TANGA

20 0 3
                                    

I always wanted to know how are you? Why do I have to yearn on something I cannot have? 

Tama na.

Limang taon na ang nakakaraan simula ng umibig ako sayo. Mga panahong wala akong kadala-dala. Walang ibang iniisip kundi ikaw.  Isang hangal na umiibig sa taong di naman ako mahal. 


Nakakatuwa mang isipin ngunit sa limang taong nagdaan ikaw pa rin. Ikaw yung nag-iisang taong gusto ko, na mahal ko. Sa isang pagtatagpo lang nati'y tila ba bahaghari sa aking paningin. Di mo man batid pero heto pa rin ako, nakakulong sa kahapon. Alam kong wala na. Alam kong dapat bumitiw na ako. Papaano nga ba? 


Hindi ko makita ang sarili ko sa iba. Nais kong ibaling ang aking sarili sa mga bagay na nagpapalimot sayo, pero hindi. Tanga nga naman talaga itong babaeng to.  Sayang nga lang. Tayo'y ipinagtagpo ngunit hindi itinadhana. May iba ka nang mahal, alam ko yun. Di naman kita masisisi sapagkat wala akong halaga sayo.  Masakit mang sabihin but "you're too good for me".  Wala akong inaasam kundi ang kaligayahan mo. Pero alam mo yung feeling na gusto pa rin kitang makita? Makasama? Pasensya na, gusto ko pang masaktan eh. Gusto ko ng ganitong pakiramdam. 


Hindi ko man lang alam ang gagawin pag andyan ka, parang blanko nalang palagi yung utak ko. Heto ka namang manhid, ay ewan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FIRST TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon