Premonition (one shot)
Copyrighted © by loiserrific------------------------------------------------------
Ang hirap pala na makita mo yung hinaharap. Simula ng mamatay ang nanay ko na dahil sa akin at hindi ko sya nailigtas, sinumpa ko na ang mundo.
"Shanice!" napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.
Si Nica pala yun. Lumapit s'ya sakin atsaka tumabi sa inuupuan ko.
"Kanina pa kita hinahanap ah, andito ka lang pala." panimula n'ya sabay kuha sa bag n'ya ng isang maliit na salamin at inayos ang sarili.
"Ikaw nga ang hinahanap ko eh, nawala ka na lang bigla nung dismissal. Kaya dumiretso na lang ako dito." tugon ko. "San ka ba galing?" patuloy ko pa.
"Ah, nagpunta kasi ako sa canteen nagbili ako ng tubig, inubos ni Nico yung tubig ko eh." iritang sabi n'ya. Wala na talagang nangyari sa relasyon ng magkapatid na'toh. Palagi na lang away. Kaya laging ako ang kasama ni Nica eh.
Nagpag usapan na namin ni Nica kagabi na pupunta kaming Bulacan para du nmag bakasyon. Naghihintay lang kami ng bus na papunta sa Bulacan dahil magse-sembreak na at pareho kaming papunta sa Bulacan.
"Palagay nito sa loob ng bag mo ah, sikip na kasi." sabi ni Nica pero hindi ko iyon naintindihan dahil sa bigla kong pagka-hilo.
Bigla na lang akong nawalan ng malay at tumumba. Bago iyon may nakita ako.
Sobrang usok. Hindi ko makita kung ano ang nasa paligid. Mga nag iiyakan at nagsisigawan ang mga tao. Naglakad ako habang unti-unting napawi ang makakapal na usok.
Andaming paramedics, may mga ambulansya, pulis at mga nagbabalita. Nakakita ako ng plakard na may sulat na 'Bulacan'.
Nagulat ako ng makita ko ang babaeng nakahandusay. Pangalawang pagkakataon ko na ito na makakita ng isang patay. Una ay ang nanay ko at ngayon ito.
Hindi ko na makilala ang mukha ng babae dahil ito'y wasak na wasak na. Nakita ko rin ang bus na halos wala ng natira dahil sa pagkabangga nito.
Ngunit isang bagay ang pumukaw sa atensyon ko. Ang keychain.
Ang furball keychain. Nakita ko na iyan. Meron ganyang keychain si Nica. At hindi ako nagkakamali na sya ang babaeng nakahandusay ngayon.
Ito na naman. Umulit na naman ang mga bagay na nakikita ko.
Unti-unti akong napabangon sa kinahihigaan ko at nakita kong papasakay na si Nica sa bus.
"NICAAA!!!" sigaw ko kaya naman pinag tinginan ako ng mga tao. Pero wala akong pakealam dahil ang kailangan kong gawin ngayon ay ang mailigtas si Nica. Dahil nakita ko na babangga ang bus na kasalukuyan n'yang sasakyan.
Kinuha ko kaagad ang mga bag na dala ko at tinulak si Nica palabas ng bus. Pasensya na, Nica. Hindi ka pwedeng mawala sakin tulad ng nangyare sa nanay ko.
"Shan, ano ka ba?!" halatang nasaktan si Nica sa ginawa ko dahil natumba s'ya sa lapag.
"Hindi ka pwedeng sumakay dito! Hindi ka makakarating sa Bulacan, Nica. Basta hindi ka pwedeng pumunta sa Bulacn o sumakay sa bus na ito." sunod-sunod na sabi ko kay Nica. Halata naman sa mukha n'ya na galit na galit s'ya.
Magsasalita pa sana s'ya kaso umandar na yung bus. Naka sakay na ako ngayon dito sa loob at nakatayo pa din sa may pintuan.
Napansin kong lahat ng tao sa bus ay naka tingin sa akin at nawe-weardohan kaya naman dali dali akong humanap ng bakanteng upuan at saka umupo doon.Napanatag na ang loob ko dahil hindi sumakay si Nica sa bus na ito.
Sandali lang, hindi naman ibig sabihin na wala dito si Nica, hindi na mababangga ang bus na ito
d-diba?Bigla akong kinabahan. Kasabay nung ang pagtunog ng cellphone ko kaya dali dali ko itong kinuha mula sa bulsa ko.
"H-hello?"
"Shan! Ano ba yung ginawa mo kanina?!" sigaw ni Nica.
"Wala yun. Basta dyan ka lang ha."
"Oo na, nawalan na ako ng gana na umuwi sa Bulacan dahil sa'yo."
"Pasensya naman."
"Ayos lang yun." sabi ni Nica.
"Ay. Oo nga pala, nasa'yo yung keychain ko.""Ay. Oo nga pala, nasa'yo yung keychain ko."
"Ay. Oo nga pala, nasa'yo yung keychain ko."
"Ay. Oo nga pala, nasa'yo yung keychain ko."
"Ay. Oo nga pala, nasa'yo yung keychain ko."
Awtomatiko akong hindi nakagalaw sa kinauupuan ko.
Tinignan ko ang loob ng bag na dala ko at nakita ko ang keychain na paborito ni Nica.
Paano napunta 'toh dito?
May naalala ako. Bago ako mahilo ay may sinabi si Nica na may ilalagay s'ya sa bag ko. Siguro ito 'yon. Ang keychain n'ya.
"Hello, Shan? Andyan ka pa ba? Bakit di ka naimik? Hello?"
"Ah. N-nica, paki sabi na lang kay Mama at Papa na mahal na mahal ko sila kung sakaling mapapadaan ka sa amin. Kay Kuya Nathan din ha. M-mag iingat kayo." pamamaalam ko.
Patuloy na nagsasalita si Nica sa kabilang linya at hindi alam ang gusto kong iparating.
Ngayon alam ko na. Na hindi si Nica ang m-mawawala kundi
a-a-ko...Kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko ay s'yang pagkapit ko ng mahigpit sa telepono ko.
Naramdaman ko na gumegewang ang bus at nagsimulang magsigawan ang mga tao. Napapikit na lang ako.
Paalam Nica. Naging isang mabuti kang kaibigan sa'kin. Paalam.
------------------------------------------------------
First one shot ko hehe! THANKS MUCH sa nag read!\^o^/
YOU ARE READING
Premonition | One Shot
FantasyKakayahan na makita ang hinaharap? Biyaya o Disgrasya?