Hi guys, I am Ricardo Lopez-Magsaysay. Mas gusto ko Richard ang tawag saken. 12 yrs old, panganay sa tatlong magkakapatid. Ang nanay ko ay rumaraket raket lang ng trabaho , habang ang tatay ko ay pahinante ng truck. Di man kami ganon kayaman pero sinisigurado ng mga magulang namin na nasusustentuhan paren nila ang mga pang araw-araw naming pangangailangan.
Masaya kaming naglalakad nila mama papuntang simbahan, magpapasalamat kami sa Panginoon dahil, birthday ngayon ng bunsong kapatid kong si Jemma, siya ay 4 na taong gulang na ngayong linggo, kaya kami magsisimba.
"Mama, mamaya bili mo po ko ng ice cream ah, please." Sabi ni Jemma kay mama. "Birthday ko naman po eh. " dagdag pa niya.
"Sige anak, mamaya bibili tayo ng ice cream, pag katapos ng mensahe ni pastor." Sagot naman ni mama. "Kung gusto mo eh, yung malaki pa ang bilin natin, at para sayo lang. " Dagdag ni mama.
"Yehey!! Thank you mama." Masayang tugon ni Jemma
=====Pagkatapos ng simba=====
"Mama! Tara na po bilis!! Gusto ko na po ng ice cream!!" Tumatakbong sabi ni Jemma palabas ng simbahan.
"Teka lang anak hintayin mo kami!" Sabi ni mama. "Jemma!!!! Anak!!!" Tumatakbong habol ni mama, pero huli na ang lahat, dahil nahagip na si Jemma ng humaharurot na sasakyan.
"Jemma!! Anak!"
"Jem Jem!!"
"Jem Jem!!"
Sabay sabay naming tawag nila papa at ni JanJan habang tumatakbo papunta kay mama at Jemma."Tumawag ka ng ambulansya bilisan mo Fred!!"
Basag, at gumagaralgal na sabi ni mama kay papa habang nakahiga sa kanyang braso ang duguang si Jemma."Ay!! Kawawa yung bata!"
"Oo nga! Di man lang huminto yung naka bangga, grabe naman siya! "
"Uy bilisan niyo! Tumawag kayo ng ambulansya! Kawawa yung bata oh!"
Sabi ng mga tao sa paligid namin. Maya maya lang dumating naren ang ambulansya.
"Panginoon naming pinakamakapangyarihan sa lahat, wag na wag ninyo pong pababayaan ang anak ko, maawa po kayo sa kanya, bata pa po siya para mawala ka agad sa mundo." Pa ulit ulit na dasal nila mama at papa habang nandito kami sa labas ng E. R.
"D-dok, ano na po ang nangyare sa a-anak namin? Ok l-lang po ba siya?? K-kamusta na po siya dok?" Humihikbing tanong ni mama sa doktor.
"Dok, kamusta na po si Jem Jem??" Tanong din ni
Papa sa doktor."Mister, Misis, pasensya na po, ginawa po namin lahat ng magagawa namin, pero malala po talaga ang mga natamo niyang injury mula sa pagkakabundol ng sasakyan, pasensya na po, pero wala na po ang anak ninyo." Mahabang paliwanag ng doktor sa amin.
"Hinde!! Bakit?! Bakit si Jemma pa!? Ang bata bata pa niya!" Umiiyak na saad ni mama habang nakayakap kay papa.
"Alam ko may dahilan ang Diyos kung bakit ito nangyare sa atin, pero dapat hindi tayo panghinaan ng loob dahil, paniguradong malulungkot si Jemma pag nakita niya tayong malungkot." Pag aalo ni papa kay mama na umiiyak pa din.
"Dahilan?! Papa? Dahilan!? Kung nag celebrate na lang sana tayo sa bahay at pinagpaliban muna ang simba, hindi sana mangyayari to!" Sabat ko kay papa.
"Richard! Kailan mo pa natutunang sumagot at sisihin ang Diyos ng dahil sa pagkamatay ng kapatid mo hah?!" Sigaw sakin ni papa. Di ko napigilan ang sarili ko at sumagot muli ako.
BINABASA MO ANG
The Importance[ONESHOT STORY]
Short StoryIto ay patungkol sa isang batang nawalan ng paniniwala sa Diyos dahil sa trahedyang hindi niya lubos iisipin na mangyayari.