insights..

69 0 1
                                    

Recently…

Bihira na lang yung babaeng mamahalin ka ng totoo. Yung hindi niya kino-consider ang pisikal mong kaanyuan para maging batayan ng tunay na pagmamahal. Di ba ang saya nun? Hindi lang sa mga lalake kundi mas lalo na sa mga babae. Hindi naman sila naghahanap ng masyadong gwapo di ba? Kelangan lang nila yung maalaga, mapagmahal, malinis at iba pa… lalo na yung lalakeng hindi gagawing ‘taken-for-granted’ yung babae. Masyadong mapanghusga ang tao. Nakakita lang ng isang lalakeng may kasamang magandang girlfriend, eh mag-iisip na ng kung anu-ano. “ginayuma ata” o kaya naman, “baka kasi mayaman.” Mali ho yun. Huwag tayong mag-iisip ng ganyan. Porket hindi mo sinabi eh wala ka ng kasalanan… meron pa rin, inisip mo eh. Bakit, alam mo ba ang tunay na rason kung bakit sila mag-partner? Hindi naman diba. Pinatunayan lang ng ilan na hindi ibig sabihin na ang maganda ay para sa gwapo lang. Ang itsura, lilipas yan… lahat magkukulubot pagtanda. Tandaan mo yan.

Minsan, naririnig kong problema ng mga lalake yung ka-torpehan. Natatakot silang masaktan, ayaw nilang sabihin ang tunay nilang nararamdaman dahil merong isang bagay na humahadlang. Acutally dalawa, kahirapan at tsaka yung pisikal na anyo. Yung unang rason, madali lang naman yung maintindhan, kahit nga yung pangalawa. Pero let’s be specific pagdating sa kaanyuan. Narito yung pimples o taghiyawat. Maraming lalake o binata ang takot o hindi nakakapagtapat dahil dito. Naging mahiyain sila at ayaw na nilang makihalubilo pa. Ang payo ko sa kanila, “Actually, magandang radar yan. Alam niyo kung bakit? Kasi sa pamamagitan ng pinoproblema niyong pimples, nalalaman ninyo kung sino ang mga totoong tao. Hindi yung, gwapo ka nga pero dahil lang dun kaya ka nilalapitan. Mas mapalad ang ganito, dahil malalaman niyo kung sino ang magmamahal sainyo ng totoo.”

Boys, disiplina lang ang kailangan. Maghilamos tayo at least twice a day. Oo, meron din ako. Di kayo nag-iisa. Haha.

Kadalasan, naaapi ang mga babaeng masyadong mahiyain. Marami akong kakilala na ganyan. I’m nice to them when they’re nice to me, Kaya sana paminsan-minsan, matuto tayong palakasin ang loob ng ibang tao… hindi yung puro sarili ang iniisip. Oo, tayo ang bida ng ating buhay pero minsan, kelangan rin nating gumanap ng ibang role tulad ng ‘supporting actor’ diba? Get the point? Helping others is like helping yourself because SELF and OTHERS means the same.

 Pero hindi rin maiiwasan sa lipunan yung babaeng (sorry for saying this, ha) hindi na nga gaanong kagandahan, eh ang sama pa ng ugali. Pero kahit ganun pa man, mali pa rin ang manghusga. Hindi natin alam ang dahilan kung bakit siya ganon, kung bakit hindi kanais-nais ang ugali niya. Baka may sakit siya o may mabigat na problema. Kaya iwasan ang manghusga, ha?

Basically, puro problema to ng mga taong pinoproblema ang kanilang itsura. Pero, para rin ito sa mga taong ‘feeling’ nila ang gaganda’t pogi nila (yung mga taong, ginagamit na puhunan ang itsura para makapanlait ng iba)… sa kakagawa niyo ng ganun, “you’re not beautiful at all.”

Hep hep hep! Ba’t merong mga taong (sorry for saying this again) hindi gaanong may itsura eh sila pa yung ang hilig manakit. Specifically, relationships. Sila yung mahilig magbreak. Bakit, sa ganong paraan ba naipapakita niyo na gwapo’t magaganda rin kayo? Well, hell no… pinakita niyo kung gaano kayo kapangit – inside and out. Siguro matatanggap pa yung rason na meron kang abnormalities sa pag-iisip mo kaya mo yun nagagawa. Pero dun sa mga taong normal naman. Mas abnormal pa kayo sa mga may sakit na ganyan. K?

Hep hep hep! There may have some violent reactions, right? Gaya ng nabasa kong caption sa isang JPEG:

“masakit raw akong magsalita. Siguro. Pero, naman! Ang kutsilyo, kahit gaano katalim, hindi ka masasaktan kung hindi ka tinatamaan!”

Opo, hindi ito isang story. Insights ko lang to sa paligid ko. Based on my own experiences and others’ life stories shared to me.

----------------------------05----------------------1---AlingLucingSisig---2-----------------29----------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

insights..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon