Chapter XXII - When Living is Dying...

1K 42 2
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

ENLIL's POV

“Inayos ko na anak ang isusuot mo”

Napamulat si Enlil ng rumehistro sa kaniyang utak ang mababang boses ng kaniyang mommy. Tumalikod siya ng higa upang hindi makita ang mukha nitong nababalot ng kalungkutan. Hinayaan niyang isabit ng kaniyang mommy  ang  itim na damit at pantalon sa tabi ng kaniyang kama.

Pumasok ang nurse sa kaniyang kuwarto at tiningnan ang mga aparato sa gilid. Naramdaman ni Enlil ang pagpintig ng kaniyang mga sugat sa likod ng iangat ng nurse ang kaniyang hinihigaan. Kumikirot ito sa sakit. Nararamdaman pa rin niya ang sakit ng mga sugat na hindi niya akalaing mararamdman pa kahit kailan. Napailing si Enlil sa sakit at ibinaling ang tingin sa damit na dala ng kaniyag mommy.

Bumalong sa kaniyang mga mata ang luhang akala ni Enlil  ay naubos na sa nakalipas na linggo. Hindi niya alam na meron pa palang natitirang tubig sa kaniyang katawan pagkatapos niyang tanggalin ang dextrose sa kaniyang braso.  Napahagulgol siya ng mahina. Ang realisasyong hindi na niya naabutan si Namtar, na hindi na niya ito makakasama pang muli dahil pumalpak ang kaniyang plano ay agad pumasok sa kaniyang utak.

“I’m a total failure. I cannot believe I failed to do themost simplest thing to do.”

“Tama na anak..tanggapin na lang natin ang nangyari” sambit  ng kaniyang Mommy na niyakap siya ng mahigpit.

Hind na pinigilan ni Enlil ang sariling hindi yakapin ang kaniyang Ina. Kailangang kailangan niya ngayon ng taong masasandalan.

“Hindi ko alam if kakayanin ko mommy”

“Kaya mo yan Enlil. Malulungkot lamang si Namtar sa ginagawa mo..hindi niya maggustuhan na pinapabayaan mo ang sarili mo ng ganito”

Naramdaman niya ang mainit na palad ng kaniyang Ina na humaplos sa kaniyang likuran. Nagbibigay ng pangunawa at pagmamahal ang mukha nitong nakatunhay lamang sa kaniya. Pinunasan niya ang kaniyang luha ng maramdaman ang pagkakabasa ng kaniyang balikat. Pinagmasdan niya ang kaniyang Ina na umiiyak. Lalong bumigat ang pakiramdam ni Enlil dahil sa nasasaktang mukha ni Debbie na nakatingin sa kaniya ng matiim.

“I didn’t know na ganito ko siya kamahal ma, I love him so much..”

“Alam ko..at alam kong mahal ka din niya..”

“Pero bakit kailangan niyang mamatay? Why does it have to be him? Bakit hindi na lang iba?”

“Look at me anak..” utos nitong sa kaniya.

Iniharap ng kaniyang Ina ang kaniyang mukha upang magsalubong ang kanilang mga mata. Punong puno ng luha at halos makita si Enlil ngunit sinubukan niyang ibigay ang buong konsentrasyon dito.

“Huwag kang magsasalita ng ganiyan anak. Kagustuhan ng Diyos ang nangyari..siguradong may mas magandang plano sa kaniya ang nasa itaas..”

“Paano naman ako? I was left behind…feeling ko katapusan na ng mundo ko” sambit ni Enlil na sumisinghot. Ang luhang hindi tumitigil ay humalo na sa kaniyang sipon

“No..no.no.. hindi pa katapusan Enlil. You still have a whole decade or two para sumaya muli..”

“Hindi ‘Ma”

“Alam mo ba anak kung bakit maganda ang sunset?” tanong ng kanyang Ina na nagpunas ng luha sa mga mata nito. Inabot ang kaniyang pisngi at pinunasan ang luha na nagtatago sa namamagang mata ni Enlil. Umiling siya sa tanong nito.

When A GOD Dies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon