Chapter 6 - Is This Love?

99 1 0
                                    

Nawala na lahat ng connections naming dalawa ni Justin, simula nung nalaman ko na nililigawan niya yung 2nd year na si Kim Ayala sinubukan ko nang lumayo sa kaniya. Siguro tama na rin yun, pag mahal mo kasi yung tao dapat pakawalan mo lalo na kung di ka naman niya mahal. Napagisip isip ko rin na bata pa ako, unahin ko muna ang pagaaral lalo na at consistent top 1 ako sa klase namin. Kapag naaalala ko naman siya nakikinig na lang ako ng music o kaya nakikipagusap sa telepono sa mga classmates ko kadalasan kay Mimi.

[September 2008]

Isang araw, nag-ayaan ang mga classmates kong manuod daw kami sa mga varsity at trainees dun sa basketball. "Diba nagpa-practice din yung mga members ng pep squad para sa inter-school competition ng cheerdance?" "Yup" "Sige, punta tayo.." usapan ng mga classmates kong babae, kami kami kasi ang magkakasama pag recess, lunch o kahit sa uwian "Okay! Lets go girls.." sigaw ni Mimi sabay tingin sa akin, "Okay lang?" tanong niya kasi alam ni Mimi yung sa amin ni Justin, na close kami tas bigla nawala na lang lahat. "Yeah" sabay ngiti ako. Kaya nagayos na lahat, "CR muna tayo girls.." aya ni Mimi "Mauna na kayo may ilalagay lang ako sa locker, dumiretso na kayo ng sa gym.." sabi ko "Okay, come on now!" sigaw ni Mimi. Pumunta nga ako ng locker at nagayos ng mga gamit. Bigla ko lang naisip, makikita ko pala siya pag nagkataon kung nagpa-practice pa sila. "Move on?" mahinang bulong ko sa sarili sabay lakad na papuntang gymnasium..

Habang papunta sa gym, kinakabahan ako parang mas higit pa sa nerbyos na naramdaman ko nung first day of school. Biglang pumasok sa isip ko si Justin, may nililigawan na siya, naalala ko rin yung Kim na sobrang sama ng tingin sa akin nung huli kong makita ang grupo nila. Maya maya pa nakarating na ko sa gym, rinig na rinig yung music ng mga nagpapractice ng pep squad. Mukhang walang practice varsity kaya gumaan bigla yung pakiramdam ko kasi di ko siya makikita, papasok na sana ako nung bigla kong makita yung grupo nung mga sophomore, sila Kim Ayala. Di ko na sila pinansin pero "Oh!" sabi nung isa "Hey, hey, hey.." sabi naman ng isa pa sabay harang sa akin "Bawal ang nerd dito" sabi ni Kim. Ilang segundo ang tinagal ng pagharang ansama ng tingin nilang lahat sa akin, kaya hinanap ko agad kung nasaan yung mga classmates ko pero di ko mahagilap kaya umalis na lang ako. Nakapamewang pa sila habang tinitignan akong lumayo sa gym.

Habang naglalakad papuntang gate ng school para umuwi na lang, nakita ko si Erol na may kasamang mga lalaki at mukhang yung iba is from the group na kasama rin ni Justin. Siguro varsity din, di ko na lang siya pinansin kasi medyo malayo sila pero mukhang nakita niya ko "Alexa!" sigaw niya kaya tumigil ako sa paglakad at hinintay na makalapit siya sa akin "Oh, bakit?" sabi ko "Wala lang, halika papakilala kita sa kuya ko" sinenyasan niya yung mga kasama niya tapos lumapit yung isa, siguro yun yung kuya niya "Hey.." bati ng lumapit na lalaki "Kuya, si Alexa." pakilala ni Erol sa kuya niya sa akin "Alexa, kuya ko 4th year na yan and member ng varsity siya yung captain nila" kinamayan ko yung kuya niya "Hi, Im Francis" sabi niya "Sige po, Erol mauna na ko" sabi ko sa dalawa. "Nice meeting you po" sabi ko sabay lakad na..

[October 2008]

After some weeks, nanatili sa pagiging normal ang hig school life ko. Yung kalungkutan nawala na, o sabihin na nating nasanay na ako. Buti na lang andiyan yung mga classmates ko na itinuturing ko na ring mga kaibigan. Dumating na ang araw ng inter-school competition. 1 week walang pasok dahil ang school ang naging host for the said event. Pwede namang hindi pumunta o kaya lumabas ng premises ng school kaya pumupunta kami ng mga classmates ko sa SM pag lunch na. Buti na lang trainee pa lang siya, so di ko siya nakita ngayong linggo. Bale siyam na school ang kasali sa inter-school competition. 

Nanalo ang basketball team ng school namin aat anging champion, naging 1st place naman ang volleyball team at ang pep squad, champion din! Kaya nagkaroon ng party ang mga students ng juniors at seniors. Ginanap ang party sa isa sa mga bahay ng isa sa mga varisty sa village nila Erol . Akala ko bawal ang mga lower years pero inimbitahan ako ni Erol, pwede daw kasi yung kuya niya ang nagsabi.

Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon