A Christian's lovestory

324 7 2
                                    

waaahh!!!

booogggssshhhh!!

aray ko. ano ba naman yan . ang saya na sana may nakabungo pa ko, naka-upo ako ngayon sa sahig ng isang mall sa unknown place , haha ang gulo noh? ganito kasi yon

Flashback..

Papunta kami sa Baguio para umattend ng Youth Camp. Sama-sama kaming mga youth ng ___________ Christian MinisTries inc. sa isang bus kaso ng malapit na kami sa mall kung nasaan kami ngayon ay hininto ang bus at binigyan kami ng task bilang pag-uumpisa ng Camp at ang task namin ay hanapin ang tour guide na pinapahanap samin sabi ng bus driver naka-orange daw sya , lalaki, maputi , gwapo, matangkad , medyo singkit , matangos ang ilong at may baller na I am a tour guide. grabe si manong noh? kilalang kilala yung tour guide namin ayos din yung pagkadescribe nya .

pagkababa namin ng bus

Ate Laine:(sya ang bus leader namin) ok maghiwa-hiwalay tayo ah . kita na lang tayo sa parking lot after 30 mins. dun sa harap ng bus ok? . GO!

kaya ayun dahil nga masunuring bata ako sumunod ako sa maraming tao . hoho . ayokong mag-isa noh! kaya lang naalala ko naiwan ko pala yung bag ko sa bus andun yung pera ,camera at phone ko kaya ayun napagpasyahan kong bumalik muna tutal dito din naman kami magkikita after 30 mins ea . Kaya lang syempre ako na lang mag-isa wala akong kasama . pumasok na ko sa mall hindi ko na tinignan yung name ng mall basta nag-ikot ikot na lang ako may nakita akong stall ng Zagu kaya ayun bumili muna ko cookies n cream syempre favorite ko yun ea! . tapos nakita ko yung bestfriend ko si Malign kaya tumakbo ko para habulin sya kaso ayun na nga may nakabunggo ako at yun na nga ang nangyari

back to reality--

ok so ayun na nga may nabunggo ako at ngayon ay pinagtitinginan pa ng mga tao dito nakakahiya! buti na lang talaga tinulungan ako ng isang guy na naka-orange , maputi, gwapo , matangkad, medyo singkit, matangos ang ilong at naka baller na I am a tour guide and mukhang kasing edad ko lang din sya ea . and halong saya , hiya , lungkot at kaba ang naramdaman ko . bakit?. masaya kasi nakita ko na ung tour guide namin kahit ako lang mag-isa kasi nga dba ung pagkadescribe ni manong kanina dun sa tour guide namin ganun na ganun ung guy na nagtayo sakin ngayon. Hiya, sino ba namang hindi mahihiya dba nabunggo mo na nga tinayo kapa at sya pa ang tour guide namin ibig sabihin ay ... sya ang sasama samin buong camp! . lungkot? kasi naman natapon yung favorie kong Zagu:( . at kaba dahil hanggang ngayon ay pinagtitinginan pa ko ng mga tao buti na lang talaga at wala akong kakilala dito! hay nko! .

Me: "uhmmm . I'm sorry! ^_^\/(with peace sign pa ha) hindi ko po sinasadya and thank you po"

(reaction nya? -__-hay ang sungit din pla nitong Mr.TourGuide na to .)at dahil hindi ko na alam gagawin ko habang nakatingin yung mga tao dito hinila ko na lang si Mr.TourGuide papunta dun sa may C.R kasi walang masyadong tao dun . kahit na anong anggal pa ang gawin nya wala akong paki-alam noh! . bahala na . hha

Mr.TourGuide:"ano bang ginagawa mo ha!?

(ooppsss... nagalit?)

Me:"ahh... sorry ah kasi napansin ko ikaw yung tour guide namin ea. pasensya na kanina ah nakakahiya kasi ea"(tapos yuko, pero kinakabahan na ko nyan ah ang lakas ng tibok ng puso ko tignan ka ba naman nitong lalaking to na nanlilisik ang mata hindi ka kakabahan?). "ikaw ba yung tour guide namin?"

Mr.TourGuide:"oo. dalian mo nga sabihin mo na kung asan yung bus niyo para hindi na ko mag-aksaya ng panahon sayo-_-"

hayyy... ang sungit talaga nitong lalaking to! anong problema nya?. sorry naman noh hindi ko naman kasi sinasadya na mabunggo sya ah!. pero ano pa nga bang magagawa ko? kaya ayun naglakad na ko papunta sa bus hindi ko na sya tinignan baka ano pang sabihin nun ay oo nga pala hindi nyo pa ako kilala haha

A Christian's lovestoryWhere stories live. Discover now