MY MR. STRANGER (One Shot)

422 25 16
                                    

                “Precious Ruby Joy Fabio! Hey Ate, are you listening? Kanina pa ako kwento nang kwento rito ah!”

                “Ay sistah, sorry ha. Hanggang ngayon hindi pa rin kasi ako makapaniwalang tinupad ni auntie ang pangako niya! So unexpected.”

==========FLASHBACK==========

                “Auntie Celine, kahit yung graduation gift ko na lang is cellphone number ni Monde (pronounce as Mond), yung crush kong inaanak ni Daddy. Kahit yun lang talaga Auntie, masaya na ako.”

                Kausap ko ang pinaka-favorite kong Auntie sa lahat ng mga Auntie ko. I so love her and I’m more open to her compared to my Mom, especially sa ehem…mga kalandian ko.

                I’m not the typical type ng malandi. When I say malandi, it means hindi mabilang sa sampung daliri na mga crush pero ni isa roon ay hindi pa ako na-touch!

                Yes mga readers, NBSB po ako. As in No Boyfriend Since Birth!

                At dahil nga kaka-graduate ko lang ng high school, ayos lang namang mag-level up ako diba. I mean, makipag-friends lang for the first time sa crush ko. Mukha namang hindi ako mahihirapan this time dahil ang pinupuntirya ko ay ang aking minamahal na kinakapatid. *evil laugh*

                “O sige. Tutal naman hanggang bukas pa ang bakasyon niyo rito sa Tagaytay, I promise you. Makakauwi ka ng Pampanga with Monde’s number in your contacts.”

                “Yes! Promise yan Auntie Celine ha! Aasahan ko talaga yan nang bonggang-bongga! Aasahan ko yan!” Imagine me saying that with my eyes twinkling!

                Kinabukasan nga, shopping galore ako with my cousins. Teary eyes pa ako pagsapit ng gabi kasi nga tapos na ang 5-day vacation namin dito sa Tagaytay.

                Bago kami tuluyang umalis, hinila muna ako ni Auntie Celine malayo kina Mom and Dad. Kinuha niya ang cellphone ko saglit and then binalik din naman sa ‘kin. Ako naman, nagtataka kung bakit ganun na lang ka-wide ang ngiti ni Auntie.

                “Good-bye Precious. Ingat sa biyahe ha. That’s my graduation gift. I love you.”

                That’s my graduation gift. I love you.

                That’s my graduation gift. I love you.

                That’s my graduation gift. I love you.

                That’s my graduation gift. I love you.

==========END OF FLASHBACK==========

                “Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!! Naman eh sis. Nakakakilig pa rin hanggang ngayon eh!” Inaalog-alog ko na ang mga braso nitong si Tracy sa sobrang kilig.

                *toinks*

                “Aray ko ha Tracy! Bakit mo naman ako binatukan? Tandaan mo, mas matanda pa rin ako sa ‘yo ha!” Masakit yun ha! Kahit kailan talaga, ang sadista nitong kapatid ko.

                “Loka-loka ka kasi Ate! Tatlong linggo nang nasa ‘yo ‘yang number ni Monde pero hanggang ngayon hindi mo pa rin tinetext. At tatlong linggo mo na ring paulit-ulit na kinukwento ang flashback mo samantalang nandun din ako nang mangyari yun! Malala ka pa sa sirang plaka eh!”

MY MR. STRANGER (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon