10 hakbang papalayo sayo!

1 0 0
                                    

ISA
Isang rosas na alay mo
Isang harana para sa babaeng tulad ko
Katumbas matamis na "OO"

DALAWA
Dalawang beses kung ako'y iyong ihatid
Araw araw na matatamis mong salitang "mahal kita" na walang patid

TATLO
Tatlong Salitang nakakapagpalambot sa puso
Tatlong salitang nakakapanindig ng aking mga balahibo

Apat
Apat na mensahe ang saki'y bumubungad
Umaga
Tanghali
Hapon
At gabi

Lima
Limang beses kung ako'y iyong yakapin
Araw araw gusto ko nalang na oras ay hatakin
Ano ba itong aking nararamdaman
Pag ika't nakikita
Tila ba ang tuhod ko'y humihina ang kalamnan

Anim
Anim na salita
"Mahal na mahal kita akong sinta"
Oh ano ba?
Dapat na ba akong umiwas? O tuluyan ng kumapit
Iwan ang nakagapos na damdamin at mga pighati nangyari sa akin

Pito
Tuluyan na nga akong nahulog sa'yo
Umamin ako at buti naman sinalo mo ako
Labis na kasiyahan ang naramdaman ko
Na halos gusto ko isigaw sa mundo na " mahal ko ang gagong 'to"

Walo
2 taon na ang nakalipas
Ang bilis ng panahon
Hindi ko namalayan mula ng ika'y magpapansin at buhay ko'y guluhin

Siyam
Hindi ko alam! Hindi ko alam!
Kung kaya pa ba kitang pagkatiwalaan
Gayong nalaman ko na ako'y inyo lamang pinagpustahan
Masakit na masakit,hindi ako makahinga
Hindi ko alam kung pano pa ako magsisimula

Sampo
Sampong hakbang papalayo sa'yo
Walang lingon lingon
Dire diretso
Dinurog mo ako
Winasak mo ang pagkatao ko
Hindi ko alam kung anong gagawin ko
Basta ang alam ko,
Minahal kita ng todo todo
At hindi ko pinagsisihan ito

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untitled StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon