Chapter 1

3.9K 39 1
                                    

Love Me Once
Chapter 1

Alyssa's POV
"Uy besh, gising. Late na tayo, baka nandun na yung trainor natin" sabi ni den at hinila ako kaya no choice, bumangon na ako.
"Yan kasi nagpupuyat.." bulong ni ella kaso rinig ko naman
"I can hear you, De Jesus!" sabi ko at nilingon nya lang ako at nginitian
"Oh sige na baldo maligo ka na at baka mapagalitan na naman tayo ng trainor natin dahil late na naman tayo" sabi ni den at pinapasok ako sa banyo. Ihhh, tinatamad pa ako.
"Baldo.." tawag muna saglit ni den kaya lumingon ako
"Opo, bibilisan ko" sabi ko. Sa aming tatlo ako yung pinamabagal na maligo.
***
"In 1,2,1,2,3.. Go!" sigaw ko since wala yung trainor namin kaya ako ngayon yung megaphone nila.
'Dahil sayo ako'y matapang
'Dahil sayo ako'y lalaban
"I'm sorry, I'm late" singit ni Kiefer kaya tumigil kaming lahat at tumingin sa kanya.
"Let me rephrase your words, I'm sorry I'm late AGAIN" nakapamewang kong sabi sa kanya
"Grabe ka naman sakin Ly, troopsss!" tawa niya at umapir pa sakin.
"Pasalamat ka, wala dito si Kuya Mark kundi baka sasabihan ka na naman nun na inuuna mo palagi yung jowa mo" sabi ni yeye yung isa sa kasamahan namin. Napatingin naman ako kina den kaya ngumiti ako ng pilit
"Its okay, ate" bulong ni dawn sakin kaya nginitian ko sya
"Tigilan nyo ko" sabi ko at tumawa siya
"Ganito nalang para naman mabawasan sama ng loob nyo sakin, lilibre ko kayo ng lunch mamaya" sabi ni Kiefer
"Sus, bro baka mamaya ang punta nyan si Ly lang ang ililibre mo" natatawang sambit ni Josh kaya nagsitawa silang lahat except sakin na nakatingin kay Josh na nakakunot noo
"Joke lang" tawa nya at nagpeace-sign sakin
"Wag nyo ngang galitin tong kaibigan ko" sabi ni Kiefer at inakbayan ako.
Wag nyo ngang galitin tong kaibigan ko.
Wag nyo ngang galitin tong kaibigan ko.
Paulit-ulit na sinasabi ng utak ko. KAIBIGAN ko.
"Ayieeee. Bat di nalang kasi kayong dalawa?"tanong ni dawn, nang-aasar. Swear.
"Alam mo kasi dawn, may panahon dyan. Darating din ang araw na marerealized nila na mahal nila ang isa't-isa. Not now, but soon." pang-aasar ni yeye kaya tinignan ko ng masama
"Eh kung batukan ko kayo isa-isa dyan?" Banta ko kaya tumikhim sila
"At ikaw naman" sabi ko sabay tanggal ng kamay ni Kiefer sa balikat ko at kinurot sya sa tiyan.
"A-arayy!" sigaw nya
"Late ka nalang palagi. Palibhasa, inuuna jowa eh" matapang kong sabi.
"Owww!" Kantyaw ng mga kasama namin
"Sorry na. Sorry na, promise bukas hindi na ako malalate" pangako nya
"Siguraduhin mo lang kundi mamimili ka na talaga kung kami... Or yang jowa mo" nahihiya kong sabi kaya tumawa sya
"Sige nga kief, mamili ka nga" asar ni Von
"Just for fun, si Alyssa o si Samantha?" tawa ni Mich kaya tiningnan ko ng masama.
"Ang hirap mamimili" tawa Ni kief at kunyare nag-iisip
"Maybe si Alyssa?" sabi nya kaya nagsitili sila
"Mga walanghiya" sambit ko
"Ayieee. Kinikilig si Ate Aly" asar Ni dawn
"Uyy tama na. Let's go na, practice na tayo" basag ni den.
"Wait lang den. Itong si denden, ang gusto palaging pinapansin" asar ni LA kaya binatukan sya ni den
"So Kief bakit si Ly? I mean bat hindi si Samantha?" Tanong ni yeye
"Simple lang, sexy si Ly, maganda, mabait at higit sa lahat mapagmahal" sambit Ni kief at lumapit pa sakin kaya siniko ko
"Ewan ko sayo" sambit ko at inirapan sya.
"Sexy, maganda,morena, mabait at mapagmahal bakit hindi nalang sya?" Tanong Ni yeye kaya saktong umiinom ako kaya nasamid ako
"Don't worry, ibebreak ko si Samantha at susunod kita Ly" sabi Ni kief kaya binato ko ng mineral bottle. To namang mga kasama ko naghiyawan, mapapailing ka nalang.
******

Love Me Once (kiefly stories)Where stories live. Discover now