila kung bakit ganun siya sa akin ngayon. Marahil sa pag re-reject ko sakanya sa aya niya na umalis kami. Pagkaalis niya agad bumaling ang tingin ko sa table nung mga nakita ko na mga Elem Students kanina at nakita ko sila na papaalis na. Di ko napansin ng bigla akong hawakan sa braso ko ni Migs.

“Oh bro wag mo sabihin na susundan mo yung mga yun? Hinay hinay lang.” awat niya sa akin.

“Hindi ah. Mag c-cr lang ako.” at nakatingin parin ako sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mystery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon