A/N: hello po, first time ko pong magsulat dito ng story...um, subok lang, testing lang! XD
kung matitripan nyo pong basahin at magugustuhan nyo din, please vote and comment.
hehe...thank you!
“Why, do you always do this to me?
Why, couldn’t you just see it through me?
How come, you act like this
Like you just don’t care at all “
For the nth time, cool-off na naman kami. Halos 1 week na rin simula nung nakipagcool-off saken si Jasper. Oo, sya ang nakipagcool-off saken, lagi naman! >.< At hanggang ngayon, di pa rin sya nagpaparamdam. Namimiss ko na sya. Ni hindi man lang nya ako kinumusta nung may sakit ako nung isang araw. Dahil ba hindi kami okay ngayon, wala na syang paki-alam sa akin? :( Di ko alam kung bakit hindi magwork nang maayos itong relationship namin. Di ko rin sya maintindihan. Ok naman kami pag minsan eh. Hayst! Napakabipolar nya. Ako na lang din lagi ang nakikipag-ayos kahit alam kong sya naman ang may kasalanan. Pero ok lang, mahal ko sya eh. At least, cool-off lang, hindi break. Di ko ata kakayanin kapag nag-break kami. :(
*bzzzzzt bzzzzzt*
Nagulat ako sa pagvivibrate ng phone ko.
May tumatawag, pag silip ko…
Boypi <3 calling…
Napangiti agad ako, eto na…makikipag-ayos na sya saken. Di na kami cool-off :)
Dali-dali kong sinagot ang tawag nya.
“Hello” masayang sabi ko.
“Corrine, let’s talk. Meet me at the park. Papunta na ko dun. Hintayin na lang kita. Bye.” Dire-diretso nyang sabi sabay end ng call.
Grabe! Di man lang ako pinagsalita.
Kinabahan agad ako, ang seryoso ng boses nya.
Parang ayokong pumunta sa park pero ang sabi nya hihintayin daw nya ako. *sigh*
This is it. Kadadating ko lang sa park. Inilibot ko ang tingin sa paligid at nakita ko syang nakaupo sa may bench. Dahan dahan akong lumakad palapit sa kanya.
“hey” bati ko sa kanya.
Nilingon nya ako, di sya nagsasalita. Seryoso lang ang mukha nya.
Lumunok ako ng laway at nagsalita ulit.
“anong pag-uusapan natin?”
Tumayo siya, tinitigan nya ko.
“di na ako magpapaligoy-ligoy pa. I’m breaking up with you, Corrine” sabi nya sabay iwas nang tingin sa akin.
Di ako magalaw sa narinig ko, nag-uunahan na ring tumulo ang mga luha ko.
“B—b—akit?” tanung ko
“hindi kita mahal…” sabi nya na di pa rin tumitingin sa akin.
Humagulhol na ako sa pag-iyak. Halos di na ako makahinga. ANG SAKIT! SOBRA! “hindi kita mahal” ang sinabi nya instead of “ hindi na kita mahal” </3 ibig sabihin, kahit kailan di nya ko minahal? Pero bakit iba ang sinasabi ng puso ko? Bakit pakiramdam ko mahal naman nya ako?
Bakit hindi nya ako matingnan sa mata nung sinabi nyang di nya ako mahal?
Nagulat na lang ako nang niyakap nya ako at bumulong sa tenga ko…