Book 2 Chapter 2-B

285 10 0
                                    

My first kiss went a little like this --B

Leslie POV

Ang harot nung dalawa. Kaya pala umuuga ung lamesa eh. Kala ko naman sila jia at stef un pala ung katabi ko lang! hay nako.

Nandito kami sa mababang part nung pool. Sa 3 ft kami. Nandito si ken eh. Nilalaro namin. Si dexter nakiupo samin. Sa totoo lang alam ko kung bakit ganun siya kay pinsan. I can sense Dexter at wag kayo! Nagkaron na ko ngayon ng kapatid na lalaki. Hahahaha. Close agad namin ni Dex eh

"tignan mo ate mo dun. Nagpatihulog sa pool" sabi ni Alvin kay dex. Liningon naman namin. At ayun nga nagpatihulog nga

"bayaan mo yan. May kalokohan nanaman yan" dex

"pano mo naman nasabi?" tanong ko habang nakatingin pa rin dun inaabangan ko gagawin ni jade eh.

"seven feet na pool ung puwesto niya at jan sa pwestong yan ang hilig niya"

"hah? Di ko magets" sabi ni jia

"kuya sisigaw si ate diba?" tanong ni ken kay Dex

"oo. Apir tayo tama ka"

Sisigaw? Anong isisigaw niyan? Darna? Captain barbell? Kristala?

"tuloooooooooooong" sumigaw na nga tapos parang nalulunod. Ung dexter na toh naman parang walang paki

"hoy! Tulungan mo kaya!" sigaw ni stef kay tj

Kaya si pinsan halatang ayaw mabasa ayun tumalon pa rin at pumunta kay Jade

"see? Hay na ko. kung pwede ko lang sakalin yang si ate kahapon ko pa nagawa" iritang sabi ni Dexter

"hahahaha. Mahal na mahal mo ate mo" miko

"naman!"

"Pero dude wag ka mag-alala bantay sarado naming lima yan. Lalo na nung KUYA TJ mo" jiro

Sinamaan ni Dex ng tingin si Jiro tapos biglang nagwrestling ung boys. Ahahhaha. Natutuwa naman ako kay Dex. Ngayon lang ako nakakilala ng tao na ganyan. Ung mahal na mahal ung ate niya. Di kasi kami ganun ka-close ni ate eh. Tapos si tj naman kasi walang kapatid. Tamad sila tita Frances -_____-

"bruha parang ang tagal naman nung dalwang umahon?" tanong ni Stef

"malay mo nagkiss na sa ilalim" jia

"loko. Sa tingin mo? Kaso parang imposible naman un?"

"ate Lelsie! Walang imposible sa dalawang un" saka nag pout si ken

"at pano mo naman nasabi bata?"

"eh kasi si kuya at ate laging nagmumuntik magkiss yan" saka binasa si stef

"ayyy. Binasa mo nanaman buhok ko oh" stef

"hahaha. Wet look! Para naman mapansin ka ni Alvin! Diba ken" saka sila nag appear ni jia

"ken. Sa tingin mo nagkiss un?"

"oo nga. Amkulit mo ate. Pustahan pa tayo!"

"wait lang. Ilang taon ka na?" tanong ko. di ko talaga lubusang maisip eh

"five!" tapos nagtaas sya ng kamay na sinasabing five nga siya

"eh ba't ganyan ka mag-isip?"

"kasi nga. Hiihihih." Binasa ako O__O "gawapo ako!"

Nagiging tj the second na si keeeeeeeeeeeeeen!!!!

Tyrone POV

Alam kong nauubusan na siya ng hangin. Niyugyog na ko eh. Samantalang ako ang dami pa ng hangin sa katawan. Kaya naman...

My lips met hers. Di naman siya pumalag eh. Pumikit pa nga. Edi hanggang mamaya kami dito. Hanggang maubusan na ko ng hangin ^_^

Tama nga ako. Ang lambot ng lips niya. Edi siya na. after 5 minutes? Ewan basta matagal ang bilang ko lang five minutes. Inahon ko siya pero magkadikit pa rin lips namin.

"eheem" panira ka dexter!!! "did I gave you permission to kiss her?" tinignan lang namin ni deyna tapos tong si deyna bigla naman akong hinalikan saka lumangoy palayo "hoy"

"ano nanaman?" tingin ko sakanya. Hinagisan na pala ako ni les ng salbabida

"mahal mo si ate?" a-ano? "oh bakit parang nagulat ka?"

"a-ano anong pinagsasabi mo ha?"

"a kiss is just a kiss until you do it with someone you love" saka ngumiti

"alam mo weird ka"

"mas weird naman siguro si ate diba? Bigla kang hinalikan tapos umalis"

"inggit ka?"

"di rin. naunahan ko pa nga un eh"

"naunahan saan? Wag mong sabihin may nahalikan kana?"

"oo bakit? Hahahaha. Slow ka gumalaw alam mo un?" aba't ginaganun na niya ko ngayon?

"alam mo di ko maintindihan utak mo"

"okay na ko sa'yo."

"bati na tayo? Hahaha. Ano nakain mo?"

"sagutin mo muna tanong ko. mahal mo ba si ate?"

"pag-oo ano gagawin mo?"

"edi goodluck! Dapat ikaw na una't huli ah" saka umalis.

Alam niyo ung weird? Si Dexter un. Pero okay na raw siya sakin kaya ako na, ako na Masaya.

Agent Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon