Kabanata 1: Ngayon

925 17 3
                                    

Note: May mga youtube link ng mga kanta sa bawat chapter. Nakalagay din dito kung ano ang title at kung sino ang kumanta. You can check it out. Iyon ay suggested songs na kabilang sa inspirations ko sa pagsusulat. May matutunan sana kayo sa kwento na 'to.

CamsAnn

Kabanata 1: Ngayon

Coldplay - Yellow

///

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang isa-isa kong tinignan 'yung mga litrato sa digital camera ko. Masayang mag-capture ng isang moment at nakakatuwang balikan pagdating ng araw. The feeling that the time stopped. You could stare at it and appreciate it all you want. Memories.

     Naririnig ko ang ilang mga estudyanteng dumadaan sa may hallway. Dinig mula rito sa loob ng room kung nasaan ako nakatambay. Kanina pa tapos ang klase ko at hinihintay ko lang ang kaibigan ko.

     Huminga ako nang malalim at nagsulat ng kung anu-anong ideas sa notebook ko. Concepts.

     Ilang segundo rin akong napatitig sa papel, nag-iisip nang malalim.

     "Ano'ng trip 'yan?" tanong sa 'kin ng kababata at best friend kong si Grace pagkarating niya.

     Kinuha niya 'yung notebook sa armchair ko.

     "Good luck kung mabasa mo 'yan." Napangisi ako at inilagay ko na sa animated Deadpool pencil case ang lapis at pambura ko. Galing sa isa pang malapit na kaibigan 'tong pencil case. Isa sa mga nakakaalam na paborito ko ang character na 'yon.

     "Gaga puro bura 'to. Ano ba 'to? Stars at dreams lang ang naintindihan ko rito." Umupo siya sa katabi kong upuan.

     Kinuha ko na sa kanya ang notebook ko at inilagay sa bag, pati ang digicam. "Para 'yan sa future ko," nakangisi kong sagot. "Magta-try akong sumali sa org na lagi mong sinasabi," panimula ko.

     Bigla namang nagliwanag ang mga mata niya at ngumiti nang sobra, halatang na-excite. "Sa Art club? Ayie! Kailangan mo ng entry! Sketch mo 'ko. Bilis na uy, ang tagal ko nang hinihintay na i-sketch mo 'ko," sabi niya.

     Sinukbit ko na ang bag ko at tumayo na. Gano'n din ang ginawa niya pero hindi pa rin sumusuko sa gusto.

     "Hindi sa Art Club. Alam mo namang halos hindi na 'ko nag-i-sketch ngayon. Baka wala akong mai-contribute do'n kung sakali. 'Yung sa student publication ang sinasabi ko. 'Di ba nag-try ka ro'n? Natanggap ka?" tanong ko.

     "Ahh do'n! Syempre natanggap ako, ako pa ba." Hinawi pa niya ang buhok niya. "At akala ko naman sa arts. Fren alam ko pareho tayong malupit sa words pero baka 'di mo mapigil ang sarili mo, malagyan mo ng kalokohan 'yung magiging contribution mo sa newspaper. Maawa ka sa mga mas bata sa 'tin na pwedeng makabasa."

     Natawa na lang ako sa kalokohan niya.

     "Wow thanks sa suporta. Don't worry 'di muna 'ko magsusumiksik sa literatura. Sa photography ko balak. Isa pa, parehas lang malala 'yung utak natin, puro katotohanan naman siguro 'yung sinusulat mo bilang newswriter 'di ba? 'Wag kang maglalabas ng opinyon sa editorial o sa feature a," natatawang sabi ko naman.

     Naglalakad na kami sa hallway. Nakabukas na ang mga ilaw na nagbigay ng medyo dilaw na liwanag. Ang sarap kuhanan ng litrato pero pinili ko na lang na tignan at i-appreciate sa pagdaan. Gumabi na pala nang hindi ko namamalayan.

     "Mas matino ako Crisel! By the way, may weird talent ka nga rin pala dyan sa pictures chuchu 'no? Ayos din. Para makasama kita sa org," sabi niya at tumango-tango. "Kung makakapasok ka," dagdag pa niya na nang-aasar.

Just TodayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon