Prologue

656 11 6
                                    

"Bayad po!"

"Bayad!"

"Miss, makikisuyo naman oh!" hayst! eto mahirap kapag nasa likod ka ng driver e! sa ganda kong to ginawa lang nila kong taga-abot ng bayad nila. Mga leche sila! Hmp.. at dahil maganda ako at may busilak na kalooban inabot ko parin ang bayad ni ate. Stress na nga sa trabaho stress pa sa pagco'commute!

Buti nalang nakakatanggal ng pagod tong si Kuyang pogi na yummy pa na nasa harapan ko! pasimple akong sumilip sa kanyang mukha. Grabe! makalaglag panty talaga ang kanyang kagwapuhan! 'to namang si ateng na katabi nya di mo alam kung kinikilig o natatae e. Pero balik tayo kay pogi.. so yun nga.. ang pogi pogi nya medyo magulo ang kanyang buhok at makapal kapal din ang kanyang kilay, matangos ang ilong at may masarap-- este manipis na labi. mukha syang yayamanin dahil ang bango bango nya! pero bakit kaya sya nakasakay lang sa jeep? nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa harapan nang bigla syang humarap sakin at.. ngumiti? Oo! nakangiti sya sakin! Oh Sh*t! is this happening?! Ngiti palang nya nakakabuntis na! teka.. teka.. ano ba yang pinag-iisip ko nahahawa na ata ako sa kaberdehan ng pinsan ko. tsk!

"Bayad miss?" Nagising ako sa aking pag-iisip ng magsalita sya at doon ko narealize na nakatitig na pala ko sa kanya.. Maygahd! nakakahiya!

Tinignan ko ang hawak n'yang isang libong piso.. yayamanin nga si pogi mukhang ngayon nga lang sya sumakay sa jeep dahil pagbayad lang ng pamasahe ay di pa nya alam. so dahil maganda ako at may busilak na kalooban inabot ko ang pera ng may ngiti sa aking mapupula at matatamis na labi.. Wait? kelan pako naging makata? hayst! kakaiba talaga tong si pogi!

Inabot ko ang isang libog-- este isang libong piso kay manong. "Wala ka bang barya dyan sir?" sabi ng driver.
"Just.. keep the change!" sabi naman ni pogi. yayamanin nga! ibinaling ko ang tingin sa harap ng jeep para naman maibsan kahit paano ang kahihiyan ko kanina. at dahil na din sa pagod ay di ko namalayang nakatulog na pala ko.

Nagising akong nakanganga? sh*t! another kahihiyan! nakakainis naman oh! pasimple kong hinawakan ang gilid ng aking mga labi ng maramdaman kong ito'y basa?! inilibot ko ang aking paningin at napansin kong konti nalang ang tao sa Jeep... at para di mapahiya ay buong lakas kong sinabi na

"Grabe! ang init talaga sa pilipinas! pati tuloy labi ko pinagpapawisan!" woooh! di lang ako maganda, brainy pa!

Teka.. wala na si pogi?! kainis naman oh! sayang naman! at bago maghimutok ang aking kalooban ay napansin kong ang layo ko na pala sa ba-babaan ko! sh*t! lumagpas ako! kaya ayoko matulog sa byahe eh! kainis! nakailang mura na ba ko ngayong araw?!

"Para po!" huminto ang sinasakyan ko. Pagkababa ko ay tumawid ako sa kabilang lane at sumakay ulit pabalik! pero this time dito nako sa dulo naka-upo. Tapos na duty ko sa harapan e! mga ilang minuto din ang tinagal ng byahe bago ako ulit bumaba sa brgy namin! Ang Brgy MAUMAY na pinamumunuan ni Brgy captain Sergio Maumay! Dyosko! Nakakaumay!

Nakarating ako sa bahay namin-- ay bahay pala ng tita ko. Wala na kase akong mga magulang at kinupkop lang ako ng tita ko.. at bago pa ko magdrama ay pumasok na ko sa loob ng bahay at nadatnan ko sila sa salas na mukhang aligaga! tsk. ano bang meron?

Tinanong ko si chivas, pinsan ko na kapatid na bunso ni Sofia. nasa sopa sya at Lumalamon na naman!
"Hoy vaschi? anong meron?" inubos nya muna ang laman ng bibig nya bago sya sumagot "Meron po kaseng mangungupan satin ate seksi!" sabi nya. ahhh kaya pala.
"Ah ganon ba?" buti naman at nakahanap na ulit sila tita. Ang paupahan kase ang pinagkakakitaan nila. Dalawa pa kase ang pinag-aaral ni tita si Hennessy ang pangalawang anak nya at si Chivas naman ang bunso. tinanong ko kung bakit ganon ang pangalan ng mga anak nyang lalaki at ang sinagot naman ni tita ay dahil daw lasinggero ang tatay nila. Namatay si tito Raul ng dahil sa alak kaya mag-isa lang na tinaguyod ng tita ko ang kanyang pamilya. napakabait ng tiyahin ko. wala akong masabi sa kanya at sa pamilya nila dahil itinuring nila kong parang tunay na pamilya nila. lalo na si Sofia na panganay ni tita.

Umakyat ako sa taas at pumasok ako sa kwarto ko para magbihis. Nang makapasok ay hinubad ko agad ang suot kong pang-itaas at ang skirt ko. At nang humarap ako ay hindi ko inaasahan ang makikita ko!

Napasinghap ako! tama ba ang nakikita ko?! isang adonis ang nakatalikod sa harapan ko.. at wala syang saplot? Bumaba ang tingin ko papunta sa kanyang mapipintog na pang-upo! D*MN! tila ako naistatwa sa aking kinatatayuan. Bakit di ako makagalaw at makapagsalita? ipinikit ko ang aking mga mata dahil baka isa lang itong guni-guni. Huminga muna ko ng malalim bago dumilat... Nanlaki ang aking mga mata ng mag-iba ang anyo ng kanina lang ay mapipintog na pang-upo. Isa itong mahaba? at mataba? sandali... mula sa galit na baston ay iniangat ko ang aking paningin..

"Aaa--ummp" isang malakas na tili sana ang aking pakakawalan ng tinakpan nya ang aking bibig gamit ang kanyang labi? nanlaki ang aking mga mata at buong lakas ko syang itinulak na naging dahilan upang humilay sya sakin at ng maging malinaw na sa akin ang kanyang itsura ay lalong nanlaki ang aking mga mata!

"i-ikaw?"

"D*mn lips!"

Sabay kindat ni hinayupak sakin! at ang hinayupak na to ay walang iba kundi ang pogi na nakasabay ko sa jeep kanina! bago ko pa man nya ko magahasa ay pinulot ko na ang aking mga damit at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto. Bago pa man ako makalabas ay naulinigan ko pa ang kanyang sinabi

"Nice curves by the way!"

Napapikit nalang ako ng marealize kong naka bra't panty na lang pala ako dali dali akong dumiretso sa CR dito sa taas at nagmamadaling nag-ayos ng sarili. what a worst day?! ngayon iniisip ko kung paano ko haharap ngayon sa kanya! tumuwid ako sa pagkakatayo habang nakatingin sa harapan ng salamin. 'Kaya mo 'to Alexandra Cassey Mayores! werpa!'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To own him #JFanticWhere stories live. Discover now