Love Is . 14
Camille's POV
"Nakakakain ba naman siya sa tamang oras?" Tanong nito.
"Malay ko! Anong tingin mo saakin Ciennang body guard niya?" Pagtataray ko.
"Eh kasi naman kambal sagutin mo nalang" pagmamaktol nito.
"Tsss! Siguro, hindi ko alam! Si ditse nalang ang tanungin mo siya ang madalas niyang nakakasama" utos ko, tumango naman ito.
"Yung resort niya kamusta?" Tanong ko.
"Bakit hindi mo puntahan?" Pagtataray ko.
"Kambal naman eh" pagmamaktol nito.
"Ewan ko sayo Cienne! Hindi kita maintindihan, lagi mong sinasabi gagawin mo ang lahat magkabalikan lang kayo ni Vic" yamot kong sabi.
"Lahat kambal, as in lahat gagawin ko magkaayos lang kami" sincere nitong sabi
"Magtatatlong buwan na kayong wala Cienne, sa pagkakaalam ko ni ha ni ho wala ka pang nasasabi sakanya" sermon ko sakanya.
"Chill ka lang kambal" pagpapakalma nito.
"Chill chill ka diyan, tignan natin kung masasabi mo pa yan pagdumating yung time na wala na talaga" sabay irap ko.
"Hoy! Wag ka ngang magsalita ng ganyan!" Singhal nito.
"Naku Cienne sa ginagawa mo ngayon, ay este wala ka palang ginagawa. Hindi malabong mangyari yun!" Madiin kong sambit, sinadya ko talaga yun para mapaisip siya.
Tama naman ako eh, pasalamat siya at mahal siya ni Vic kung hindi baka luhaan na ang isang to ngayon.
Realtalk tayo mga bes, Victonara Galang yun eh. Ang daming nahuhumaling sa taong yun mapababae man o lalaki dapat nga ang kambal ko ang unang nakakaalam nun kasi maski nung sila pa marami ng lumalandi sakanya. Paano pa kaya ngayon? Diba?
"Cienne" napabuntong hininga ako "hindi ko sinasabi to para saktan ka, pinapaalala ko lang yung mga posibleng mangyari" seryoso kong sabi.
"Alam ko kambal, tama ka naman eh" malungkot nitong sagot.
"Kaya kung ano man yang ginagawa mo diyan na hindi mo maiwan-iwan sana worth it" wala sa sarili naman itong tumango.
...
Kim's POV
"Anong meron?" Kunot noong tanong ni Carol.
"Nagselos nanaman yung isa" sagot ko.
"Marinig ka!" Saway saakin ni Ye na kasalukuyang nakaupo sa kaliwa ko.
"Nagselos?" Kunot noong tanong nitong si donkey.
"Photo-shoot kanina para sa grand prix diba?" Tumango naman ito.
"Syempre nandun lahat ng team" sulpot naman ni Kianna.
"Meaning, nandun din si ate Den" si Dawn naman ngayon.
Napatango naman si Carol at napatingin sa gawi nila Vic at ditse, well lahat pala kami napatingin sakanila.
Dinaig pa ni ditse yung asawang nagseselos eh, jusko day! Kunti nalang talaga eh.
"Ditse!" Yamot ng tawag ni wafs dito.
Wala paring sagot itong si ditse, ni hindi nga tumingin eh! Napataas nalang si wafs ng kamay at tumayo.
Napapailing nalang ako ng pasimpleng sumilip si ditse sakanya ng umalis ito.
"Tadhana talaga eh no" natatawang sambit ni Ye.
Napatingin naman kami sa direksyon ng tinitignan nito, sakto ang pagpasok ng team ni Bang dito sa restaurant.