Chapter 4: Ang bulaklak bow

167 5 4
                                    

Pumasok ako ng bahay ni Jose. Nakakapagod na araw to.

"oh! buti nakauwi ka pa ng buhay! HAHAHA" sa boses nya palang ay naiinis na ko. Tinignan ko sya ng masama. Tumawa lang sya at tumalikod na sakin.

"AAAAAARRRGGGHH!! MAPAPATAY KITANG HAYOP KA!!!" sabi ko sa kanya at dinambahan ko sya sa likod. Ginamit ko yung dalawa kong braso para sakalin sya.

"HAYOP KA!! HALOS BUONG ARAW AKONG TUMAKBO DAHIL SA KAGAGAWAN MO!!" di ko parin binibitawan yung leeg nya.

"ano.. ba! nasasak..al ako!!" sabi nya at tinanggal nya yung pagkakasakal ko sa kanya. At inalis ako sa likod nya. Tumakbo sya papuntang kwarto nya. At hinabol ko naman. Nung nakapasok na sya ay bahagya nyang sinara ito at dumila sakin. Tumakbo parin ako dahil akala ko ay makakapasok ako sa loob. Pero mali ako. Tumama yung mukha ko sa may pinto pagkasara nya nito.

"aray..." yan lang ang huli kong nasabi at di ko na alam ang sunod na nangyari.

***

"Ang sakit ng mukha ko. tae" yan ang unang salita na lumabas sa bibig ko. Te-teka?! bat puro puti ang paligid?! wag naman sanang nasa langit na ako. Waaaaaaah!! multo na ko!! napakaputi ng mga pader. Tapos yung hinihigaan ko ganun di-- teka. May gumalaw sa tabi ng higaan ko. Ayoko lumingon baka multo din sya at duguan ang mukha nya...

"Oh. Mabuti naman at gising ka na" sabi nya na halatang bagong gising. Inpernes sa multo na to, kaboses nya si Jose. Nilingon ko sya. Ow... kamukha din pala ni Jose.

"May multo din palang kamukha si Jose ang galing!" sabi ko ng may halong pagkamangha. Ang galing kasi eh. May kamukha sya. Parang kambal. O baka kambal nya nga. Nagtatakang tinignan ako ng multong kamukha ni Jose.

"Bat ganyan tingin mo sakin multong kamukha ni Jose?" bat nagtataka to?

"Multo?! ako?! baliw ka ba?! nasa ospital ka lang di ka pa patay"

"Kung ganon, pano ko nakapunta dito??" nakapagtataka.. 

"ah... baka nagsleep walking ka.." sabi nya. Ewan ko lang kung namimilosopo sya.

"nagsleep walk ako?!" namamangha ako sa aking angking abilidad bwahaha.

"tanga! shempre merong nagdala sayo dito!!" natanga pa ko.

"sino namang nagdala sakin??" idol ko na nagdala sakin dito.

"sh-shempre! y-yung d-driver!!" iwas tingin nya sabi. Bat naman kaya to umiiwas ng tingin sakin?

"hoy. bat ka umiwas ng tingin?" naitanong ko na. Nagtataka ako eh.

"Wala!! ang panget ng mukha mo kaya ayoko ng tignan!" ang kapal talaga ng mukha ng hayop!!

"Maganda ako!! makapanget to! gusto mo sakalin ulit kita jan?!"

"Tse! ayoko na no!! di kaya ako makahinga kahapon nung sinakal mo ko" kahapon?

"ha? anong kahapon? ilang araw na ba akong tulog?"

"isang araw." simpleng sagot pero nagulat ako.

"HA?! ISANG ARAW?! SINONG NAGLULUTO NG PAGKAIN MO?!" baka gutom na ang hayop. Ayokong masisante.

"Nag-oorder ako" aaah..

Inday Wanders!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon