More Than Friends Less Than Lovers (ONE SHOT)

550 16 8
                                    

Author's Note: Lalagay ko lang po dito yung short story  na pinasa ko sa prof. namin noong pinagawa kami ng short story. Wala ng karugtong yan, yan lang po talaga. Enjoy reading. ^_^

7am. Rush hour.

Ang daming tao sa LRT station. Ganito talaga sa Anonas station pag umaga. Hindi mahulugan ng karayom sa dami ng tao. Karamihan kasi ng andito ay puro estudyante, karamihan din ay mga nag tratrabaho o mga taong pupunta ng Quiapo. Nakita ko ang katabi kong bata na may hawak na libro, Cinderella.

Isa to sa mga paborito kong kwento noong bata pa ko. Lagi ko tong binabasa bago ako matulog. Eto ang gustong love story ng karamihan. May prince charming, may princess at siyempre may happy ending. Bakit ba ang tawag sa dulo ng bawat fairytale ay happy ending? Sa totoo lang, kailan pa ba naging masaya ang ending? Kahit nagkatuluyan si babae at si lalake sa isang telenobela, ang masaklap, tapos na yung kwento. Hindi ba pwede mag karoon na lang nang pag iibigan na walang katapusan? Oo walang katapusan, yun ang gusto ko.

"Aray!"

Nasambit ko habang pumapasok sa loob ng tren ng LRT. Medyo nagulat lang ako ng kaunti sa eksenang iyon, pero ano pa bang inaasahan ko, yung tulakan, pisikalan, para bang naka-box out sa basketball. Minsan kapag nakatayo ako sa harap ng pinto ng tren ng LRT, hindi na lang ako gumagalaw, sumasabay na lang ako sa agos na gawa ng mga taong kasabay kong papasok sa tren. Minsan naman kapag alam kong papasok na sa tren, pumipikit na lang ako, at sa aking pagdilat, nasa loob na ko ng tren

.At ito na nga, gaya ng aking inaasahan. Siksikan sa loob ng tren, yung tipong ulo mo na lang ang maigagalaw sa sobrang siksikan sa loob. Sa aking harapan, yakap-yakap ko ang aking bag, na para bang siya ang aking kasintahan at ayaw kong iwanan. Mahirap na baka may magtangka pang mandukot sa aking bag, kahit wala naman masyadong pakikinabangan dito, nag-iingat pa rin ako. Mahirap na talaga. 

Pangatlong pinto mula sa unahan ang lagi kong pwesto pag sasakay ng LRT, kaya katulad parin ng dati nakita ko nanaman ang dalawang mag kasintahan sa bandang kanan ko. Hindi ko talaga alam kung mag kasintahan sila o hindi ngunit sa lagi kong nakikita na holding hands at matatamis na ngiti, mukang sila nga.

Schoolmate ko ang dalawang to, halata sa berdeng uniporme nila na Accounting students sila ng Polytechnic University of the Philippines, naka lagay din kasi ang “Accountancy” sa lanyard nila. Bagay silang dalawa, parehas silang pang model ang itsura, eto na ata ang couple na maihahalintulad natin kanila Bella at Edward ng Twilight .  Ang sweet nila. Habang tinitignan ko sila ay lalo kong nakikita na mahal nila ang isa’t isa.

Araneta Center Cubao, Betty-Go Belmonte, Gilmore, J.Ruiz, V.Mapa at sawakas Pureza station. Nakasabay ko bumaba ang love birds pero nag hiwalay kami sa may C-Mart doon kasi ang daan papuntang Main Bldg. Ako kasi dirediretso pa papuntang Hasmin Bldg. Hiwalay kasi ang bldg. ng Tourism students.Habang nag lalakad ako papuntang Hasmin ay biglang nag vibrate cellphone ko.Nang tignan ko ang laman ng text, hindi nga ako nagkamali, ang aking taong malapit sa puso ko ang nagtext. Mabilis na tumibok ang aking puso. Nang mga sandaling iyon lalo ko siyang namiss. At bigla akong napangiti

“Goodmorning Girlfriend! Ingat k, kumain ka ng breakfast. ♥ >:D< “

Napangiti ako habang nag lalakad. Eto talaga ang text message na kumukumpleto ng araw ko, nakakapag iba to ng mood ko sa isang buong araw. Kahit anong text basta galing kay Stefan, buo na ang araw ko. Hindi naman kami mag kasintahan, mag kaibigan lang kami.

Boyfriend-girlfriend lang ang tawagan naming dalawa, ako ang girl na friend niya at siya naman ang boy na friend ko, ngunit kahit mag kaibigan kaming dalawa, gusto namin ang isa’t isa, , hindi lang pala gusto kung hindi mahal na. Ang relasyon namin ay higit pa sa mag kaibigan ngunit hindi hihigit pa o aabot sa mag kasintahan.

More Than Friends Less Than Lovers (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon