Chapter 19:The Truth

7 0 0
                                    

Jeana's POV

Nakita ko si Faith na nakahiga sa kama tapos nakatali ang mga kamay at paa niya sa kama.Bakit nila ginanyan si Faith!?

"Bakit niyo siya itinali!?"tanong ko.

"Lumalaban siya e."sabi ni Princess.

"Di ba dapat pinatulog niyo lang?Di niyo ba naisip na masasaktan si Faith? Hihigpit yung tali kapag nagwawala siya!"sabi ko.

"Ok na yan.Di naman si Faith yan e.Si Shiela yan."oo nga nohh?medyo mahimasmasan ako ng konti.

"Okay fine."sabi ko.Si Josh naman di napakali at mukhang maiiyak na.Lumapit ako sa kanya sabay tapik sa balikat niya."Josh,don't worry gagawa tayo ng paraan para maalis si Shiela sa katawan ni Faith."

"Salamat."sabi niya.Naaawa ako kay Josh kasi masyado siyang depressed sa mga nangyayari kay Faith.

"Guys,nagtext si Marielle."sabi ni Shawn.Agad kaming lumapit kay Sean tapos binasa yung message.

From:Marielle

Hey guys are you free today?Punta kayo sa café ngayon na.I have to tell you something. This is very important. Pleaseeee....

"Ano na naman kaya ang kailangan niya?"tanong ni Princess."Ewan ko pero kailangan natin puntahan."sabi ni Sean.

"Hindi!lahat ng boys maiiwan dito kasama si Faith.Kami na ang bahala kay Marielle"sabi ko."Pero bakit?"tanong ni Prince.

"Hindi niyo pwedemg iwan mag isa si Faith dito.Paano kung nakawala siya sa tali,Delikado!baka mamaya makasakit siya ng ibang tao.Kung nandito kayo maaalalayan niyo siya."sabi ko ulit.

"Sige.Magiingat kayo.Susunod na lang kami."sabi ni Prince.Sinamaan at tinaasan ko siyang kilay."Oo na.sige na."bawi niya.Agad kaming lumabas ng bahay.

Sa cafe...

"Marielle sorry nalate kami traffic kasi e."sabi ni Princess."Okay lang.Asan yung boys?sann si Faith?"tanong ni Marielle.Hala!hindi pwedeng malaman ni Marielle na sinapian si Faith.

"Nasa bahay sila si Faith sinapian ni Shiela."sabi ni Sofia."Ano?sinapian si Faith!?"gulat na tanong ni Marielle.Lagot!nadulas si Sofia.Kailangan makagawa ng paraan.

"Ah!hindi ang sabi ni Sofia may sakit si Faith."pagsisinungaling ni Ivory.Sana maniwala si Marielle.

"Huh?e bakit sabi ni Sofia sinapian si Faith?"naguguluhang tanong ni Marielle.Ayy di siya naniniwala.

"Hindi. Ganito kasi yan,yung kapit bahay namin nasapian.Kalat sa buong barangay.Tapos yung topic natin ay si Faith na may sakit kaya niya nasabi yun."paliwanag ko.Sana this time maniwala na siya.Lord patawarin mo ako kasi I lied to her.

"Ahh!sige.Uhmm...wag sana kayomg magagalit sa sasabihin ko ha."sabi ni Marielle.

"Oo naman.Ano ba kasi yun?"tanong ni Jamie."Kilala niyo si Shiela May di ba?"sabi ni Marielle.Huh?paano niya nakilala si Shiela?

"Hah!oo kilala namin.Bakit magkakilala ba kayo ni Shiela?"tanong ni Ivory.

"Hindi.Naaalala niyo yung lapida at bulaklak ng patay sa bahay niyo?"paano niya nalaman yun?Manghuhula kaya siya?Ahh!naiihi na ako!Di bale titiisin ko muna ito kaya ko pa naman e.

"Oo bakit?anong kinalaman mo dun!?"inis na tanong ni Princess."Oo.May kinalaman ako kasi ako ang may gawa nun.Pero nung time na yun nasa katawan ko si Shiela.Ginamit niya ang katawan ko para gawin yun dahil gusto niyang maghiganti sa inyo.Pati nung sa canteen yung nagsampalan tayo.Wala naman akong intensiyon na gawin yun kaso nga nasa katawan ko ulit siya kaya nagawa ko yun."

"For short,kapag nasa katawan ko siya,masama ako sa inyo.Kapag wala naman,mabait ako sa inyo.Kagaya ngayon pati nung last month."dagdag pa niya.

Lahat kami nagulat at naguguluhan sa mga sinasabi niya.Pati ibang tao nagawang idamat ni Shiela.Wala siyang kasing sama!!Pati si Marielle na walang kaalam-alam nadamay dito!kung maghihiganti siya dapat sa amin hindi sa iba!Pero paano sinasapian si Faith?

"Paano nangyari yun Marielle?"tanong ni Sofia."Isang gabi,naglalaro kami ng mga pinsan ko ng spirit of the glass sa kwarto ko.Nung una,nakafocus ako pero bigla akong napabitaw sa mga kasama ko.Kaya nasapian ako.At si Shiela yung sumapi sa akin.Nung umalis siya sa katawan ko akala ko lulubayan niya ako pero nagkamali ako."

Eto kami ngayon NGANGA!"Grabe napakasama ni Shiela.Marielle bakit mo naman sinabi sa amin yun hindi ka ba natatakot sa gagawin sa iyo ni Shiela?"tanong ko.

"Kasi ayoko magsinugaling sa inyo."sabi ni Marielle.Ooppss!eto na !di ko na kaya!naiihi na talaga ako!!"Uhmm...wait,guys cr muna ako naiihi na ako e."paalam ko.

"O sige."dali dali akong nagpunta sa cr.

Sofia's POV

Tahimik lang kami dito.Di kami makapaniwala sa mga kinukwento ni Marielle."Guys?"sabi ni Marielle. Tumingin kami sa kanya ng may halong pagtataka.Bigla siyang yumuko.

"Ako rin yung kumuha ng bear ni Jeana.Pero ngayon di ko alam kung nasaan na yun."sabi ni Marielle.Ano?siya yung kumuha nun?bakit pati yung bear kailangan niyang kunin!?

"Ano!?"gulat na tanong ni Ivory sabay palo ng malakas sa mesa.Nagulat kami sa sigaw niya.Pati rin yung ibang tao sa café napatingin tuloy sa amin."Bakit?"nagtatakang tanong ni Marielle.

"Alam mo bang halos mabaliw na kami sa kakahanap non!?Si Jeana ayaw kumain ng dahil dun!?"sigaw ko.Wala na akong pakialam kung pagtinginan kami ng mga tao dito.

"Gaya nga ng sabi ko sinapian ako ni Shiela nung time na yun."sarcastic na sabi ni Marielle. Kumalma kami sa sinabi niya.

"Wag na wag niyong sasabihin ito kay Jeana.Pag naalala nya ito,magwawala yun."sabi ni Ivory.

"Hey guys..."

My Friend's RevengeWhere stories live. Discover now