"Kuya Anton! Kuya Anton!" Masayang bati ni Jax nang pumasok ako sa bahay nina Rafaela. Ito ang sumalubong sa akin bitbit ang kanyang Robocop na laruan. Sabado ngayon at usapan namin ng barkada na gumala sa Sampaloc Lake.
"Hey, kiddo. Nasaan si Kuya mo?" Ginulo ko ang buhok nito. Simula bata pa ito, nasanay na itong tawagin akong Kuya dahil lagi kong kasama ang Kuya niya. Kahit ilang beses namin siyang turuan ng "Ate" ay palagi niya pa rin akong tinatawag na Kuya dahil may classmate daw siyang Anton ang pangalan, and he's a boy daw. Ang tawag din kasi sa akin ng Mama at Papa ni Rafaela ay Anton. Umaasa na lang ako na paglaki niya ay maintindihan niyang babae talaga ako at asaran lang namin simula pagkabata ni Rafaela ang tawagan namin sa isa't isa.
Dati nga ay nagtanong na rin si Jax kung ano ang kasarian ni Rafaela dahil tinatawag ko ito sa pangalang pambabae.
"Kuya Anton, is my Kuya a girl?" Inosenteng tanong ni Jax noong ito ay nasa Nursery pa lamang. Dahil na-offend naman si Rafaela ay kinutusan niya ang kawawang bata.
Napangiti ako sa munting ala-ala. Now, Jaccus Xyril Dominguez got taller, and he's too cute. Madaldal din ang batang ito, manang-mana sa Kuya.
"Nasa taas si Kuya. Sleep pa siya." Hinawakan ako ni Jax sa kamay at giniya papunta sa kwarto ni Rafaela.
"Ah. So tulog pa pala siya," I gritted my teeth. That jerk!
Pagbukas namin ng pinto ay naabutan pa naming nakanganga ito, nakatihaya, at nakabukaka na animo Vitruvian Man. Naka-shorts lang ito at nagkalat sa sahig ang mga unan.
Napailing ako at napangisi. Kinuha ko ang maliit na Samsung touchscreen phone ko at pinicturan ang itsura ni Rafaela.
Ngumisi rin si Jax at lumapit sa nakangangang si Rafaela para mag-pose at sumali sa picture. Naka-peace sign pa ito at ngiting-ngiti. Pagkatapos ng ilang shots ay inupload ko agad ito sa Facebook na may caption na, "ATM #blessed."
Lumapit ako sa kama ni Rafaela at kumindat kay Jax. Sumenyas ako rito at bumilang ng hanggang tatlo bago sabay kaming tumalon at dumagan sa walang malay na si Rafaela.
"Holy fuck!" Dumagundong ang boses ni Rafaela at halos mamilipit ito sa sakit ng tiyan. Muntik na itong mahulog sa kama. Nanlalaki at namumula ang mga mata nito dahil sa gulat.
Jax and I were unable to catch our breath from laughing hard. We almost fell off the bed when Rafaela kept pushing us. He was cursing nonstop.
***
"Wow. Kaunti na lang, friends, muntik na kaming tubuan ng ugat dito. Alas-diyes na. Nasaan ang alas-otsong usapan? Sana nahiya man lang kayo sa amin," nakairap na sabi ni Nipol. Halos dalawang oras na silang naghihintay sa amin sa isang bench sa Sampaloc Lake.
Ngumuso ako at tinuro si Rafaela. "Sisihin niyo ang mokong na iyan. Naglangoy pa iyan sa kama niya kaya kami late."
Ngumisi si Rafaela. Itinaas nito ang isang kamay at yumuko saglit na tipong nanghihingi ng paumanhin.
Tumawa lang sina Timmy at Tammy bago nagkayayaan na kumain sa Lomi House na katapat ng lake. After we're done eating, we decided to rent bicycles to go around the lake. Pinili kong umangkas kay Rafaela para makatipid. Si Tammy at Timmy ay magkaangkas din habang solo naman si Nipol sa bisekleta niya.
"Wow, guys. Forever alone ang peg ko," nakasimangot na sabi nito habang sumasakay sa bisekleta niya. "Dapat talaga makahanap na rin ako ng Papa."
"Oo nga. Hanap ka na ng Papa, 'yong papatay sa'yo dahil saksakan ka ng arte." Rafaela laughed hysterically.
BINABASA MO ANG
The Jerk Next Door
Humor"Tangina. Sa 7 bilyon na tao sa mundo, sa 105 milyon na tao sa Pilipinas, bakit ikaw pa? Bakit sa'yo pa?" © ScribblerMia, 2014 Book Cover by: Colesseum