Loving You In Secret

75 4 11
                                    


WARNING: HINDI AKO MAGALING MAGTAGALOG. TAGLISH ANG FIC NA ITO. SANA MAGUSTUHAN NYO!

______________________

"Ma'am! Sorry I'm late!" Pahingal na sabi ni Wendy. First day of class ngunit late naman ang ating bidang si Wendy Son. Basang-basa pa ang buhok niya at halatang hindi plantsado ang kanyang uniporme.

"It's okay Miss Son, pasimula pa naman ang klase. Why don't you introduce yourself first?" Sagot naman ni Ms. Kim, ang napakaganda at mabait nilang guro. Tumango naman ng magalang si Wendy at ngumiti.

"Good morning everyone! My Name is Wendy Son. I know most of you already know me since yung iba naging kaklase ko na sa previous years." Panimula pa nito sabay kumaway sa kanyang mga naging kaklase na noo. "Sana maging friends tayong lahat!" She bowed courteously and then went to her seat. Automatic nang alam niya kung saan siya uupo sapagkat kumakaway-kaway na ang best friend niyang si Seulgi at Irene, sumesenyas na maging tablemates sila.

Halos lahat na ng kaklase niya ay tapos nang magpakilala nang may dumating na panibagong tauhin - si Kim Jongin o mas kilala sa pangalang 'Kai'. Hindi siya transferee student o exchange student, sa katunayan isa siyang 'balik bayan' o balik ng isang taon dahil hindi pumasa ang mga grades niya. Ga-graduate na sana siya last year ngunit dahil sa pagiging tamad at puro night life, behind na siya sa klase at hindi na pumasa.

Lahat ng babae, maliban nalang kina Irene, Wendy at Seulgi ay tumili sa kanyang pagdating. Isa kasi siyang hearth throb sa school nila kasama ang kanyang groupo na EXO ngunit halos kalahati sa kanila ay gumraduate na noong nakaraang taon.

"Aba, at may mas late pa pala kay Ms. Son!" Bungad naman ni Ms. Kim, na sa katunaya'y tita niya. "It's the first day of class Kai! Now introduce yourself and meet me after class, marami tayong pag-uusapan." Kumunot ang noo ng kanilang guro habang nag cross arms, sa limang taon ni Kai sa highschool, naging remarkable na siya sa kanyang pagiging late at dahil palaging natutulog sa klase.

Napakamot naman sa ulo si Kai. Inayos nalang niya ang sarili niya at nagpakilala.

"Hi. I am Kim Jongin. You can call me 'Kai'" sabay kindat sa mga chix na agad namang ikinahimatay nila dahil sa kilig. Umirap naman sina Wendy. Kahit kailan talaga ay saksakan ng kayabangan si Kai at kinaiinisan ito ng dalaga. Hindi siya naiimpress sa lahat mga pinaggagawa nito, sa katunayan nga ay kumukulo ang dugo niya pag nakikita niya ang binata.

Kai's eyes roamed around the room na para bang may hinahanap. Nang makita na niya si Wendy, agad itong ngumisi na sadya namang nagpairita lalo kay Wendy.

Flashback

Nakapila sina Wendy at Irene sa canteen ng may biglang tumulak sa likod ni Wendy dahilan na natulak siya papunta kay Irene at nabuhusan siya ng mainit na sabaw at kanin na bitbit nito. 

"Pucha! Sino 'yon!" Beast mode na si Wendy at sadyang namumula na ang tenga nya sa inis at galit. Tinulungan naman siya agad ni Irene na punasan ang basang-basang blusa niya.

"Miss, sorry. Ito kasing kaibigan namin hindi nag-iingat." Nang marinig ni Wendy ang boses na iyun agad napawi ang kanyang galit at kumuba-kuba ang kanyang dibdib.

"Chanyeol oppa..." bulong nito sa sarili. Pulang-pula na ang kanyang mga pisngi at nanlaki ang mga mata.

Pagkalingon ni Wendy ay tama ngang si Chanyeol ang nagsalita. Inabot naman ni Chanyeol ang kanyang panyo at muling nagpaumanhin sa kanya. Ngumiti siya kay Wendy at ang ngiti namang iyon ay tila bang tinutunaw ang kanyang buong pagkatao.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Im Geheimen Lieben (In Secret Love)Where stories live. Discover now