Kabanata 22
Again, I'm so sorry for the long wait guys!
Tatay
Kahit na napakalamig ay pinag papawisan pa rin ako, balisa , imbis na magpahinga ay inatupag ko ang sarili ko na maghanap ng maayos na damit para mamaya at maghanap na rin ng mga sasabihin ko kina Lance at Zoe, wala akong ideya sa kahit ano kaya naman hindi ko rin alam kung ano ang tamang ikikilos ko.
Alam kaya nila na nasa iisang hotel lang kami? Ano kayang ginagawa nila ngayon sa baba? Nasa iisang suite ba sila? Subukan ko kaya silang babain? Oh my gosh. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko kaya naman inabala ko nalamang ang sarili ko sa pagaayos.
Isang katok mula kay August ang narinig ko kaya naman pinagbuksan ko siya.
"Are you ready? Nasa baba na raw sila." sambit niya.
Hindi pa rin siya makatingin sa akin, galit pa rin siya. Hays.
"Ahm, yes I'm ready. Let's go?" sagot ko.
Tumango lamang siya, tinalikuran na ako at nagsimula nang maglakad palabas. Kahit medyo dinadalaw na ako ng antok ay hindi nagpatinag ang pagwawala ng puso ko habang bumababa kami patungo sa lobby.
I'm wearing simple plain pink tshirt partnered with my shorts. Nakatali ang aking buhok at cellphone lang ang dala dala ko. Hindi naman nakakahiya ang suot ko dahil halos lahat naman ng mga nakakasulubong namin ay ganoon rin ang suot. Mas nauuna sa akin si August kaya natatakpan ng kanyang malapad na likod ang harapan ko, rumarami na ang tao sa paligid at naamoy ko na rin ang bango ng mga pagkain.
Halos mauntog ako sa likuran ni August ng huminto siya at pumunta sa aking gilid, sa aking harapan ay tumambad sa akin sina Dale, Zoe at Lance, napapagitnaan nila si Zoe na parang hindi naman gulat sa mga nangyayari. Lance is busy watching August's arm na nilalaro bang aking bewang.
"Sorry we're late." Sambit ni August. Malamig iyon at pinal, walang nagtangkang magsalita, kahit si Zoe.
"Sit." Halos makiliti ako ng labi ni August sa kanyang pagbulong.
Anong ginagawa niya! My gosh.
Tumikhim si Lance ng makita iyon,hindi matanggal ang kanyang titig sa akin, kahit pa isa isa nang dumating ang aming mga pagkain.
Sinulyapan ko si Zoe, she smiled at me, kaya naman sinuklian ko iyon. She is wearing oversized shirt at sa tingin ko ay naka leggings siya. Ngayon ko lamang na pagtanto ang pananaba niya, dahil na rin siguro sa kanyang buhok na lalong umiksi ngayon. Bumagay sa kanya ang kanyang katawan, hindi na iyon kagaya ng dati na sobrang payat.
Sa aking pagtitig sa kanya ay naramdaman ko muli ang kamay ni August na aking likuran naman ang pinaglalaruan. Hindi ko man tignan ang tatlong nasa harapan namin at alam ko ang kanilang reaksyon dahil sa nakikita.
Nilingon ko siya pero diretso lamang ang titig niya kay Lance, na kinukuha ngayon ang kamay ni Zoe. Sumulyap ako sakanila pero saglit lang, ayokong intindihin ang ipinapahiwatig nila sa akin.
Sila ba?
"Let's eat?" Masayang tinig ni Dale ang nagpagising sa aming apat. Binitawan ako ni August at ganoon rin ang ginawa ni Lance kay Zoe.
Walang imikan habang kumakain. Subukan ko mang magsalita at walang lumalabas sa aking bibig.
Napansin ko ang paninitig ni Zoe kaya naman nilingon ko siya, hindi siya kumain kahit kaunti, tanging strawberry shake lang ang kanyang pinapansin.
"Tyra, can we talk?" Mabilis na nagsilingon ang tatlong lalaki sa amin. Hindi ko maintindihan kung bakit ang talim talim ng titig ni Dale kay Zoe.
What is really happening??
Bakit sa palagay ko ay wala akong alam?
"Sure, Tara? " isang ngiting ngayon ko nalang muli nakita ang iginawad niya sa akin at sabay kaming tumayo at nagpaalam para lumabas sandali.
Tama nga, She is wearing leggings.
Isang malawak na balcony ang pinuntahan namin, sa harapan noon ay kitang kita ko ang mga ilaw ng mga nagtataasang iprastraktura. Napaka relaxing sa mata at napakaganda. Singapore really have that six sigma huh?
"How are you?" Panimula ko habang nakatoon pa rin sa city lights.
"I'm very fine, I'm pregnant." Halos hindi ko marinig ang kanyang huling sinabi. Nilingon ko siya at hindi nagpapigil ang mga luhang inipon ko pa kagabi.
Shit. Nananaginip ba ko?
"Please Tyra listen to m-"
"No!" Tinaas ko ang aking mga kamay para pigilan siyang magsalita, lumalandas na rin ang mga luha niya.
Nilalapitan niya ako pero lumalayo ako sakanya.
"Congratulations! I'm happy for you!" Pinalis ko ang luha ko at mapait na ngumiti.
Iling lamang siya ng iling habang umiiyak pa rin. Isang tingin sa kanyang tiyan, hindi man iyon mapansin dahil sa kanyang oversized shirt pero ramdam ko na may buhay na nakapaloob roon, isa pang ngiti at saka ko siya tinalikuran at nagmadaling pumanhik sa kwarto.
Don't worry baby, I'm not going to bother your dad again. You can have him now, you and your mom. You can have a complete and happy family and starting from now, I will not going to be a burden to you guys.
Fuck.
Kaya pala nananaba siya, kaya pala. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdan ko. Gusto ko lang sampalin ngayon si Lance at suntukin pero narito ako ngayon sa aking kwarto at hindi pinagbubuksan ang kung sinuman na kanina pa kumakatok.
I'm dead, my heart is dead. And it is because of my love for him and for my best friend lalo na sa kanilang magiging baby.
Bakit ganon Lance. Nung nakaraan lang, masaya ka pa sa akin ha? Sabi mo pa hindi mo ko kayang pakawalan, Bakit ngayon? Magiging tatay kana? At sa anak ng best friend ko pa talaga?
Tangina ka.
