Mina's POV
Kagagaling ko lang sa mall kanina dahil nagtingin-tingin ako ng mga libro kaya lang sobrang mahal nung iba. Yung libro naman na gusto ko ay may kamahalan din, siguro dahil isa yun sa mga best selling novels. Pero masaya ako dahil may isang mabait at magandang babae ang nagregalo sakin nung librong gusto ko. Kaya sobrang saya ko talaga. Cellphone at Libro lang naman ang nakakapagpasaya sakin ngayon.
"I think you love reading so accept this little gift. Narinig ko kasi sa Friend ko na you really like it."
Yan yung exact na sinabi nya sakin. Sinabi daw nung friend nya na gusto ko yung libro na 'to kaya binili nya at ibinigay sa akin take note nakabalot pa. I guess hindi lang sila friends eh, maybe best friends. They have some similarities kasi dahil siguro sa ilang taon nilang magkasama at magkakilala. Ganun naman daw yun eh. Yung mag-asawa nga nagiging magkamukha kapag katagalan na eh.
Anyway, pag-uwi ko ng bahay ay naabutan ko yung kuya ko na mas pogi pa ang crush ko. Di joke lang XD. Maganda ako kaya gwapo ang kuya ko. Ay! Erase Erase! Ulit nga. Maganda ako kaya gwapo ang kuya ko. *insert big smile* Ayy? Bakit parang pareho lang? Ulit nga. Okay. Hooh! Inhale. Exhale. Eto na talaga. MAGANDA AKO KAYA GWAPO ANG KUYA KO. Eeeh? Ganun talaga eh. Hayaan nyo na nga, basta maganda ako at gwapo sya. PERIOD.
Okay. So yun nga nandito ako sa kwarto at naabutan ko sya. Inilapag ko yung regalong binigay sakin.
"Kuya Karl anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Si kuya Karl ay hindi ko tunay na kapatid. I was adopted at masaya ako dahil hindi nila sa akin tinago yung katotohanan.
He's half-japanese samantalang ako pure... pure NEGRA! Joke! Pure Filipina ako at hindi ako maitim. He treats me like I'm his real sister at never kaming nag-away.
"Nasabi mo na ba kay Nate?" Nate? Eeh? Nemen eh, Se keye telege kenekeleg teley eke!
"Ano namang sasabihin ko sa kanya?" patay-malisya kong tanong/sagot. Kunwari Mina hindi ka kinikilig. Hindi ka kinikilig okay?
"Yung feelings mo kay Nate." Waaaaaah! Kilig overload! Kilig overload! Alert! Alert! Love Zone Reaching! Booooom! Ayun sumabog na!
"Eh? Kuya naman eh. Huwag mo ngang banggitin yung pangalan nya." tumabi ako sa kanya habang tumatawa na parang kinikiliti na ewan.
"Bakit naman?" tanong nya.
"Kasi.. Pangalan nya pa lang kinikilig na ako!" sabay hampas sa braso nya ng MALAKAS! (CapsLock para INTENSE XD)
"Bakit di mo pa kasi sabihin sa kanya na gusto mo sya?" Pagbabalik nya ng tanong kanina. Tch. Nirephrase lang eh.
"Sus, ano namang mapapala ko dun? Eh diba may Nana na sya? Edi dun sya sa Nana nya!" I said bitterly. Yea, may iba syang gusto. Sad to say pero totoo yun. Nung araw kasi na magcoconfess dapat ako sa kanya sa playground ay narinig ko sila nung kaibigan nya na pinag-uusapan yung matagal nang gusto ni Nate na si Nana nga. Kaya ayun, parang umurong yung dila ko at hindi na nakapagconfess pa.
"Bahala ka. Ako gagawa ng paraan." As if naman kaya yun ni Kuya.
Kinuha nya yung phone ko na nakapatong sa bedside table ko at kinalikot.
"Bakit hindi ako ang nasa number one speed dial mo?" tanong nya.
"Eeeh? Kuya wag mo na nga lang pakialaman yung phone ko." inagaw ko sa kanya yung phone ko at ipinagtabuyan sya palabas. HAHAHA. Wala syang palag eh!
----
"Ella, Jessy! Alis na ako ah. Nasan yung kambal?" Tinuro nila si Aly at Ayie na nagsasalamin. As always, putting 'some' make-up. Lumapit ako sa kanila at nakipagbeso-beso.