13th Street 2012

1.7K 100 30
                                    

 

Pasado alas-tres na ng umaga at heto, katulad pa rin ng nakagawian tuwing simbang gabi, tumatambay ako dito sa may isang kalyeng malapit sa simbahan.

Kakaunti lang ang dumadaan sa kalyeng ito. Sabi sabi kase na may nagpapakita raw na diumano'y isang babaeng nakaputi. Isang bagay na hindi ko pinaniniwalaan. Kay tagal ko nang tumatambay dito at wala naman akong nakikitang babaeng nakaputi. Kalokohan.

Nakakatatlong hithit pa lamang ako ng sigarilyo at may nakita na agad akong bibiktimahin. Swerte. Isip-isip ko. Isang babae ang naaninag kong naligaw dumaan sa kalyeng ito. Nakasuot siya ng pantalon at itim na t-shirt. Mahaba ang kanyang buhok at mayroon siyang dala-dalang bag.

Nakayuko siya habang mabilis na lumalakad. Mababakas mong siya ay natatakot mula sa kanyang mabilis na paglakad. Sino ba namang tao ang hindi matatakot sa madilim at mahabang kalye na ito?

Gumawa na ako ng hakbang. Dahan dahan ko siyang nilapitan at hinablot ko kagad ang kanyang dala-dalang bag.

''Akin na bag mo kung ayaw mo pang mamatay.''

Kaagad niya namang binigay ang kanyang bag. Walang kahirap-hirap.

''Hahahahahahaha..'' tumatawa siya habang nakayuko. Nakakapanghilakbot ang kanyang pagtawa ngunit hindi ako natinag.

''Oh?! Ano pang ginagawa mo rito?! Umalis ka na kung ayaw mong masaktan!'' sagot ko.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang nakayuko. Inangat niya ang kanyang mukha at.....doon ko nakita ang kanyang nakakapanindig balahibong itsura..

Itinaas niya ang kanyang kamay at isinaksak niya sa aking dibdib. Iniangat niya muli ang kanyang kamay at doon nakita ko ang hawak hawak niyang puso!

Hanggang sa unti-unti akong nawalan ng hininga.

Filipino Short Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon