Sometimes we can't voice out the true feelings we have, even how talkative we are.
Yung tipong dinadaan mo nalang lahat sa biro. -,-
Para kung sakaling mapahiya ka hindi masyadong mahahalata.
--
Ayesha's POV
"Ayesha Sung" sigaw ng magaling kong bestfriend.
"Ano?" inis kong tanong kita ng busy ang tao sa paglalaro ng temple run sa phone ko ee di ko kasi ma beat yung highest score ee. -,-
"Ayesha" nasigaw ulet. Malapit na talagang mabasag eardrums ko -,-
Ibinaba ko muna yung phone ko tsaka ko dinampot yung yellow pad tsaka nirolyo at saka ko siya pinalo ng pagkalakas lakas.
"Aray" sabay kamot sa ulo niya.
"For pete sake Shy magkatabi lang tayo tapos sigaw ka ng sigaw. Seriously? may balak ka bang bingihin ako?"
"Saglit saglit. Chillax! Tingin ka dun o?" sabay nguso niya sa lalaking nakatayo sa may hall way.
"Kyaaaah! MyGolly Shy. Bakit di mo sinabi agad?" sigaw ko with matching hampas sakanya habang siya nakatakip yung mga kamay niya sa tenga niya.
"OA mo Ash! Kelangan may hampas kanina pa nga kita tinatawag ei" sabay irap saken.
Pano ba naman kse yung itinuro nya ampogi. Syete otso walo eight! Mukhang bago lang siya. Transferee yata. Nakatayo sya sa may hallway tapos naka smile pa sya. Ang kanyang killer smile ang ganda ng mga dimples nya tapos yung lips niya sooo kissable. Syet lang! *_* Kras ko na siya. Kras at first sight. Landot! :3
"Hoy"
"Ay palaka ka" sigaw ko. Makagulat naman to.
Doon ko lang namalayan na dumating na pala yung teacher namen. At doon ko lang din na napansin na kasama nya yung pogi. ^_____^ So classmate namen sya sa malamang sa malamang. Ayos to!
"GoodMorning Class" panimula ni sir.
"GoodMorning Sir" we said in unison.
"So i have to introduce to you your new classmate. He is a transferee from Keinlax University." pagpapaliwag ni sir.
"He is Sam Montemayor" pagpapatuloy ni sir.
Nga-Nga ako kse habang pinapakilala siya ni sir nakangiti lang siya.
"Yesha"
"Ayy Ayesha ka." sa gulat ko nabanggit ko tuloy pangalan ko.
"Yes, sir?" response ko sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"Lumipat ka sa tabi ni Shy" sinunod ko naman si sir.
May isang vacant kse sa row namen at yung vacant na yun ay iyong nasa pagitan namen ni Shy. So bale ang vacant na ngayon ay iyong asa tabi ng bintana na dati kong upuan.
"Excuse me" isang cool na boses ang narinig ko. Pagkatingala ko....
Spell Nga-Nga A-Y-E-S-H-A.
Akin yung upuan na yun ei. Ako dapat dun sa tapat ng bintana ei. :( Napairap nalang ako. Tae naman kse.
Pero okay lang haha. Kung siya naman ang makakatabi ko. *_*
"Gusto mo palit nalang tayo ng upuan?" nagulat ako sa tanong niya. Siomai, kinausap niya ako. Ako ba yun? Malamang ako yun ako lang naman katabi niya ei kse siya na ang dulo.