Chapter One

6 0 0
                                    

"Huy!"

"Punyeta kang bakla ka! bakit kaba nanggugulat letche ka?!" gulat na sabi ko.

Ang sakit non ah? Mang gugulat na may kasama pang hampas sa balikat.

"Panong hindi kita gugulatin e kanina pa ako salita ng salita dito, mukha kang tanga diyan, nakanganga kapa!" sibi niya.

"Ano ba kasi yon?!" Sabi ko.

"Oh tignan mo! maski isa sa sinabi ko wala kang naintindihan!" umiikot ang matang sabi niya.

"Kasi nga nag iisip ako.." pabuntung hiningang sabi ko.

"Naku day wag mong gawin iyan! at sayang ang brain cells mo!" sabay tawang aniya.

"Bwisit ka" sabi ko

"O eh ano ba kasing iniisip mo?"

"Edi kung paano na tayo sa katapusan ng buwan."

"Anong paano?" nag tatakang tanong niya.

"Diba paalisin na tayo ni Aling Melda sa katapusan? Ikaw dapat gumagamit niyang brain cells mo eh. Kung ayaw mo ibenta nalang natin, pang dagdag sa bayad sa upa dito sa bahay tulal semi used palang naman!" Nabubwisit na sabi ko.

Naalala ko nanaman tuloy yung problema namin. Na delay kasi ng nadelay ang sahod ko sa maliit na karinderya sa kanto ng palengke malapit dito sa tinitirhan namin ni JP aka Juan Pablo.

Wala din naman akong magagawa dahil naiintindihan ko naman yung amo ko. Sobra kasing tumal ngayon ng bentahan sa karinderya.

"Hayaan mo susubukan kong bumale kay madam." aniya

"Talaga?!"

"oo nga"

Mahigpit ko siyang nayakap sa sobrang tuwang naramdaman ko!. Pakiramdam ko kahit papaano nakahinga ako ng maluwag ibig kasing sabihin non halos siya nanaman ang mag babayad ng upa namin dito sa bahay.

Hindi naman sa ginugulangan ko siya, sadyang kinapos lang talaga ako ngayong buwan.

Hulog talaga ng langit para sa akin si JP. bukod sa katuwang sa buhay siya din ang maituturing kong best friend ko.

"oh siya tara na at may raket ako ngayon." sabi nya.

"Anong raket?"

"may i seservice ako"

"ah, eh ano nga ba ulit yung sinasabi mo sa akin kanina?" tanong ko.

"wala na nakalimutan ko nadin. Hehe"

"baliw" tumatawang sabi ko.

"oh sige na, alis na ako!" sabay labas sa pintong sabi niya.

"Bye! Ingat!" pahabol na sabi ko.

Dumiretso na ako sa banyo at mabilisang naligo...

Habang nag lalakad sa gilid ng kalsada, papunta sa semi publikong unibersidad na pinapasukan ko. Isang sakay ng jeep mula sa amin ay biglang  may sumulpot na mabilis ang andar ng bisekleta sa gilid ko!

Sa gulat ay napatalon ako sa ibaba ng sidewalk ! Hindi ko na napansin ang mabilis na sasakyang paparating sakin!.

"Hayan na, katapusan ko na". "Lord ! Bakit mo pa ko binigyan ng ganito kagandang mukha at katawan dudurugin lang pala ako sa kalsada!

bakit Lord?

bakit?!

Bakit?!

Bakeeeeet?!" sigaw ng isip ko!

"Hey!"

Ha? unti unti kong idinilat ang mga mata ko at tumambad sa aking harapan ang Pinaka gwapong lalaki na yatang nakita ko sa buong buhay ko.

Naka suot ng white sneaker, faded black pants at white shirt na nakatupi hanggang siko ang suot ng gwapong lalaki,  may kahabaan ang napaka linis na brush up na buhok nito. Chocolate na parang hinaluan ng gatas ang kulay ng kanyang mga mata na kumikinang kapag matatamaan ng sikat ng araw at..

Tila ba nangangako ng Isang libot isang kaligayahan..

Hiyang hiya nama yung labi ko sa pula ng labi niya..

At ang ang kutis ateng! Naku naku hindi siya kaputian pero mukang mas makinis pa si pisngi ko ang kanyang balat sa matitipunong braso..

"haaay"

"Naku kung alam ko lang na ganito pala ka gwapo si San Pedro, ako na mismo ang kumitil sa buhay ko!"

"Hey Miss!" he said.

"ha?"

"are you okay?"

"h-ha?"

"i said, are you okay?" ulit niya.

"i-ito na po ba ang Langit?" nauutal na tanong ko

"what are you saying?!" mukang asar na sabi ni San Pedro.

"eh diba po patay na ako?"

"what? No!" may kalakasang sabi niya.

"a-ang alam ko po kasi na s-sagasaan ako kaya patay na 'ko." sabi ko.

Bigla akong napatingin sa paligid ko. At saka ko nakita ang itim na sasakyan sa likod ng gwapong lalaki na may logo ng kabayo sa harapan.

Mabilis akong napatayo at tinignang maigi ang pakigid ko.. Nasa gilid na ulit ako ng kalsada malapit sa university namin!

"Diyos ko salamat po!" hiyaw ko!

"Miss. next time titingin ka sa dinadaanan mo. I almost ran over you!" nagpipigil ng galit na sabi ng istranghero ngunit gwapong lalaki.

Napatingala ako sa kanya, grabe ang tangkad! Hindi ako sobrang bansot sa height ko na 5'4 para sa pilipina pero hindi manlang ata ako umabot sa balikat ng taong ito..

"H-hindi ko naman sinasadya" napapahiyang sabi ko.

"May bigla kasing dumaang bike dito sa gilid ko iniwasan ko lang, pasensya na." napapayukong paliwanag ko pa. Alam ko naman kasi na may kasalanan din ako.

"Stupid" mahinang sambit niya. Dirediretsong naglakad na ang lalaki papunta sa sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada.

Gulat na hinabol ng paningin ko ang lalaki! Hindi ako makapaniwala sa narinig kong sinabi nya.!

"Hoy! Hambog na lalaki! Bastos karin ano?!" sigaw ko sa kanya!

Alam kong may kasalanan din ako pero himingi na nga ako ng pasensya biba?

"akala mo kung sino kang bwisit ka! Eh may kasalanan kadin naman! Kung mag patakbo ka ng sasakyan mo para kang nasa super highway!"

"Look, kung hindi dahil sa bilis ng reflex ko, your family might be preparing your funeral by now okay?!" gigil na sambit ng lalaki na napahinto sa sigaw ko sa kanya.

"oh eh ano naman ngayon sayo?! Kaya nga humingi na ako ng pasensya diba?! May pa stupid, stupid kapa diyan! Naku nang gigigil ako sayo!" nang gigigil talagang sambit ko.

"Freak" sambit niya at tuluyang lumulan sa magarang sasakyan at pinaharurot na parang nakikipag karera!.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AlyazyaWhere stories live. Discover now