Hello. First time ko pong gumawa ng one shot na story. Sana po magustuhan ninyo.
Magcomment po sana kayo or mag-vote or mag-fan pagkatapos nyo po basahin.
Kahit comment lang po masaya na ako. Salamat.
Happy Reading! ^___^
.....................................................
Manong para po! sabi ko.
Mabilis akong naglakad papasok ng gate ng school.
Ding dong ding dong... Ding dong ding dong!
Naku patay! Late na ako! Takbo! sabi ko.
June 13, 2012 ngayong araw na ito.
Pasukan nanaman.
Tapos na ang masayang bakasyon kahit maghapon lang naman akong nakahilata sa kama at nagcocomputer. Masaya na ako dun.
Pero mas masaya ako ngayon kasi makikita ko na ulit ang crush ko! Ayii.!
Ako nga pala si Jasztine Amber Marasigan. JAM for short. 15 years old at kasalukuyang nasa ika tatlong baitang ng mataas na paaralan. Ako ay sporty, medyo may katangkadan at kwela kaya kapag nagjoke ako tumatawa ang mga kaklase ko. Pero pagdating kay crush, natatameme ako.
Jay Bryan Castillo ang pangalan ng crush ko. Matangkad sya at tahimik. Total opposite ko. Naging kaklase ko sya nung 1st year kami. Pero nung second year magkaiba ang section namin. Kaya nung i-post ng school ang sectioning namin ngayong 3rd year, excited na excited ako kasi gusto ko ulit syang maging kaklase. At eto na nga magkaklase kami.
Patay late na nga ako, nandito na teacher namin. Nakapag ayos na sila ng seating arrangement.
Tok tok tok!.
Good morning ma'am sorry for being late. Sabi ko.
Dahil late ka at matangkad ka din naman. Dun ka mauupo sa kalikod likuran na upuan sa may bandang kanan. Sabi ni mam.
Agad din naman akong naupo sa pwestong kanyang sinabi.
Napansin ko na may isa pang bakanteng upuan. Sa kalikod likuran din sa may kaliwa naman, malapit ito sa pintuan. Kaya lang may kumatok ulit.
Tok tok tok.
Tapos may pumasok.
Si JB my crush!
Mam sorry po late ako, trapik po kasi. sabi ni JB.
Sayang, kung hindi pala ako tumakbo kanina, magkakasabay sana kami. Tsk!
Osige pumasok ka na at maupo ka na dyan sa nag-iisang bakanteng upuan. Sabi ni Mam.
Ang layo ko naman sa kanya. Sa kabilang dulo pa. Haay.
.........................................
Recess Time..
Naguusap kaming tatlo ng mga kabarkada ko habang papuntang canteen.
Jam! Bakit late ka kanina? tanong ni Jayzelle.
Tinanghali kasi ako ng gising. Nasa panaginip ko kasi si JB. Yiiii! Kinikillig ako basta maalala ko yun. kwento ko sa kanila.
Ay nako. JB nanaman. Dalwang taon ko nang naririnig ang pangalan na yun sayo. Kung magtapat ka na kaya sa kanya/ Yaya ni Ella.
Ano? Ako magtatapat? Nakakahiya kaya. Saka dalagang pilipina toh noh. Lalaki dapat ang mauna. Pagtatanggol ko sa sarilli ko.
BINABASA MO ANG
5 Steps [One Shot]
Teen FictionPaano kung meron kang crush pero nag-aalinlangan ka sabihin yung nararamdaman mo para sa kanya. Anong gagawin mo? Ang alamin kung may gusto din sya sayo?