Chapter 3: Happy?

40 2 0
                                    

[Kay's POV]

Super saya ko na talaga sa buhay ko ngayon. Palagi ko nakakasama si Matteo. Minsan sabay sabay kami nila Anjie pumapasok sa school at sabay sabay din umuuwi. Palagi rin kami magkasama tuwing lunch break. Kaso kadalasan umaalis si Anjie. Napakabusy talaga nung babaeng yon. Student council  vice president kasi eh.

Lunch break namin ngayon at kasama ko nanaman si Matteo sa cafeteria. Bumili na kami ng pagkain namin at umupo sa may usual table namin nila Anjie. Hay <3. Dalawang linggo palang kami parati magkasama, pero parang ang dami na naming pinagsamahan. Dati tinitignan ko lang siya sa malayo. Parati kami ni Anjie pumupunta sa tapat ng dating school ni Matteo para lang makita ko siya. Ngayon, katabi ko na siya.

"Ahm... Mikayla. May catsup ka sa gilid ng labi mo. Eto oh tissue."

"A-huh? Ay thank you, Matteo." <3 <3 <3 Kilig talaga!

"Wui, girls! Sila na ba ni Matteo?"

"Palagi sila magkasama eh, baka sila na nga."

"Ay sayang naman. Balak ko sanang angkinin si Matteo."

"Hoy, masaya ka! Sa gwapong katauhan niya, dapat sa akin siya."

"Asus! Asa pa kayong dalawa, taken na siya. Tignan niyo oh. Ang sweet sweet nila. Edi mag-on na nga sila."

Ang lalakas ng bulungan ng mga chismosang mga babaeng 'to. Nakakahiya tuloy kay Matteo at napagchichismisan na kami.

"Huwag mong alalahanin yung mga sinasabi nila. Haha."

"Kaso napagkakamalan na 'tayo' daw. Okay lang ba yun sa'yo? Mali naman kasi sila ng hinala eh."

"Okay lang yon. 'Wag kang mag-alala." kahit kelan ang bait bait talaga ni Matteo. "...at tsaka... sa'yo naman ako nachichismis eh. Kaya okay lang."

Ano daw? Uwaaaa!! Nagblush siya tapos umiwas ng tingin. OMG! ay naku mali 'to, Mikayla Cervantes. Mali. 'Wag kang assuming. Napakafeelingera mo talaga. XD <3

Bumalik kami sa pagkain at nagkwentuhan about sa mga experiences sa buhay. Drama ba? Eh sa masaya kami sa ganon eh =P. Mamaya maya nagsimula nanaman itong mga chismosang mga babae. Buti kung hindi malakas ang mga boses nila eh.

"Girls, may late comer daw na pumasok kanina sa section B. Grabe nakita ko siyang naglalakad sa hallway kanina. Super gwapo! Ang cool ng dating niya."

"Talaga? Kasing gwapo ba ni Matteo?"

"Naku, ubod ng gwapo naman itong dude na 'to."

"Wow! May pag-asa pa ako. Aangkinin ko na siya."

"Sira! Hindi mo pa nga nakikita or nakikilala angkinin kaagad? Napakaano mo talaga!"

Tapos nagtilian sila sa kilig. Late comer? 2 weeks na ah. Talagang late na nga. Sino kaya yon? Ay basta wala akong pakialam. Ang tanging gwapo lang naman sa paningin ko ay si Matteo my labs!

After class, sa wakas nagparamdam din sa amin si Anjie. Mukhang pagod na pagod siya. Parang first 30 minutes ng last period namin siya nakaattend tapos pinatawag na siya sa principal's office.

"Grabe, ayoko na!" reklamo niya habang nakapulupot siya sa braso ko. Naglalakad na kami papuntang parking lot para umuwi. "Pagod na ako. Ilayo niyo na ako sa school na 'to!"

"Ano ba kasi ang meron at napapadalas ang pagtawag sa yo sa principal's office?"

"May pinagme-meetingan kasi kami about sa school event sa October tapos may senior activity pa sa September."

Me + You = Hate = Love? [On going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon