TO MY BELOVED AUTHOR ATEI NIKKIDOO
Naalala ko nung naghalungkat ako ng mga stories/E-book sa phone ng bhest ko! Sabi ko sa kaniya "Bhest peram Cp mo maghahalungkat ako ng babasahin ko." Agad niyang binigay hahahahaha pero ewan ko ba sa 100+ na naka save na stories sa cp niya na-attract ako sa "MY DRUMMER BOY". Ang nasa isip ko pa dati bakit my drummer boy? "AH! Baka yung lalake drumm tapos yung babae yung stick ng drumm kaya naging drummer boy!" Hahahahahahaha yan ang pumasok sa isip ko nun tinanung ko pa si Bhest kung nabasa niya na yung My Drummer Boy sabi niya pa hindi pa daw! Ako si curious inopen at binasa ko na ito! Hahahahahahahaha nung umpisa naiines pa ako kay kuya Jessie ang epal niya kase kay atei Luna ang sarap niya ngang ilublub sa lupa lalo na nung nag sosorry si kuya Jessie kay atei Luna na nasa stage siya, hahahahahahah. Tapos basa lang ako ng basa kahit na may klase kame partida nasa harapan pa ako! Hihihihihihihihi sabi nga ng bhest ko "Hoi ate ngitingiti mo diya mukha kanang ewan diyan!" Paano ba naman ni kikilig ako pag nag-aasaran na sila ni kuya Jessie. Tapos pag kumakain na kame hindi ako kumakain dahil yung kwento na kinakain ko hahahahaha lalo na pag uwiaan kulang nalang lumuhod ako sa harapan ng bhest ko para hiramin yung cp niya hahahahaha kase hindi naman ako mayaman para mag ka cp ng may ebook or wattpad so ayun "Bhessssssssst pahiraaaaaaaaaam na pleeeeeeeeeeeeeeeese kadalasang sinasabi ko para lang mabasa ko yung My Drummer Boy!
Habang naglalakad ako pauwi hindi ko po tinitignan yung dinadaanan ko yung Cp tinitingnan ko dahil na kilig kilig part na ako. ngiting kilig lage ang bungad ko sa guard hahahaha "Ija madapa ka!" ako naman "Hahahahahaha kuyang guard alam mo po kase kinikilig po ako si kuya Jessie po kase tinatawag na HONEY KO si ate Luna kaya nakakakilig!" Saka ko lalayasan si kuyang guard hahahahaha! Grabe ate kung alam mo lang po mga kabaliwan ko habang binabasa ko po itong My Drummer Boy lalo na pag kilig moment hehehehe kawawa sila sa bahay hahahaha napapakanta nalang ako bigla pag nag huhugas ako ng mga plate tapos bigla kong maaalala yung bangayan nila kuya Jessie at atei Luna pati sila Kuya Kevin at ate Steff grabe natatawang kinikilig ako tapos pag dadaan si papa sa likuran ko pinapalo ko siya sa tiyan sa sobrang kilig!!!! Hindi ko siya binasa sa wattpad dahil sa phone siya ng Bhest ko binasa duon ko siya na discover. Sa pag babasa kong iyon hindi lang happy at kilig moment ang natutunan ko may mga moral lesson din siya. Nakakalungkot nga lang na dalawang magkaibigan ang may gusto kay ate Luna! huhu kahit ganun LunEssie parin akeira dahil bagay na bagay sekira !!! Hahahaha napapa elien nanaman ako nikikilig parin ako kahit na nag flaflsahback sa aketch memory hihihihihihi! Kakakilig lang talaga super!!!
tapos nung nasa book 2 na ako nakakabuset si kuya Jessie sasapatusin ko siya eh bakit kase nikakalimutan niya si atei Luna wahahahahahaha yan reaction ko nun tapos ng nalaman ko na bumalik na alaala ni kuya Jessie oaww yah party party nasa Canteen ako nun eh tumatalon lang naman ako habang nagbabayad kay ateng nagtitinda! Hahahaha ang kulet lang kase pati yung sa kasal waaaaaah di ko inasahan yun akala ko wala nang pag-asa si atei Luna ko nun huhuhuhuhuhu papasalvage ko pa sana si kuya Jessie pag nagkataon na wala siyang ginawa! Haha pero ang nakakatuwa sa lahat ay nung sila na nga ang magkakatuluyan omo omo kinikilig ako feeling ko ako yung nasa kwento ate grabe ang galing galing mong gumawa! Nang matapos kong basahin yun lage kung sinasabi kay Bhest "Bhest ang ganda talaga ng my drummer boy litse maiihi ka sa sobrang kilig at sa kakatawa sa bayangayan ng mga love birds!!" Tapos hindi ko siya tinitigilan hanggat sa hindi niya binabasa tapos ayun nakulitan binasa niya at NAKIBASA ULIT AKO wahahaha ang sarap ulit-ulitin eh tapos nagtatanung siya ano daw mang-yayari nung umalis na si atei Luna papunta sa ibang bansa para magpagamot! Sabi ko mamamatay siya hahaha tapos kinaumagahan pag pasok ko! *PAAAAAK* malakas na batok lang abot ko kase naman "Loko ka hindi naman siya namatay hindi lang naman siya naalala ni Jessie." Hahaha tapos ayan keribels na pag nasa computer lab na kame nagbabasa lang kame ng my Drummer boy inaagawan ko pa nga si bhes ng binabasa eh. Kuseee naman eh ang sarap-sarap ulitin eh kahit sinasapak ako ni bhest sa sobrang kakulitan ko sulit naman na pag ako naka bawi pag kinikilig ako sa mga lines nila atei Luna lalo na sa tawagan nilang "HONEY KO" wahahahaha nikikilig talaga ako. Tapos kila kuya Kevin naman at ate Steff eh "BABE" natatawa din ako sa lambingan nila hahahaha mas lalake pa kung umasta si atei Steff maka batok kase kay kuya Kevin hehehe!!
Grabe atei sa nakakaenjoy basahin yang kwento halos lahat ng friend ko na nakikilala ko pag nagtanong na ako. "May wattpad ka? Basahin mo My Drummer Boy at yung book 2 nun na Be Mine Again nakuh sinasabi ko sayo kikiligin ka ang beloved ate Nikkidoo ko ang sumulat nun my mga groupies din sali ka i a-add kita feel free bawal mahiya duon sa group kaya basahin muna dahil pag hindi mo yun binasa MAGSISISI KA! Sinasabi ko sayo yan!" hahahaha hard ba masyado ate basta yan po talaga ang madalas kong sabihin kahit po sa text hehe natutuwa po kase ako eh lalo na pag nag o-open ako ng fb tapos nakikita ko mga comment mo natutuwa ako kase marunong kang makisama lalo na ng nag message ako sayo one time akala ko nuon hindi mo ako papansinin kase text lang po yun sabi ko hindi niya naman ako papansinin kase busy yun! Tapos maya-maya tumunog yung 3315 na cp ko hehehe at pag open ko "NIKKIDOO" KAAAAYAAAAAAAAH omo omo KUUUUUUUUYAAAAAAAAA si si ate NIKKIDOO ni text ako uwaaaaaaah" oha OA na atei kung OA pero natuwa talaga ako ng sobra ate kase hindi mo po ako ni snob huhuhu ang bait mo talaga ate ang galing mo pang gumawa ng stories. Basta ate kahit anong mangyari kung may kailangan ka nandito lang kame susuportahan ka namin kung kailangan magwelga sa harapan ni NONOY susugod kame hehehe kasama ang buong nagmamahal sayo kung may aaway sayo reresbakan ko papakain ko sila ng bomba hahaha joke lang basta ate Nikkidoo mahal ka namin ha pag problemado ka po dito lang kame ate! Pag butihan sa pag-aaral tyaka sa paggawa ng stories dahil ako'y patuloy na magbabasa kahit na mag-isa ko nalang okay lang babasahin ko yan kahit pumuti na buhok ko sa mata! Isa ka din sa insparation ko at kinuhanan ng lakas ng loob para gumawa ng story kahin na panget! Basta atei wag kang titigil ha. Kase Idol kita the best ka atei! Teka punas sipon tumutulo na (singhot) hehe.
Ayan naging nobela nanaman hehehe paulit-ulit pa mga nasabi ko hihihi tapos pati kalokohan ko nasama ko na rin natutuwa lang talaga ako ate! Kuseee ni kikilig akooooo kaya ganyan!
Ipagpatuloy mo lang ate SUPORTADO AKO! KASE MAHAL KA NAMIN
(pasensya ate pure tagalog ako hahaha mahina sa Eglish okay lang po ba? Pasensya na ate may lengwaheng ALEIN aketch eh)
Baby_Ja