Ganito Kami Sa MRT

117 7 1
                                    

Limang buwan na akong sumasakay sa MRT. Ang pagsakay sa MRT ay everyday adventure, challenge, at obstacle para sa atin na minsan nakakatawa, nakakainis, at nakakapagod. Marami na rin akong experience at nagkaroon ako ng listahan ng uri ng mga taong nakakasabay dito.

Ito sila, Ready?

1. Beato/Beata

Dahil sila ang favorite kong passengers ng MRT, sila ang inuna ko. Ang mga Beato at Beata ang perfect example ng mga buhay na bayani. Sila yung hindi lang basta pumapasok ng train for the sake of makasakay kundi sila yung tinutulungan din ang kapwa na makapasok dahil ramdam niya ang hirap ng mag-antay sa platform na tipong 6 trains ng nakalampas e hindi pa rin makasakay-sakay. Siya yung nagsisilbing team leader ng mga taong nagsisiksikan sa train. Siya yung nagsasabi ng "Usog po tayo sa gitna!", "Wala po munang papasok, may lalabas pa!" (grabe slow clap). Ino-offer niya rin ang seat niya sa mga may kapansanan, may kasamang bata, matatanda, at sa mga girls na madaming bitbit. Sobrang hinahangaan ko sila kasi sila yung hindi nawawalan ng pag-asa na kahit sa maliit na paraan e may pagkakataong maayos itong bulok nating sistema.

2. Classy

Sophisticated at nakaka-intimidate ang mga Classy. Kung titignan mo sila mula ulo hanggang paa, alam mo na ang sunglasses niya e original na Rayban, bag e original na Long Champ, blazer na nabili sa G2000 (oo, tinignan ko yung brand sa kwelyo niya), at meron lang naman siyang BlackBerry, iPhone, at Mini iPad. In short, may kaya ang mga Classy pero nagtiya-tiyaga sila sa MRT kasi di hamak na mas mabilis ito at ayaw nila ma-trapik sa EDSA. Madalas ang mga Classy e bumababa sa Ortigas, Buendia, at Ayala Station.

3. Bookworm

Obviously, mahilig ang mga Bookworms sa book. Lagi silang may dalang libro mapa-softbound, hardbound, eBook, o pdf file pa iyan. Kahit gaano na magsiksikan ang mga tao, andun pa rin sila sa sulok hindi matinag dahil ayaw nilang mawala sa page na binabasa nila. Pag meron kayong nakitang Bookworm na every tapos ng page e tumitingin sa kaliwa, kanan, o likod niya e malamang sa malamang ang binabasa nito ay 50 Shades of Grey, if you know what I mean.

4. Tsk-ers

Tsk-ers always do tsk tsk tsk. Konting tulak sa kanila "tsk", konting daplis "tsk", konting out balance "tsk". Minsan maiinis ka na lang sa kanila kaya ang masasabi mo na lang din e "tsk" (kahit hindi mo intensyon). Ang sa akin naman, kahit maka-1 million "tsks" ka e walang mababago sa sistema, ganun at ganun pa rin ang hirap ng pagsakay sa MRT kaya papasok sa eksena si "Taxi Guy".

5. Taxi Guy

Ang prinisipyo ni Taxi Guy ay yung nabanggit ko kanina. Kung hindi ka ready at prepared makipagsapalaran sa MRT e wag kang sumakay dito. Maraming alternatives. Kaya pag intense na ang mga pangyayari sa loob ng train at meron ng nag-aaway, at meron ng napikon.. wait for Taxi Guy to say something like "Edi mag-taxi ka!" "Reklamo ng reklamo, nagtaxi ka na lang sana."

6. Soundtrippers

Sounds like strippers hindi ba? Kasi ang Soundtrippers at strippers ay hindi masyadong nagkakalayo syempre minus the fact na ang Soundtrippers ay hindi naghuhubad sa loob ng train. Ang mga Soundtrippers kahit naka-earphones ay malakas magpatugtog na dinig din ng halos 5 katao nakapalibot sa kanya. Minsan sa sobrang lakas ng sound e naha-high sila na bigla na lang mag-heheadbang at kakanta ng malakas at kulang na lang talaga e mag pole dancing sa bakal na hawakan. Di ba? Total entertainer.

7. Soundtrippers With A Cause

Wow. May ganun pa? Haha. Ang mga SWAC e normal lang na sound trip. Di masyadong loud ang sounds. Bali nag-sound trip lang sila para maka-escape sa reality. Sumasabay lang sila ng agos ng tao with very nice music sa background. Minsan intensyon nilang lakasan yung sound nila kung may Tskers on the way. Ayaw nila ng bad vibes at Music ang kanilang sandata.

Ganito Kami Sa MRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon