(A/N hango po ito sa tunay na buhay sana magustuhan niyo)
Naniniwala ba kayo sa LOVE AT FIRST SIGHT ? (kailangan ko po talagang i-bold at i-caps lock para INTENSE :D)
Yung tipong sa unang kita mo pa lang sa kaniya biglang titigil sa pag-ikot ang mundo, yung wala kang makikitang ibang tao sa paligid kong hindi "siya lang" at yung biglang sasapakin ka ng kasama mo kase tulala ka na (>.<)
*POK*
"Aray" sambit ko sa sumapak sakin
"Ano ba bess? kanina pa ako nagsasalita dito hindi ka naman nakikinig! Sino ba kaseng tinititigan mo?" tanong ni Nicole sakin
Yah? bestfriend ko siya since 1st year palang kami and now 3rd year na kami :) Nicole Garcia nga pala name niya, mabait yan, maganda at medyo matalino? :D
"Ano ba kase yun?" tanong ko
"Hay naku ewan ko sayo bes! pinagpapantasyahan mo naman yang si kent" sabi niya
"Hindi ah!" sagot ko
"Anong Hindi? e kanina mo pa tinititigan e kulang na nga lang matunaw" sabi niya
Talaga 'tong bestfriend ko oh? mabait sana KONTRABIDA nga lang.
"Oh sige na! tinititigan na kung tinititigan, oh anong section natin?" tanong ko sa kaniya.
Siya kase ang pumunta kanina sa office para malaman kung ano ang section namin
"Section NEON Bess?" sabi niya
O___O
"HA? ibig sabihin classmate natin si Kent?" sigaw ko sa kaniya na ikinatingin ng lahat ng estudyante
"Oo Bess pero hindi ka naman excited nuh? makasigaw WAGAS!"
"Sorry!" sambit ko sabay peace sign sa mga nakatingin ^____^ ehehehe
"Oh! ano mga bess? balita ko magkakasama na tayo sa iisang room?" sabi ng paparating na si Mitz
Dalawa nga pala ang bestfriend ko si Nicole Garcia at Mitz Aguila, si Nicole close na close kami niyan palagi kami ang magkasama sa kalokohan kaya kabisado na namin ang isat-isa, Si Mitz naman naging bestfriend ko siya last year pero hindi kami masyadong close lagi kase siyang wala at tsaka ngayon lang kami naging magkaklase , palagi kase kami ni Nicole sa sec. 2 napupunta at siya naman sa sec. 1 buti pa nga siya lagi niyang kasama si Kent :3 samantalang ako hanggang tingin na lang haist.! Pero ayus Lang andiyan naman si mitz para magbalita :D
"oo bess! sama-sama na naman tau nito sa gimik :D EXCITING! :D" sagot ni Nicole kay Mitz.
"So? tara na ? ^_^" aya ni mitz samin
Sumunod na lang ako sa kanila kase kinakabahan ako, first time ko kaseng makakasama si Kent sa iisang room ?! Hoooo! kaya mo 'to Arcie.
Yah! tama po kayo ng narinig ay este nabasa pala, ako po si Ar-cen Tuazon but you can call me "Arcei" at oo matagal ko ng crush si Kent Ramos, isa siyang varsity player ng school na 'to, isa din siyang honor student at marami as in sobrang dami niyang admirer, syempre isa na ako dun.
BINABASA MO ANG
Diary of Pathetic Girl
Teen FictionYung taong mahal na mahal mo, ang mahal pala e yung bestfriend mo :( SAKLAP NUH? so, anong dapat gawin ? hahayaan mo na lang bang maging masaya sila kung alam mong masasaktan ka ?? So, what are you waiting for ? basahin niyo na po ang kwentong ito n...