***Nilapitan ko kaagad yung bintana para tingnan kung nasaan talaga yung babae, sa pag lapit ko ay bigla akong pinigilan ng isang pulis.
"Miss, teka bawal po kayo dito sa loob."
Sabi nung pulis."Pero may titignan lang ako sa bintana."
Sabit ko sa pulis."Pero bawal po talaga miss, doon ka nalang sa labas mag hintay."
"Pero...."
"Bawal po talaga, sumusunod lang kami sa utos."
Sulpot ng isa pang pulis.Wala naman akong magagawa kundi sundin yung mga pulis. Hay nako. At sa pag baba ko sa hagdanan ay nagulat nalang ako na may biglang sumabog na parang bomba, nag mamadali ako lumabas ng hospital para tingnan kung nasaan parte ang sumabog. "Teka, malapit yun sa school namin ah." Nag alala ako bigla baka may madamay pang ibang tao. "Nasaan na kaya si Jim." Nag alala ako tuloy sa kanya dahil baka isa siya sa madamay doon.
Nag mamadali ako pumunta sa school para tingnan kung ano yung sumabog. Habang lumalakad ako ay may nakita akong bushes, gumagalaw mag isa ang mga bushes. Bigla akong may na ramdamang takot dahil sa nakita ko. Agad kong nilapitan para tingnan kung anong meron.
"Hampaslupang kabute !!"
Napa sigaw ako ng malakas dahil may biglang lumabas sa mga bushes.
"Meow"
"Huh, i-isa lang pa-palang pusa, hayst, akala ko kung ano na." Pero nag tataka lang ako dahil parang pamilyar yung pusa. "Teka, siya nga, siya yung pusa na nakita ko kanina sa school."
"Meow"
Umalis na yung pusa, pero parang gusto ko siyang sundan, kaya boom, sinundan ko nga. Hanggang na pad pad ako ulit sa may malaking puno, at nakita ko ulit yung babae sa may puno, "Teka, psst ikaw babae." Nakatalikod siya. Nilapitan ko kaagad siya, "Uy, i-ikaw, anong ginagawa mo di........" Napatigil ako sa pag sasalita at nagulat ako dahil may biglang lumabas na espada sa kamay niya at itinutok niya saakin. Pero papaano niya napalabas yung espada, hindi kaya, My Gash, sana hindi ko pa katapusan.
"I-ik-Ikaw."
Sabi niya saakin na mukhang may galit saakin."A-ako?."
Lalo niyang nilapitan at itinutok yung espada niya saakin.
"Uh.... Huh?."
Nag tataka ako dahil bigla siyang bumaksak sa may lupa.
"Gumising ka, uyy, babae, gumising ka."
Na shock ako bigla dahil may sinabi siyang hindi ko inexpect.
"Uhhhh.......... Pag-pagkain, gusto k-ko ng pagka-kain, gutom na a-ako."
"Ano daw? Pagkain?, walang hiyang tong babae na to, pagkain pala ang hanap niya, saan kaya ako makakahanap ng pagkain.... Ahh.. Ganito, dadalhin ko siya sa dorm at doon ko siya pakainin."

YOU ARE READING
Tokubetsu High (X - Series #1) On-Hold
Fantasy(X - Series #1) || I want to live normally, like the other students, but i can't, because this kind of school makes me weak, and the only way to survive this is to become strong.|| -Jan Laxz