ALYSSA'S POV:ALAM kong hindi normal ang pinagdaanan namin ni Denden bago naging kami ngayon. Oo, minahal namin ang isa't-isa, ako alam kong mahal ko siya kaya naman kahit saan nya ako dalhin ay sumusunod ako. Pero lately, masyadong marami ng pagbabago. Alam ko naman ang pinasok ko pero…. Kasi nandito na 'yung pakiramdam na naghahanap na ako.
Madalas pa 'yung malayo kami sa isa't-isa kaysa mga panakaw pa naming sandali. Mabigat ang loob kong nakatulog.
Kinabukasan ay wala pa ring text si Denden. Pagdating ko sa opisina ay binuksan ko ang pc ko at nag-check ng emails. May isang galing kay Den.
"Hi honey! Sorry walang signal sa lugar namin kagabi. See you soon, I love you so much."
May kaunting kilig ako, lagi naman sa bawat iloveyou niya, sumasaya na ako. So…. How's soon is soon? Gusto ko sanang ireply. Nagtype na lang ako ng "I love you, too. I'll wait for you, always."
Dumaan ang maghapon at nandyan ulit si Kiefer. Hindi na naman ako makatakas.
"Oh hi, may dinaanan ka ulit?"
"Ah hindi, aayain lang sana kita magdinner?"Nasa pagitan ako ng pagpayag sa hindi. Papayag dahil in a way, nagrerebelde na ako kay Denden, o hindi dahil sa asawa ko si Denden?
Asawa na ilan lang kaming nakaka-alam. Masyadong mabigat ang loob ko dahil maghapon na hindi siya nagparamdam. Parang ano ba? Kung kailan na lang maisipang i-contact, gano'n?
"S-sure, sige," sagot ko ng nakangiti.
"Okay, nice!" Akala mo namang nanalo sa tono ang smile niya.
Napunta kami sa Glorietta. We met her cousin first with his nephew. May ibibigay lang daw na powercard ng Timezone. Sa mall , kahit simple lang ang ayos ko ay may nakaka-kilala pa rin. Kahit na hindi na ako visible sa paglalaro ay may mga taga-hanga pa ring nagpapa-autograph.
May isa pang nag-comment na bagay na bagay raw kami. Ngiti lang ang ginaganti ko.
Pagdating sa Timezone ay inaya ako ni Kief if I want to play daw hanggang maubos 'yung laman ng card niya. As usual, he got attention sa paglalaro niya ng basketball. Nag try din ako at kahit papa'no ay nag-enjoy ako. Madalas akong matawa at tumili sa tuwing hindi ko nasu-shoot 'yung bola.
After that ay kumain kami lang sa Food Choices, sa sulok lang nga lang para hindi kami pansinin. Mas gusto ko kasi 'yung parang friendly dinner lang ang maging senaryo. Hinatid ako ni Kief sa bahay. Inaya ko siya sa may veranda at magkatabi kaming umupo.
"Kief, puwede ba tayong mag-usap saglit?" pormal kong sabi.
"Sure."
"Una sa lahat, salamat. Salamat sa dinner, sa bulaklak, sa pag-appreciate, sa attention. Walang masama ro'n. Pero… pero kasi tatapatin na kita. Ahhm… magka-ibigan tayo diba?"
"Uhmm… for now?"
"Just now and just as friends… forever."
"I haven't started yet, basted agad? He, he. May iba ba? Sino? Malaman ko man lang ang karibal ko?"
"No… wala kang karibal. It's just that, I'm taken already. I'm married Kiefer."
"Huh?! You're joking right?"
"I'm not."
"Yes I am. It's just that, we are secretly married. And my family doesn't know it. Look, it's so complicated. I just can't tell you."
"Ly, kung ayaw mo naman sa akin, maiintindihan ko. Huwag ka lang gumawa ng kuwento na parang sinasara mo na talaga ang pinto para sa akin?"
"I'm telling you the truth. In time, sasabihin ko rin pero nt now. Magulo pa kasi. And sana, erquest ko lang, wala ka munang pagsabihan, please? Hayaan mo ko.""Okay fine. But still, I'll pursue you. Hangga't hindi nagiging visible ang so-called hubby mo sa mga mata ko, I'll take my chances Ly. Hindi ako gano'n kadaling sumuko."
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
FanfictionA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018