Epic 1

25 4 2
                                    

"Saan kaya dito ang room ng mga TVL?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad sa 3rd floor ng building at hinahanap ko ang room namin.

Hanggang sa dumating ako sa last room na nasa 3rd floor. Ito na ang huling room kaya imposibleng wala dito ang pangalan ko. Hinanap ko ang pangalan ko sa papel na nakapaskil sa sliding door.

*Hanap* *hanap*

Geralde

Inoc,

Lopez,

Quizon,

Herera

ay ito na! Freezale Herera, Haaayy, salamat naman at nahanap ko na din ang room ko. Sino kaya mga kaklase ko?

Ay teka!

Pinagpatuloy ko ang paghahanap baka kasi nasa listahan din ang mga kaibigan ko.

*Tingin* *tingin*

Mishy, John, Felly. Yes! Buti naman at may kakilala ako dito. Hindi masyadong nakakahiya.

Pagtingin ko sa room eh wala pa naman masyadong tao at wala pa din ang mga kaibigan ko kaya pumasok na ako at umupo sa may bandang gitna. Ayoko kasi pag nasa una, parang ako lang ang nakikita ng mga guro at sa huli naman ayoko din dahil ang liit ko na nga, ang layo ko pa! Eh di wala na akong makita't maintindihan niyan. Kaya sa gitna nalang ako.

Ako nga pala si Freezale Herera, ako ay isang Senior High School student sa isang pribadong paaralan. 18 years young at ang kinuha kong track ay TVL-Cookery.

Bigla akong nawala sa pag-iisip ng may dalawang tao ang pumasok, rather a couple. They are holding hands when they enter at umupo ng magkatabi. I rolled my eyes at iniwas ko ang tingin sa kanila.

Hindi ako bitter ha! Ayoko lang makakita ng mga lovers inside school. I mean, hello! School is a place for STUDENTS not for LOVERS. Kung couple kayo, don't act as one kung nasa loob kayo ng school. May rule kaya sa school na PDA is not allowed.

Hays! Mga kabataan talaga ngayon, minamadali ang lahat. Why would they enter in a relationship in such an early age? Can't they wait? Why some are prioritizing their relationship than their studies? Too many Why's in my mind. Pero isa sa mga ito ay wala akong maisagot. Kasi nga diba, I never experience being truly inlove. Corny kaya!

"Hoy Freezale, Nandito na si maam." - nagulat ako ng bigla nalang nandito na si Mishy, Felly at John, eh ako lang dito sa bandang gitna kanina ah.

"Nandyan na pala kayo?" Sabi ko at napa tingin ako sa paligid. Nakita ko na ang dami na palang tao. Some are familiar and some are not.

"Kanina pa kami, ikaw lang dyan ang tulaleng girl" maarteng sabi naman ng baklang si Johnny. Oo, bakla siya. Gwapong bakla na ang hanap din ay gwapong katulad niya.

"Oo nga! Iniisip nya na naman si Mr. Blank" segunda ni Felly.

"Huwag ka nang umasa. Hindi ka niya mapapansin." Pambabara naman ni Mishy habang inaayos ang sarili sa pag-upo.

"Aray Mishy ha. Alam ko naman yan eh, wag mo naman ipamukha sa akin. Ang sakit kaya huhuh. Mas masakit pa palang isipin na ang bestfriend mo ay hindi sumusuporta sayo 😭 kesa mabasted sa taong gusto mo huhu 😭. I hate you!"

"Oa mo Freezale ha! Tumigil ka nga. Baka marinig ka ni maam. Magsisimula na daw" sabi nya sabay sapak sa akin.

"Aray! Oo na, oo na."

As usual in the first day of class, introduce dito, introduce doon. Boring. Buti nalang yung inintroduce eh yung mga transferee dahil hindi pa namin kilala.

My First Epic Love (One Shot)Where stories live. Discover now