Ngayon ay nandito ako sa CR.Nagiisip kung paano ako uuwi sa bahay ng ligtas.
10:30 PM na kaya wala ng pagasang makauwi pa ako.Laking pasasalamat ko na lamang dahil Friday ngayon at kinabukasan ay walang pasok.Naghilamos na lang muna ako at nagpalit ng extra damit na ipinahiram sa akin ni William.Mag ka size lang pala kame ng katawan ni William kaya hindi na ako nahirapan sa pagsuot nito.
Matapos kong maisuot ay lumabas na ako.Napagpasyahan ko na dito na lang muna manatili.Hinanap ko si William kaso wala siya.Asan kaya siya?
Pumunta ako sa kusina ng library.Hahaha yung kusina kasi dito is my kusina.Kusina para sa mga visitors na pumupunta dito.Naglakad ako papunta don sa kusina at nakita ko si William.May hinahanap siya sa mga cabinet.Naghahanap ata siya ng pagkain namin?
"William anong ginagawa mo diyan?"Pagtatanong ko na siya namang ikinagulat nito.
"Naghahanap lang ng makakain pero tinapay lang ang nakita ko ehh."Malungkot na sabi ni William.Gardenia's bread yung nakita niya.Hindi na ako naging maarte pa kesa naman sa mamatay ako dito sa gutom.
"Ok na yan, wag mo ng pagurin ang sarili mo sa paghahanap sa mga bagay na kahit kailan na may hindi magpapakita sayo." May damdamin kong sagot sa kaniya.Medyo natameme siya sa sinabi ko at nagwika.
"Hugot ba yon?Bakit? may mga bagay ka bang hinahanap pero hindi nagpapakita sayo?Pagtatanong nito sa akin.Well, meron pero ayokong sabihin sa kaniya.Hindi ko na sinagot iyon at naglakad na patungo sa lamesa.Sumunod na rin siya sa akin at umupo sa tabi ko.
Nakakabingi ang katahimikan at tila pagnguya ko lamang ng tinapay ang naririnig ko.Nabasag ang katahimikan ng nagtanong si William.
"Xander?Tungkol pala sa kanina.Binabangungot ka pala."Pagsisimula ni William.Oo alam kong masamang bangungot yon.Pero natatakot ako na baka mangyari iyon sa totoong buhay.
"Hindi ko nga alam kung bakit ako dinapuaan ng bwisit na ganung bangungot."Pagsagot ko naman sa kaniya.Ngayon lang kasi ako binangungot kaya naguguluhan pa ang utak ko sa mga nangyayari sa panaginip ko.
"Pero. ano nga pala yung nangyayari sa akin kanina habang binabangungot ako?"Muli kong pagtatanong.Gusto ko talagang malaman kung ano ang epekto ng bangungot sa tunay na katawan ko.
"Ahhh yun ba."Sagot naman nito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~F L A S H B A CK~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
William's POV
Sa mga oras na ito ay nagbabasa ako ng libro.Ang katabi ko ay si Xander.Gusto ko sana siyang gisingin dahil mag 10:00 PM na kaso nagdadalawang isip ako na baka magalit siya sa akin kaya mas minabuti ko na lamang na huwag.
Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.
"Mama"
"Papa"
"Hindi ko po kayo iiwan"
"Mahal na mahal ko po kayo"
Sabi nito habang nakapikit at bakas sa kaniyang mukha ang pagkalungkot kahit natutulog ito.Unang pumasok sa isipan ko na nananaginip siya.
Hindi ko muna siya pinansin ng ilang minuto.Itinuon ko ang sarili ko sa librong binabasa ko.Lumipas ang ilang minuto ay gumagalaw siya.Pinupukpok niya ang ulo niya sa lamesa.Hindi ko alam ang gagawin ko.Kaya minabuti kong gisingin siya ngunit wala epekto ito sa kaniya.
Nagulat na lamang ako ng yakapin niya ako at nag wika."Mama at Papa wag na wag niyo akong iiwan.Hindi ko po kayo pababayaan." Bakas ang lungkot sa kaniyang mukha may mga ilang luha narin ang pumatak sa mata niya.Naaawa ako sa kaniya dahil tungkol sa pamilya niya ang panaginip niya.Ako kase is ayaw kong nananaginip ng hindi maganda kapag tungkol sa pamilya.
Umiiyak siya.Panay ang tulo sa kaniyang mga mata.Nakaka awa siyang tignan habang nakayakap sa akin.Nagulat na lamang ako ng sumigaw siya.
AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!
AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!
AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!
Nakakarindi!Pero kinakabahan ako sa mga nangyayari sa panaginip niya.Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya kinuha ko ang bottled mineral sa lamesa at uminom.Napapansin ko na lalong humihigpit ang kapit niya at ang pagkakayakap niya sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko.Ito lamang ang tanging paraan.Hindi ko siya magising sa malakas ng pagyugyog kaya mas minabuti kong sabuyan siya ng tubig.SUCCESS!Nagising siya dahil sa tubig.Hingal na hingal siya kaya inabutan ko siya ng tubig.Nakikita ko sa mga mukha niya ang pagkagulat ng makita niya ang mukha niya at damit dahil basa ito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~E N D O F F L A S H B A C K~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
YOU ARE READING
Nightmare with YOU
FantasíaSa lahat po ng magtatangkang basahin ito.Wag na kayong magdalawang isip pa. Ilagay na agad sa "Reading List" mo at basahin. Hinding hindi ka bibiguin ng "Nightmare with YOU." At ng author na si <~-|WoofGoesCow|-~> <3