Sa Pagbilang Kong Tatlo

2 0 0
                                    

Hindi ko alam kung paano sisimulan,
'Di naman ako sanay sa tugmaan
Ngunit pagkakataon ko na ito
Upang sabihin at isiwalat sa mundo.
Kaya sa pagbilang kong tatlo,
Ito ang buhay ko.

ISA, isang simpleng babae lang ako
Na pilit nakipagsapalaran sa mundo.
Nadapa, bumangon,
Nasugatan, humilom,
Muling nadapa, 'di na nakabangon.

DALAWA, sa nakaraang dalawang taon,
Ang sugat ay lalong bumaon.
Lalong nalugmok,
Lalong nagmukmok.
Sa isang napakalalim na balon,
Ako'y di na makaahon.

TATLO, tatlong huling salita,
Nais kong isambitla,
Sa harap ng madla,
Sa mga kaibigan at pamilya.
Salamat sa pagmamahal, sa alaala, sa aruga.
Ito'y pamamaalam na,
At ang tatlong salita, "AKO'Y SUKO NA".

Hindi ko alam kung paano sisimulan
'Di naman ako sanay sa tugmaan
Ngunit pagkakataon ko na ito,
Upang sabihin at isiwalat sa mundo.
Kaya sa muling pagbilang ko ng tatlo,
Sana ay buhay pa ako.

--wakas--

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa Pagbilang kong TatloWhere stories live. Discover now