Pag gising ko sa umaga, wala na si Brix sa aking tabi, kaya bumangon ako agad para itanong sa ka team ko kung saan na siya, pero walang nakaka alam. Nung mag check out na kami, nag tanong sa akin ang receptionist kung sino daw si Cris, kaya nag taka ako, nung pag lapit ko sa receptionist may binigay na papel ito sa akin at may nakasulat"
Hi Cris,
Sorry na una na akong umuwi kasi may emergency sa bahay, hindi na kita ginising kasi napaka himbing ng tulog mo, ayokong disturbuhin kita. But i really enjoyed the time we spent together and the whole team, and pasensya kana sa sinabi ko ha, hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko, but at least nasabi ko, and its ok king hindi mo ako masasagot im still here, and i know that you love someone else, and i can see that in your eyes but no worries im still your friend, see you sa work ok, smile ka para mas cute ka palagi.
-Bryan XavierNapaka sweet naman ni Brix, kakainggit, sus kung ako niligawan niyan malamang Oo agad ang sagot ko, wala nang patumpiktumpik pa, karakaraka, para kasi sa akin hindi ang panliligaw ang pinapatagal, kundi ang pagmamahal, bulong ni Sister Reg.
Alam mo Sister Reg, di ko alam kung stalker o chismosa ka lang talaga, hahahaha pati ba naman ito dapat alam mo? Tawang sagot ko sa kanya. Sinabi ko sa team na na una na pala si Brix umuwi kaya we packed up everything and ready to go back home. Nung nasa bus kami nag text si Jeff sa akin na susunduin niya ako sa terminal, ayaw ko nung una pero makulit lang talaga si Jeff at ako ang laging talo sa mga ganyang bagay. Pagkatapos ng ilang minuto may nag txt na unknown number sa akin
"Can i invite to a lunch?" Napakamot ako sa ulo ko kung sino, hindi ko rin kasi ugali ang mag reply sa mga unknown number kaya hinayaan ko na lang. Nang makarating kami sa terminal, kinuha agad ni Jeff ang mga dala ko at sinakay niya sa kotse niya, tapos nakita ko ang mga mata ng ka team ko lalong lalo na si Sister Reg, tumaas ang kilay at may kahindikhindik na tingin at palabirong tawa. Pumasok agad ako sa kotse at umalis na kami ni Jeff, akala ko nung una ay uuwi na kami kasi pagod na pagod ako sa byahe, pero ibang daan ang tinahak niya, nag drive thru kami sa mcdonalds at bumili ng makakain tapos ay pumunta kami sa apartment niya. Hoy teka! Bakit dito mo ako dinala, pagod ako sa byahe Jeff gusto ko munang matulog, uwi na ako please, sabi ko. May kama naman diyan ah, pwede ka namang matulog jan at may dala ka namang damit, dito kana matulog please kasi namiss kita sobra, sagot niya. Hindi ko na magawang makipag talo pa, pagkatapos naming kumain ay natulog na agad ako kasi may pasok pa mamayang gabi. Nang magising ako, nakayakap si Jeff sa akin habang humihilik, tinignan ko siya sa mata, mga labi niya, gustong kong e memorize ang mukha niya, hinawakan ko ang mukha niya. Mahal na mahal kita Jeff, sakto na ako sa ganito, makita lang kitang masaya ok na ako, sapat na sa akin ang kaibigan mo ako, kasi alam ko naman na hanggang kaibigan lang ang kaya mong ibigay,ang mahina kong sabi habang tumutulo ang luha ko. Tumagilid si Jeff at agad akong tumayo para maligo at mag bihis para sa work, ginising ko si Jeff para mag handa na sa trabaho, pag dating namin sa trabaho, nakita ko agad si Brix, naka smile sa akin at nakakabighani ang kanyang tindig at porma, napatitig ako sa kanya ng matagal, hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya. Nag usap kami saglit ni Brix. Ay naku siya pala yung kausap mo dun sa Camp Sawi habang dedma mo ako sa tawag ko ha, infairness ang gwapo niya, talong talo ako sa kanya, pormahan pa lang naku wala ng pag asa, hindi nakakapag taka, enjoy na enjoy ka pala dun, sarkastikong sabi niya. Tado ka, kaibigan ko lang yung tao, wag mong bigyan ng malisya yun, masyadong malawak kang mag isip, tara na at ma lalate na tayo, sagot ko. Lunch break na at Brix invite me sa lunch sa jollibee at sinabi niya na siya daw yung nag text sa akin, at nakuha niya number ko kay Sister Reg, nung pasakay na kami ng elevator nakasalubong namin si Jeff. Sinabi ko na mag lulunch muna kami, ininvite ko siya kaso sa pantry na lang daw muna siya kakain, habang kumakain kami ni Brix nagtanong ulit ako sa kanya kung bakit ako ang kanyang nagustuhan, naka smile lang siya at sinabi niya na hindi din niya alam ang sagot basta naramdaman lang niya bigla, nakatitig lang ako kay Brix nung mga oras na yun, hindi ko alam na naka smile na pala siya sa akin, nag de daydreaming ako kahit gabi. Baka matunaw na ako niyan ha, pag lagi kang ganyan mas lalo akong maiinlove sayo, sabi niya. Nagulat ako kasi hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya ng matagal, tumawa lang ako sa sinabi niya. Pag katapos namin mag lunch ay bumalik agad kami sa trabaho at nakita ko Jeff sa elevator, niyaya niya ako mag yosi at nakaugalian ko na rin mag yosi pagkatapos kumain kaya nauna na si Brix sa taas. Habang nag yoyosi kami ni Jeff nag tanong siya kung bakit ang sweet ni Brix sa akin, sinabi ko na ganyan talaga siya sa lahat ng team namin, pinaliwanag ko sa kanya na magkaibigan lang kami. Bakit Jeff nagseselos kaba? Hahahahah, tanong ko sa kanya. Naku hindi ah, nagtatanong lang ako Princess kasi ang sweet niya sayo at bagay kayo, Princess at Prince, paliwanag niya. Tinapos ko na agad ang yosi ko kasi hindi ko gaano nagustuhan ang sinabi niya, kaya niyaya ko na siya na bumalik na sa trabaho kahit na may ilang minuto bago matapos ang lunch break namin. Nagtaka si Jeff sa inasal ko, kaya panay sorry niya sa elevator, ayaw niyang huminto sa kaka sorry hanggang nasa floor na kami, pinaliwanag ko na lang na walang dapat ihingi ng sorry wala naman siyang kasalanan, pero sa totoo lang nadismaya ako ng konti sa sinabi niya. Nung matapos na ang shift namin hinila agad ako ni Jeff pagkalabas sa elevator at dinala niya agad ako sa sasakyan niya, nakakapagtaka kasi hindi naman siya ganyan dati, kuripot nga yun dati at nanghihingi pa ng pang Gas pag nagpapahatid ako, pero sa pagkakataong yun iba ang ugali niya. Ihahatid niya daw ako sa apartment ko seryoso si Jeff nung mga oras na yun kaya hindi na ako nag salita. Pag kadating namin sa apartment pumasok agad siya at humiga sa kama ko. Jeff hindi kaba uuwi? May pasok pa tayo mamaya, pahinga kana, sabi ko. Kaya nga humiga na ako para magpahinga, halika na at matulog na tayo please, sagot niya. Hindi ko na siya pinansin kasi baka nagtitrip na naman at may topak sa utak, pumasok ako sa banyo para mag toothbrush,mag half bath at mag handa para magpahinga, akala ko wala na si Jeff sa kama, pero nung pagkalabas ko andun siya at himbing na himbing sa pag tulog. Hindi ko na ginising kasi alam ko na pagod din siya sa trabaho, tumabi ako at natulog na rin. Pag gising ko wala na si Jeff sa tabi ko, at nag iwan na lang ng note. " hindi kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo at cute mo matulog, sarap mong halikan, kita na lang tayo mamaya, mwahhh😘😘" sa katagalan hindi ko alam kung bakit ganun si Jeff sa akin, minsan binabalewala ko na lang. naghanda na ako para sa trabaho ko at na stuck ako sa trapik dahil may banggaan, nag text ako kay TL PG na baka ma le late ako kasi sobrang trapik. Jeff, Jeff, pwede mag tanong? Dba mag kaibigan kayo ni Cris, sabi ni Brix. Oo bakit anong kailangan mo sa kanya? May utang ba yun sayo? Sabihin mo lang at ako ang sisingil, sagot niya. Sinabi ni Brix na may gusto siya sa akin, sinabi din niya kung pwede sana niyang malaman ang mga likes and dislikes ko. Sinagot naman lahat ni Jeff ng walang pag aalinlangan. Pagkadating ko sa trabaho dun ko sila nakitang magkausap sa pantry at nagtatawanan. Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko nung mga oras na yun, ang taong mahal ko ay kausap niya ang taong mahal ako. Nagpaalam muna si Jeff kay Brix para mag yosi kami , tahimik lang si Jeff nung mga oras na yun habng nag yoyosi. Pagkatapos ng isang stick umakyat na kami at start na ng trabaho. Pagkatapos ng trabaho, nag announce ang GL namin na sa darating na halloween may contest na magaganap, may isang Representative na mag cocostume at ipapakita nila ang kanilang talento. 2 buwan pa bago ang contest pero naghanda na halos ang lahat ng team para sa araw ng contest. Nagpulong pulong kami ng team namin kung sino ang representative namin at feeling ko talaga si Brix ang magiging Representative namin, pero laking gulat ko nung sinabi ni Sister Reg na ako ang magiging Rep. sa team namin, tumutol ako kasi wala naman akong talent, pero lahat sila agree sa desisyon kaya wala akong nagawa kundi tanggapin ang desisyon nila. Biglang sumulpot si Jeff at nangako sa akin na ililibre niya daw ako ng Yakimix sa day off kasi ako ang napili sa team namin, kahit na hindi ako sang ayon sa desisyon ng ka team ko at least may Yakimix ako.Nung pag dating ng day off namin, handa na ako para sa libreng Yakimix kaso nag text si Jeff na mag iinuman sila ng ka team nila, nalungkot ako sa sinabi pero wala akong magagawa, bumili na lang ako ng Gin at juice sa tindahan at uminom na lang ako mag isa kasi na bored din ako, akala ko kasi may Yakimix ako nung oras na yun pero naging bato pala. Habang umiinom ako sa tapat ng pinto ng apartment ko may biglang nagsalita. Grabe hindi ko alam na kaya mo palang mag inom mag isa, pwede bang sumali?, ika ni Brix. Uie Brix halika, hahaha kakahiya naman, na bored kasi ako, may nangako kasi sa akin na manlilibre daw, eh hindi pala natuloy kaya uminom na lang ako, tsaka bakit ka pala nandito?, sagot ko. May binigay ako sa tita jan sa kabilang kanto, ngayon ko lang nalaman na kapit bahay pala kayo ng tita ko, baka mapadalas na ang pagbisita ko sa tita ko nito hahahah, sagot niya. Naka 2 bote kami ng Gin at typsy na rin, kumanta si siya sa akin
When I see your face (face, face...)
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing (amazing)
Just the way you are (are)
And when you smile (smile, smile...)
The whole world stops and stares for a while
'Cause, girl, you're amazing (amazing)
Just the way you are (are).
Habang kumakanta siya nakita niyang malungkot ako, lumapit siya at sinabi niya na di daw dapat ako malungkot, paliwanag ko sa kanya hindi ako malungkot dahil hindi natuloy ang lakad ko, sinabi ko na nalulungkot ako kasi may pangakong binitawan ang taong nag sabi sa akin, para kasi sa akin mahalaga ang isang pangako, ayokong mangako kung hindi naman kayang panindigan, natahimik si Brix sa sinabi ko. Pinasandal ako ni Brix sa balikat niya at nagsalita. Mahalaga din sa aking ang salitang PANGAKO kasi yan ang mga katagang binitawan ng ex ko sa akin, para mag bagong buhay, pero mas lalong lumala siya, hindi ako gaano nangangako kahit sa magulang ko, but instead ill say i will try my best but not to say promise, eto nangangako ako sayo na kung kailangan mo ako, just tell me and ill be there, even im far just tell me, i promise to you to comfort you, sagot niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa panahong yun, feeling ko napaka secured ko sa mga balikat niya, at ramdam kung totoo siya sa bawat salitang binitawan niya. Napatingin ako sa kanya, napatitig ng matagal at napaluha kasi napakatotoong tao ni Brix lalo na sa akin, pinahid niya ang mga luha ko pinunasan niya ito ng panyo niya. Alam mo Cris napaka swerte ng taong mamahalin mo, kasi napakabait mo, maalahanin, totoo at walang ka arte arte, simple lang sabi niya. Nagkukwento siya habang nagtatagay kami, sinabi niya yung buhay niya dati, at kung ano siya dati, nakikinig lang ako sa kanya habang naka sandal sa balikat niya. Habang nag uusap kami, may palakpak kaming narining, si Jeff pala dumating at lasing na lasing. Wow ang sweet niyo naman, kakainggit pwede bang sumali pa jan? O baka nakakaistorbo ako sa inyo? Sabi niya. Bakit uminom ka ng sobra sobra , ano ba ang meron? Bakit hindi kapa umuwi sa apartment mo? Sagot ko. Ay uu nga pala no! Hindi pala ako dito nakatira pasensya, at sorry at nakakaistorbo ako sa pag lalampungan niyo, sige alis na ako, sabi niya. Jeff hatid na kita baka mapaano kapa jan sa daan, ika ni Brix. Pero hindi nakinig si Jeff patuloy siya sa paglalakad, kaya sinundan namin siya bago pa maka rating sa gate. Niyaya ni Brix na ihatid si Jeff sa apartment niya, pero matigas si Jeff at nagsasabi ng masasakit na salita, pinagpasensyahan na lang ni Brix si Jeff kasi lasing ang tao pero hindi napigilan ni Brix ng itulak ako ni Jeff para akayin siya pasakay sa kotse ni Brix.
Sinuntok ni Brix si Jeff. Pare pinagpapasensyahan kita sa mga masasakit na salitang sinabi mo, pero nang itulak mo si Cris dahil inakay ka para makalakad ka ng maayos, at pinangakuan mo pero mas inuna mo pa yung mga barkada mo kaysa pangako mo, yan ang hindi ko mapapalampas,
sa ngayon Jeff pagbibigyan kita, pero sa oras na malaman ko ng sinaktan mo si Cris, SORRY na lang ang masasabi ko sayo, bulyaw niya. Inawat ko ang dalawa at mabuti naman ay tumigil na si Jeff at huminahon na rin si Brix, inaya ko na lang si Jeff na sa apartment na lang matulog, tinulungan ako ni Brix para i akyat si Jeff sa taas. Sinabi din ni Brix na kung kailangan ko ng tulong tatawag lang ako at nagpaalam na siya.Pag balik ko sa kwarto, nakita ko Jeff nakaupo sa kama. Sorry Cris sorry talaga, patawarin mo ako,
Abangan guys!!
Thanks for reading