Dahil sa sinabi ni Arnold kay Rosa, si Rosa ay nag imbestiga sa mga kaibigan ni Arnold at magsasaka sa palayan nila kung saan tinanong niya " kung saan nagpupu - punta ang kaniyang asawa at ano oras ito umaalis sa palayan araw araw.
Pero ang mga kaibigan ni Arnold ay maganda ang komento subalit may isang magsasaka na nagsabi lahat lahat na ginagawa ng asawa niya, at humingi ng pabor na 'wag siyang isumbong sa asawa niya na siya nagsabi dahil baka siya paalisin sa trabaho, na kung saan sumang - ayon naman si Rosa na 'di ito sabihin, dahil sa malaki ang tiwala ni Rosa sa magsasakang nagsabi sa kanya, siya ay naniwala sa sinabi nito.
Dahil sa nalaman ni Rosa siya ay umiyak, sa bawat iyak niya maraming pumapasok sa isip niya. Iyon ay ang hiwalayan si Arnold pero iniisip niya mga anak niya, ipakulong ang babae, awayin ang asawa niya at marami pang iba. Sa araw na ito, sobrang nasaktan si Rosa hindi niya alam kung ano gagawin niya, tuliro kumbaga.
BINABASA MO ANG
BROKEN FAMILY
Short StoryAng kuwento ay tungkol sa pamilya na kung saan " broken family " sila. At ang kaabang abang sa kuwento ay kung magkakabalikan ba ang mag asawa.