CH. 2 IKAKASAL SA UNANO

1.5K 20 0
                                    

Nagising ako bandang  seven pm. I had been sleeping since twelve noon. Mahaba-haba din ang tulog ko. Seven hours din. Not bad.

Napagdesisyonan kung bumaba kasi nagugutom ako. Ikaw kaya sumuka, hindi kaba magutom.

I am still wandering around dahil hindi ko alam kung saan ako papunta. Ganito kasi ako pag bagong gising, lutang pa. Nang nakapag-isip ako ng matino ay pumunta ako sa kusina.

"Eriena baby." Napalingin ako sa tumawag. Nakita ko Papa na nakaupo sa dinning at nakaharap sa lamesa ng pagkain.

I rolled my eyes. "Paps, Samantha nga po." Yung ayaw ko talaga sa lahat ay tinatawag ako sa second name ko.

Lumapit ako sa kanila. Napataas ang kilay ko ng makita silang ayos na ayos pero di ko nalang pinansin. Lumapit ako sa mesa. Kukuha na sana ako ng fish fillet ng tinampal ni Mama ang kamay ko. Napanguso ako.

"Get dress first. Mag shower ka, maghilod ng singit at magshave." Sabi nya. Napataas ang kilay ko.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ko.

"May bisita tayo mamaya." Sabi ni Papa.

"Sino Paps?" Tanong ko. Napalinga ako at parang may kulang.

"Nga pala. Asan si Ate? Di ko pa sya nakikita." Tanong ko. Nakita kong nagkatinginan sila Mama at Papa. Parang may iba sa tingin nilang dalawa. Papa cleared his throat.

"Magbihis kana." Sabi nya sakin. Napanguso ako. Para kasing may mali. Ikinibit-balikat ko nalang.

Umakyat na ako sa taas. I saw a red fitted dress and red high heels. Napailing ako. Kinuha ko ang dress at hinanger iyon sa closet ko.

"It's the 213th dress and 105th eleven-inch heels." Sabi ko habang umiiling. Lumabas ako sa walk-in closet.

I took a quick shower and dress up. My outfit is just a pair of black leggings, white fubu shirt and white doll shoes. Linugay ko lang ang buhok kong kulot hanggang bewang. Isinuot ko na rin ang malaki kong salamin.

Bumaba na ako. Lumapit ako sa kanila at ganoon nalang ang kunot ng noo ni Mama at iling ni Papa.

“Anong ayos yan Samantha? Magbihis ka nga.” Saway sakin.

"Bakit? Anong mali sa ayos ko?" Tanong ko na takang-taka.

"Haven't you see the dress on your bed?"

"Nakita. Hinanger ko sa closet. Bakit?"

"Go change. Wear it, now."

"Ha? Ayoko nga." Sabi ko. Pinandilatan ako ng mata ni Mama kaya ganun din ang ginawa ko. Ganito kami ni Mama pag may hindi kami pagkakaunawaan. At unang-una sa listahan doon ang mga sinusuot ko na halos isumpa na nya.

"Stop it the two of you. Samantha, sit down." Sabi ni Papa. Magsasalita na sana si Mama pero tinignan sya ni Papa.

"Anong oras tayo kakain Paps? Gutom na ako." Kanina pa tumutunog ang tiyan. Plus yung pagkain pa. Nakaka-laway.

"Later baby. We'll wait for Miro." Sabi nya. Napatango ako. Nilalaro ko nalang yung tinudor ko.

“Elise, nadito na si Miro.” Sabi ni Manang. Tumalikod ako para tumingin kung sinong tinutukoy nya.

Napaawang ang labi ko. It was like I'm looking at a model. Para sya yung modelong lumabas sa magazine. What captures me is his eyes. Those chinito eyes and nose. Yung labi nya kahit malayo, naaninag ko an mapupula nyang labi.

I'm Just The Substitute WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon