Chapter 58

1.5K 32 4
                                    


Note: Please ignore if you notice some typo error and wrong grammar.

Please Follow: MalditangBruha16

Blast Pov!

"Ano ba talaga ang dahilan mo at nagawa mo lahat ng yun kay Lory?" yumuko siya at pinatong ang mga siko niya sa magkabila niyang tuhod at hinilamos ang mga palad niya at pinagdaop ang mga ito.

"May taning na ang buhay ko." hindi ako makapagsalita sa sinabi niya kahit pa alam ko na may sakit siya pero hindi ko naman inaakala na may taning na ang buhay niya.

"Ano? Bakit mo hinayaang lumala pa ang sakit mo?"

"Hindi ko alam na may sakit ako. Akala ko isang simpleng sakit lang ng ulo ang madalas kong nararamdaman noon."

"Alam na ba to nila Tita?"

"No. Please don't tell them about this."

"Nahihibang ka na ba? Hanggang kailan mo gustong itago yan sa kanila."

"I don't know."

"Yan din ba ang dahilan ng pang.iiwan mo kay Lory?" tumago lang siya. "Kailangan mo ba talagang gawin yun sa kanya?"

"Oo. Yun lang ang naisip kong paraan para hindi siya masaktan kapag nawala ako."

"Hindi mo ba naisip kung gaano mo din siya nasaktan ng husgahan mo siya sa mga hindi niya naman ginawa. Si Trisha alam ba niya ang tungkol sa sakit mo?"

"No."

"Paano mo siya napapayag?"

"Dahil sa kasikatan kaya pumayag siya."

"Hindi ba siya ang nagpakalat ng bagong picture na kumalat? Pare may gusto sayo ang babaeng yun noon pa kaya sigurado ako na hindi niya kayo titigilan lalo na si Lory."

"Hindi ko hahayaan na saktan niya si Lory."

"Sinaktan mo na siya pare. Paano mo gagawin yun?"

"Hindi ko pa alam. Gagawa ako ng paraan."

"Ano ba talaga ang balak mo?"

"Pare sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Hindi ko na nga alam kung hanggang kailan ko makakayang dalhin ang mga problema ko. Pakiramdam ko hindi na ako makahinga. Kailangan ko ring maging maingat para hindi ako mabuko sa mga pagpapanggap ko." nahabag ang loob ko pero wala naman akong magawa kundi ang makinig lang sa mga sinasabi niya para kahit papaano mabawasan ang bigat ng loob niya.

"Naiintindihan kita. Don't worry naniniwala ako na kung saan man humantong ang lahat ng to maiintindihan ka rin ni Lory. Magpagaling ka pare para makabawi ka sa kanya at sakin na rin sa paglilihim mo sakin." tinapik ko na lang ang balikat niya.

***********

Lory Pov!

"Sir gumising na po kayo." naiinis ako. Kanina pa siya nangigising. Hindi naman talaga ako ang ginigising pero nadadamay ako.

"Okay. Give us five minutes."

"Kanina pa po kayo pinapatawag ng lolo niyo." naramdaman ko na bumangon na si Xander sa likod ko.

"Okay. Bababa na lang kami."

"Sige po." salamat naman makakatulog na ako ulit.

"Hey." niyugyog niya ang balikat ko. "Wake up." napapikit na lang ako ng mariin. Hindi ba talaga nila ako hahayaang matulog. Masakit ang ulo ko. "Lory wake up. Lolo's calling us. Bumango ka na bago pa man siya sumugod dito." napamulat ako sa sinabi niya. Baka nga sumugod ang masungit niyang lolo dito sa kwarto.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon