Chapter 1:
Dali-dali akong bumaba mula sa hagdanan ng bahay naming 'nung makarinig ako ng ugong ng sasakyan at bahagyang pagbusena.Andito na siya!
"Ynah,dahan-dahan nga sa pagbaba." Dining kong sabi ni Aling Nita.Nginitian ko lamang siya.
Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin bago mapagdesisyonang lumabas ng bahay.
Kung nagtataka kayo kung bakit sobrang sabik akong umalis eh dahil lang naman 'yun sa boyfie ko.Magpo-propose na siya!Well hindi niya naman sinabi pero nung nakausap ko siya sa telepono kanina,sabi niya may importante daw siyang sasabihin,kaya umo-o nalang ako.Alam kong magpopropose na siya,bakit?Matagal na kaming mag-jowa eh.Yun na yun.
Nang makalabas ako sa gate,nadatnan ko siyang naka-abang sa labas ng kotse niya at para siyang kinakabahan na ewan.Lihim akong napangiti.Kinakabahan siguro siya sa proposal niya.
Nang makalapit ako,agad ko siyang hinalikan sa pisngi at binigyan ng pinakamatamis kong ngiti,sinuklian niya naman iyon ng kabadong ngiti.Pinagbuksan niya ako ng pintuan at nang makasigurado siyang kumportable na ang pgkakaupo ko,tumakbo na siya patungong driver's seat.Kanina pa siya tahimik,siguro kinakabahan talaga siya.
"Hey,you look pale.Is there something wrong?" tanong ko nang hindi na ako nakatiis sa katahimikan.Sunod-sunod naman siyang umiling,kaya't nanatili na lamang akong tahimik hanggang paandarin niya na ang sasakyan.
Kanina pa akong ngiting-ngiti,panigurado kung may makakakita man saaking ngayon,iisipin ng mga 'nun na nababaliw na ako.Mabuti na lang talaga at tinted 'tong sasakyan ni Stevens.
Napabaling ako sa direksiyon niya nang mapagtanto ang direksiyon na tinatahak naming.Akala ko ba sa Noah's Crench kami?
"Ahm,Stevens papuntang Drazon Park 'to diba?" nag-aalangan kong tanong.Tumango naman siya habang sa daan pa'rin nakatingin.Ang weird niya.Siguro kinakabahan lang talaga.Oo tama,kinakabahan lang talaga siya.
Pero alam kong may mali talaga.Pilit kong iwinasiwas ang mga negatibong ideya sa utak ko.
Di ko namalayang nakarating na pala kami sa park.Pinagbuksan naman ako ng pintuan ni Stevens habang nanginginig ang kanyang kamay.
"Hey,Steve,I know there's something wrong.C'mon tell me." saad ko habang nakahawak sa kamay niya.Nagsisimula na naman akong kainin ng mga negatibong ideya sa utak ko.
Oh-uh.
"I'm sorry,Ynah." nakayukong saad ni Stevens.
"B-bakit?" kinakabahang tanong ko.Ang kaninang masaya kong mukha ay nawala.May hinala na ako eh.Pero ayaw ko siyang pangunahan.
"I'm breaking up with you.Bumalik na si Ciara at nagkita kami kanina and she told me that she still loves me.I'm sorry,Ynah." ayan tayo eh.Todo paganda ako kanina kasi akala ko magpo-propose siya.Yun naman pala eh break-up.Nakaka-gago lang.
BINABASA MO ANG
My Rebound Girl
Teen FictionPagod ng maging rebound si Ynah kaya gumawa siya ng pangako sa sarili niyang hindi na muna siya papasok sa isang relasyon na walang kasiguraduhan upang maiwasan ang masaktan at maging rebound ulit. Pero agad nagbago ang lahat ng makilala niya si K...