Sa Isang Daang Kasinungalingan
aestheticsnow
October 22, 2017Mahal, sana alam mo
Sana alam mo na tuwing magsisinungaling ka, nabibiyak ako
Sana alam mo na sa bawat kasinungalingan na sinasabi mo
Humahakbang ako palayo sa iyoMahal sa isang daang kasinungalingan mo
Lahat iyon, pinatawad ko
Sinubukan kong intindihin kung bakit
Ngunit walang dahilan na makakapawi ng sakitMahal sa isang daang kasinungalingan mo
Lahat iyon dumurog sa puso ko
Ngunit sa isang daang kasinungalingan mo
"Mahal kita" ang pinaka paborito ko.