Chapter 19

187 7 0
                                    

Matapos ang nangyare sa Parking Area. Ako na mismo ang nag-alok na ihatid siya sa Condo Unit niya. Kaso nga lang hindi ko alam kung saan. Like what I've said, na hindi ko na ito nasamahan noon. Dahil sa pag-iwas niya saakin.

Tapos naisip ko rin na baka hinalikan niya lang ako kanina dahil lasing siya. Ako naman to si tanga tumugon sa halik niya. Alam ko namang lasing. Tapos eto siya kasama ko at  aba ang loko tulog.

"Cyrus, gumising ka nga." yugyog ko sa kanya.

Kasi naman hindi ko alam kung saang hotel yung Condo Unit niya. Nandito rin kami ngayon sa tapat ng isang hotel. Pumasok kanina ako sa loob at tinanong ang pangalan ni Cyrus kung na in siya doon. Pero wala naman daw nagngangalang Cyrus Jhon Lopez doon sa log-book nila.

"hmm., bakit?" pilit nitong imulat ang mapupungay niyang mata.

Psh. Lasing na nga., hindi ko na lang ito pinansin at inilagay na lang ang seat belt niya.

Sa bahay ko na lang muna siya patutulugin. Tutal wala rin naman akong kasama.

Muli akong lumingon sakanya at inilapit ang mukha ko. Kita ang pamumula ng pisngi nito. Tumingin ako sakanyang mata at hinawakan ang makakapal niyang kilay. Hinaplos ko ito pababa sakanyang  pointed nose ng ibaba ko ang kamay ko pababa sa l-labi niya, hinaplos ko rin ito.  Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok at mamula dahil ilang beses ko ring naisip lumapat saakin ang labi na to.

Napaayos ako ng upo ng marinig ko itong umungol. Shit~

"Cyrus, gising na" tapik ko sakanya ng makarating kami dito sa bahay ko.

Tanging ungol lang ang tugon nito at kita ko pa ang pangunot ng noo niya. Subalit sa kalaunan rin namulat ito at bumaba.

"Nasaan tayo?" mahinang tanong nito.

"We're here in my home."

"bakit dito mo ak-"

Hindi ko na ito hinayaang mag tanong kundi inunahan ko na siyang magsalita.

"haist, hindi ko alam kung saan yung Condo Unit mo. " tanging sagot ko.

Tumango na lang siya. At nawindag pa ako ng umakbay ito saakin.

"ok, lets inside your room" sabi niya.

Ano daw? Lets inside your room? Hindi ko ito napigilang itulak. Dahilan para matumba siya at bumagsak.

"Cassandra naman e"

"E, kung ano-ano kasi ang lumalabas sa bibig mo e?" reklamo ko.

Tumayo siya at napapatitig saakin. Bigla na lang siya tumawa at napailing.

Weird?!

"Anong bang iniisip mo?" ngisi niya.

"Haist. Wala, tara na nga?!" inis kong sabi at nauna ng pumasok.

"Don't worry walang mangyayare saatin maliban na lang kung gusto mo?" patanong na habol nito saakin.

Natigilan ako ng makarating sa pintuan ko at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi niya. Lasing na nga talaga siya. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya.

Pero na pabuga ako ng hangin ng maisip ko rin. Oo, nga no iba kasi ang nasaisip ko ng sabibin niya yung words na lets inside your room? Psh. Utak naman Cass.

Sa kakaisip ko nauna na pala siyang pumasok saakin at nakita ko na lang itong permanenteng nakahiga at nakapikit.

Lumapit ako sakanya para gisinging at doon na lang siya sa guest room matulog.

"Cyrus, may guest room sa taas. Doon kana lang matulog." sabi ko.

Pero tanging iling lang ang sagot niya at di man lang siya nag-mulat.

"Bahala ka may mumo dito" pananakot ko sakanya.

"Tsk. Probinsyano ako Cass, isip ka naman ng iba?" sagot niya pero hindi parin siya nag-mulat.

Oo nga pala no. Taga-Isabela nga pala siya? Pero province ba ang Isabela? Saan ba yun? Haist. Napabatok na lang ako sa ulo ko at muling tumingin kay Cyrus. Na talagang tulog na nga.

Hinayaan ko na lang siya at pumunta na sa itaas para mag-bihis.

Pagkatapos  kong nag-bihis bumaba rin ako at kumaha ng kumot para kay Cyrus.

Kailangan pala itong bihisan pero paano?

"uy, ganyan ka na ba matulog." bulong ko.

Haist. Hindi ka maririnig niyan Cass. Tulog na nga siya o. Inalis ko na lang ang kanyang soot na sapatos at megas.
At pinatong sakanya ang kumot na dala ko.

Bago ako umalis tumitig muna ako sakanya at yumuko para mag good night kiss. Paglapat ng labi ko sa noo niya nakita ko siyang namulat at nakangisi. Kaya agaran akong umayos.

"Hahalikan mo na nga lang ako sa noo pa. Sa labi na lang kaya" sabay nguso niya.

"Walang hiya ka?! Gising ka pala?!" inis kong sabi.

"oh, sige na halikan mo na ako. Dami pang sinasabi" nakanguso nitong sinabi.

"tsk. Bahala ka sa buhay mo. Sige na good night." sigaw ko sakanya at tinalikuran siya.

Hindi ko rin siya hinalikan. Ano siya? Neknek niya. Lokohin ba naman ako, nagkukunware lang pala siyang tulog.
Nasa pangalawang palapag pa lang ako ng hagdan narinig ko na namang itong sumigaw.

"Good night Miss at bukas maghahalan na tayo"

Hindi ko tuloy mapigilang  lumingon sakanya. At tignan sana kung nagbibiro na naman siya. Pero pag lingon ko nakatalikod na ito. Ano daw? Magmamahalan bukas. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinilig. Iiii para naman akong teenager umasta e.

Pumasok na lang ako sa kwarto ko at hindi mapigilang lumandag at nagpagulong-gulong sa kama ko.

Esshhhh nhamhan eh... Mhaphaphajehemhon nha nhamhan ako nito.

Nakatulog ako siguro nasa 12 or 1 AM ng umaga. Dahil sa kakaisip sa sinabi ni  Cyrus. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang kagabi. Atsaka lasing siya,., hindi niya alam ang mga sinasabi niya. Tapos ako sineseryoso ko lang.

Nagising ako dahil sa alarm clock na nasa tabi ko. Ito kasi ang tanging  gumigising saakin tuwing umaga. Kailangan e, lalo na't pag-umaga ang schedule ko.

Pag-bun ko ng buhok ko, panaglitan akong pumunta sa banyo para mag-hilamos at mag-toothbrush.

Pagbaba ko ng hagdan wala na si Cyrus sa sofa. Pero may naamoy akong mabango. Sinundan ko iyon hanggang sa nakarating ako sa kitchen. Si Cyrus nagluluto at hubad-hubad sa pang-itaas at tanging Boxer ang soot. Shit buti na lang nakatalikod ito saakin.

Tatalikuran ko na sana siya pero kasabay naman ng pag harap niya. Buti na lang may apron siyang soot. Kung hindi kita ko na ang pandesal niya. Haha. As if naman kung meron? Eww ano ba itong pinag-iisip ko.

"Good morning mahal" ngiting ngiti nito.

Napakunot ang noo kong tumingala sakanya. Ano daw mahal?

"Good morning lang, walang mahal" sagot ko sakanya at umupo sa upuan.

"Ouch... Ang sakit naman mag-salita ng mahal ko" ngisi niya sabay lapag sa niluluto niyang ulam.

"hoy, ikaw huwag mo nga akong pinagloloko" inis kong sabi.

Lumapit siya saakin at hinawakan ako sa pisngi. Kaya napatingin ako sakanya. Nakayuko ito at titig na titig saakin.

"But, I'm seriously"

Pagkatapos niyang sabihin iyon muli ko na namang naramdaman ang labi niya sa labi ko. Bakit ba ang hilig nitong halikan ang labi mo. Hindi ko tuloy maiwasang mamula.

"You want coffee. Mahal" bulong niya saakin.

Tanging tango ang sagot ko. Para kasing nanigas ang dila ko at di maiwasang mapalunok.

So, totoo nga yung sinabi niya kagabi.

When A Man Fall In Love (Isabela Boy Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon